Monday, July 16, 2007

Coping Mechanisms (Dramatix Remix One)

Kapag ikaw ay napag-iwanang
Nagyoyosi sa labas ng bahay
Isang madaling araw
Habang binubuyo at iniinternalize
Ang mga problemang pamilyang ni ikaw
Mismo ay walang solusyong maibibigay;

Kapag ikaw ay gabi-gabing
Kinukulit ng paalang ang oras ay
Hindi maaring mapasa-iyo at ang lahat
Ng bagay ay pahiram lamang;

Kay sarap tumingala sa madilim
At mapayapang langit, at sabay bulong sa sariling.

When I die a failure, let me live again…

…How I wish there is infinity among the stars.

No comments: