Wednesday, September 10, 2008

The Super-Emo Blog Awards 2008

At dahil madilip ang kalangitan na may panaka-nakang pagkulog at pagkidlat, samantalang ang mga kalsada naman ay lubog pa rin sa baha at ang mga tao ay nagmamadaling umuwi sa kani-kanilang mga bahay sa takot na maabutan ng ulan, ako na naiwan sa isang cubicle na walang kausap at pigang-piga na sa sobrang bagal ng internet connection na siyang dahilan ng aking pagkabitin sa panonood ng XTUBE ay kasalukuyang naghahanap ng blade na ipangla-laslas ng aking pulso.

Motherpackingshet! Pagod na akong mabuhay!!

Mabuti na lamang at bago ang aking pamamaalam ay nahikayat ako ni Loudcloud na bumoto muna para sa PROJECT LAFFTRIP LAFFAPALOOZA. Ito ay sa gayong mabawasan naman ang mga super-emo na katulad ko at ang pumalit sa aming trono ay ang mga patawang kagaya ng mga iboboto ko.

RULEZZZ

Pumili ng mga blogs na nakakatawa. (mahigpit na ipinagbabawal ang blog ni Tripper at ni Macoy sa kategoryang ito)

Tatlo hanggang sa limang blog lang ang pwedeng iboto.

Ipost sa sariling blog ang mga napiling mga blogs with matching links.

I-link si Badoodles sa iyong entry.

Mag-iwan ng comment sa kwentongbarbero.com upang ipaalam na sumali kayo sa kanilang pa-contest.

Sabi nila may pa-premyo daw na P15,000 kapag nabunot ang raffle entry mo. Ewan ko kung stir ito pero maglalaslas talaga ako kapag nagoyo ako sa pakulong ito.

---

1. My Dear Diarya: Maraming beses ko na binalak magpakamatay subalit ito ay nauudlot sa tuwing nababasa ko ang blog ni Mr. Diaz. Paano ba naman kasi, sa punchlines pa lang tawa na ako ng tawa. Tawagin niyo na akong mababaw pero sadyang mababaw lang talaga ang kiliti ko sa tinggil.

2. Chiksilog: Actually, ngayon ko pa lang siya nabasa so medyo nag-aadjust pa ako sa kanyang humor level. Subalit dahil siya ang pambato ng idolo kong si Mr. Diaz at Loudcloud, kasama na rin siya sa iboboto ko (kasama na rin dito ang pag-link sa kanyang blog.)

3. Mandaya Moore-Orliz: Turo sa akin ng aking lolah (with an H) na ang buhay parlorista ay hindi katawa-tawa. Pero dahil napapangiti ako sa tuwing nakikita ko ang feektures nina Red, Patricia, Glydel, at Fiona pinapaalala sa akin ni binibining Mandaya na ang buhay bading ay hindi lamang umiikot sa mundo ng Malate, bagkus may malaking mundo doon pa sa dako kung saan ang mga bayot sa bukid ay namumuhay ng mapayapa... at masaya.

---

So hayun. Sa halip na i-promote ang totoong Emo Blog Awards dito kung saan kami-kami lang naman nina Wanderer at Dabo ang magiging runaway winners, dito na ako sa pakulo ng mga bloggers kung saan may tsansa talaga akong mabunot at umuwi ng may tumataginting na 15K sa aking Metrobank account.

May bonus pa akong laughtrip long enough para ipagpaliban muna ang aking paglalaslas sa susunod na pagkakataon.

---

PS: Sabi ni Mr. Diaz hanggang sa September 20 lang daw ang botohan dito. Anupang iniintay niyo, join na!

No comments: