Thursday, September 11, 2008

Gym Trouble (This Time I'm In Trouble)

Resistance is futile. Sabi nga ng mga Borgs.

But the struggle must go on. Hirit ko naman.

- Gym Trouble, Mugenblue

---

Dear Diary,

Ilang araw ko na rin nakakasabay si Ginoo sa gym tuwing ako ay nagwo-work out sa tanghali. Gaya ng dati, lagi pa rin akong tinatamaan ng libog sa tuwing naiiwan kaming dalawa sa locker room.

Paano kasi ay masyadong seductive tumingin ang aking kasabayan. Ito yung tipong mga titig na nang-aakit at na-encounter ko lang noong ako ay mag-experimento sa bath house isang taon na ang nakakaraan. Madalas ay sinasabayan niya ito ng pasimpleng ngisi na tipong nang-aasar. Tuloy, anumang daming beses namin magkasalubong ay hindi ko pa rin siya matitigan ng diretso sa mata.

Sa tangkad niyang six-footer, isa si Ginoo sa pinakamatangkad na member sa aming gym. Siya rin ang isa sa may pinaka well-proportioned ang katawan na nakita ko - hindi siya katulad ng mga varsity players na mga torre nga sa tangkad subalit patpatin pa rin ang mga kaha. Nakadagdag sa appeal ni Ginoo ang balingkinitan niyang pangangatawan. Talk about daddy template, ganun siya. Malaki na rin ang improvement ng kanyang araw-araw na pagbubuhat kaya't pasuotin mo lang siya ng army fatigue at marami ang maniniwalang isa siyang colonel sa sandatahang lakas ng ating bansa.

Maraming beses na binalak kong magsimula ng usapan sa aming dalawa, subalit siya ang laging tikom ang bibig at ayaw magsalita. Marahil ay nasanay na siya sa aming larong sulyapan o sadyang ito ang larong alam niyang gawin saang gym man siya magtungo. Sa akin naman ay medyo nabasa ko na ang kanyang mga galaw sa tagal naming nagsisilipan. Sa daming beses na nag-attempt si Ginoo na mang-seduce sa akin, isang tapatan lang sa shower cubicle at di malayong gumuho ang lahat ng depensang itinayo ko laban sa kanya.

Wala pang isang oras ay natapos ako sa aking work-out. Mahuhuli kasi ako sa trabaho kung hindi ko bibilangan ang bawat segundong pahinga ko. Si Ginoo naman ay tuloy pa rin sa kanyang dumbells. Paminsan minsan ay susulyap ako sa kanya sa pag-asang mahuli. Siya naman ay titingin sa akin sa tuwing break ng kanyang set. Ganoon ang estilo namin kanina hanggang sa pumasok ako sa loob ng locker room.

Sa pag-asang gaya noong una naming pagtutuos ay susunod ulit siya sa akin.

Nakaupo sa isa sa mga benches, dahan-dahan kong hinubad ang aking black sandong basang-basa ng pawis. Kasunod nito ang pagtanggal ng earphones sa aking tenga upang ilagay ang kasama nitong iPod sa loob ng aking bag. Madilim ang paligid at tanging ako lang ang nasa loob. Habang pinagmamasdan ang bato-bato kong balikat sa salamin ay biglang pumasok ang isa kong katropa upang kumuha ng bagong face-towel sa kanyang locker. Akala ko ay si Ginoo na. Nag-intay pa ako ng ilang sandali upang pakiramdaman kung kumagat sa pain ang aking target. Mukhang hindi yata.

Konting intay pa... magrereply muna ako sa text ni Centurion bago tumungo sa shower room. Mukhang busy pa ata ang aking pakay at papasok ako sa trabahong walang insidente na naganap sa locker room.

"Katatapos k lang mggym. Haha..." Text ko sa pinuno nang biglang pumasok ang pawisang si Ginoo na halatang nagmamadali makaligo sa shower cubicle.

"mdyo tense d2. Kasbay k c ginoo."

Matapos ma-send ang text message ay mabilis akong sumunod kay Ginoo sa loob ng shower room ng hindi man lang iniisip kung tama ba ang aking ginagawa. Sa takbo ng mga pangyayari, iniisip ko lang na may naghahamon sa akin at wala sa aking mga plano ang umatras sa laban.

Ang shower room sa aming gym ay nahahati sa limang cubicles bawat bahagi. Tanging plastic na kurtina lamang ang nagsisilbing panakip nito upang huwag masilipan ang mga members na naliligo. Sa tuwing ako ay nagsho-shower ay pinipili ko ang ikalawa sa dulo na cubicle sapagkat ito lamang ang isa sa mga shower na may dumadaloy na mainit na tubig. Tiyempo naman kanina na ang pinili ni Ginoo na shower cubicle ay ang katapat ng paboritong cubicle ko.

Pinihit ko ang shower valve at nagsimulang bumuhos ang mainit na tubig sa aking katawan. Ramdam ko ang init ng tubig habang ito ay dumadaloy sa bawat muscle ng aking balikat at dibdib. Sa katapat na cubicle naman ay maririnig mo ang ungol ng isang lalaki. Kung dati-rati ay ungol romansa ang aking narinig, ngayon ay tipikal na ungol lamang ito ng isang nilalamig na tao.

