Isang gabi sa gym.
Mugen: Coach may alam ka bang madedelihensyahan ng sapatos?
Coach: Umm. Bakit, saan mo gagamitin?
Mugen: May lakad kasi ako eh. Baka hindi na ako palabasin sa bahay kapag umuwi pa ako para magpalit.
Coach: Pwede mong hiramin yung mga sapatos nina coach... O kaya hetong sa akin, baka kasya sayo?
Tumingin ako sa kanyang japeks na Nike. Pwede na.
Mugen: Sige hiramin ko na lang yan coach. Salamat talaga ah.
Coach: Wala yun, ikaw pa.
Upang makabawi kay coach sa kanyang pagpapahiram ng sapatos sa akin, in-extend ko ang aking work-out sa pamamagitan ng pagbalik ng lahat ng nakakalat na iron plates sa floor. Ito ay upang wala na siyang problemahin sa pagbabalik ng plates bago matapos ang kanyang shift ng gabing iyon.
Matapos kong mailigpit ang lahat, nagshower ako at nagbihis. Kasyang-kasya lang ang sapatos na pinahiram sa akin. Pagbalik sa reception area.
Mugen: Isauli ko na lang ito bukas o sa lunes coach.
Coach: Wala yun, basta ikaw na ang bahala diyan ha.
Mugen: Oo naman, aalagaan ko ito.
Habang pinagmamasdan ang mata ni coach nang ako ay nagpapaalam, alam kong may nais pa itong sabihin. Maaring nakikiramdam lang ito o kaya naman ay humahanap lang ng buwelo upang ipaalam ang kanyang hangarin.
Naglakad ako palabas ng gym nang sa may hagdan ay humabol si coach.
Coach: Meron ka bang isang daan diyan? Pahiram muna, ipangga-gas ko lang ng motor ko.
Mugen: Oo ba, yun lang pala eh.
Coach: Salamat ha, balik ko rin ito kaagad.
Mugen: Asus, kahit huwag na coach. Okay lang sa akin yun.
---

Having moderate experience with government officials, I know how the practice goes. It happens everywhere - even in the most unusual places like the gym.
No comments:
Post a Comment