Subalit kapansin-pansin ang malaking siwang sa kanyang kurtina. Nang ito ay aking silipin tanaw ko kaagad ang kanyang morenong kahubdan. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi na talaga biro ang kanyang hamon.

Sa halip na magbanlaw kaagad ay pinagpatuloy ko ang aking paliligo. Sa bawat silip sa siwang ng aking kurtina ay matatanaw ko na nakasilip rin si Ginoo sa akin. Katulad ko ay nakapwesto siya sa dako ng cubicle kung saan makikita namin ang bawat isa. Nagpatuloy ang aming pakiramdaman...

...Hanggang sa nagtama ang aming mga mata.

Kung dati-rati ay dinadaga ako sa kanyang pang-aakit, ngayon ay buong tapang kong nilabanan ang kanyang hamon. Sa tinagal-tagal naming naghuhulihan ng mga mata sa kabila ng pang-aamoy namin sa bawat isa, mauuwi pala sa lahat ang ganito:

Exhibition sa shower cubicle

Buong tapang na nilakihan ni ginoo ang siwang sa kanyang kurtina hanggang sa tumambad sa akin ang kanyang maskuladong katawan. Mula sa malapad niyang balikat ay unti-unti kong nasilayan ang maumbok niyang pectorals sa dibdib. Ito ay kanyang nilalamas habang dahan-dahan pa niyang nilalakihan ang buka ng kanyang kurtina upang matanaw ko ang namumuong pandesal sa kanyang abdominals. Ito ay dinadaluyan ng malamig na tubig patungo sa kanyang pelvic region kung saan na-focus ang aking mga mata sa tigas na tigas niyang sandata na sinimulan niyang salsalin sa harap ko.

Tangina, sa daming beses na inisip kong tatlong pulgada lang ang haba ng kay Ginoo sa pag-asang matuturn-off ako sa alindog na kanyang dala, yun pala ay doble ang haba nito sa totong buhay. Ngayong ito ay naghuhuminding at galit na galit sa harapan ko habang ang may-ari naman nito ay tuloy ang pang-eenganyo sa akin, isang pasimpleng lipat ko lang mula sa aking shower cubicle patungo sa kanya ay tiyak langit ang kauuwian ko.

Nang mga oras na iyon, naglalaro sa aking isip ang magbanlaw at lumipat ng shower cubicle patungo sa kanya. Doon ay magyayakapan kami habang kinukuyumos niya ng mga halik ang aking labi. Matapos ang madaliang foreplay, uutusan niya akong tumalikod upang iposisyon ang galit na galit niyang sandata sa aking likuran. Isang pagtarak... dahan-dahan... habang ito ay bumabaon sa akin. Sa kanyang mga bayo'y mararamdaman ko ang buong bigat ng kanyang katawan habang ang kanyang mga kamay naman ay naglalaro sa aking dibdib at galit na galit na ring pag-aari.

Kaysarap sanang magisip ng ganung eksena. Porn na porn talaga.

Subalit habang siya ay buong angas na nagsho-show sa akin, ang tanging naisauli ko sa lahat ng kanyang effort ay ang pagsiwang ng malaki ng aking kurtina upang ipakita ang aking alagang anung pilit ko man laruin ay ayaw talaga tumigas. Marahil sa mga oras na iyon ay naghalo ang pride at takot na mahuli ng mga kinauukulan kaya't nawala ang libog sa aking katawan. Likas lang siguro sa akin ang maging masunuring bata na kahit na-corner na ng kalaban, ako rin ang gumagawa ng paraan upang makawala.

Natapos ang shower scene na walang naganap sa aming dalawa. Naroon siya na nagbabanlaw samantalang ako naman ay parang tangang nag-iintay na siya ang pumunta sa cubicle ko. Talk about pride. Sinira ko pa ang lahat nang humirit ako sa gitna ng kanyang pagjajakol na "Hanep ang bigat ng benchpress mo kanina ah..." na sinuklian naman niya ng pangiti na may halong pagkaasar.

Had it happened elsewhere, I would have settled my score.

Bumalik kami sa locker room ng walang imikan. Hindi na rin siya sumulyap sa akin matapos ang insidenteng naganap sa shower room. Balakin ko man kunin ang kanyang cell number, subalit kung siya na mismo ang ayaw makipag-usap, pagbibigay respeto na ang pagdistansya ko sa kanya.

Wala na rin naman akong inaasahang insidente na magaganap sa susunod naming pagkikita.

At dito nagtatapos ang kwento ni Ginoo. Anumang pantasya o pangarap ang likhain ko para sa aming dalawa; siya man ang tipo ng lalaki na handa kong protektahan, barkadahin at pakisamahan sa abot ng aking makakaya, sa totoo'y ako rin ang tumapos sa aming dalawa.

I succeeded in confirming my suspicions that Ginoo is a certified tripper...

... only to see him go.

No comments: