Thursday, March 5, 2009

Isang Bonggang Bonggang Walk Trip

All truly great thoughts are conceived while walking

- Friedrich Nietzche



5:10

in the battleground of happiness i am losing the fight. i wonder what can turn things around.
about 16 hours ago from mobile web


there, the fix has corrected my gloomy leanings. another sleepless day to live. good morning everyone!
about 15 hours ago from mobile web


Sa asar dahil hindi makatulog, tinigil ko ang paglalaro ng Colonization 2 sa PC upang maligo. Papaumaga na at dahil nais kong masaksihan ang bukang liwayway, umalis ako ng bahay bago mag alas-singko ng umaga.

Matulin ang takbo ng jeep na aking nasakyan at madilim pa nang ako ay makarating sa Katipunan. Ang sariwang hangin na galing sa bulubundukin ng Sierra Madre ay nag-iwan ng matamis na alaala ng mga natuyong dahon na dumikit sa aking ilong. Ang amoy na ito ay nagbigay sigla sa akin. Solo ko ang buong simbahan dahil wala pa sa sampu ang mga tao sa loob. Karamihan sa kanila ay may mga edad na. Lahat ay puro babae at mukhang ako lang ang nag-iisang lalaki.

Nagsimula ako sa pagbi-Bible reading at ito ay natuloy sa pagdarasal ng Rosaryo. Marami ang kailangang ipagpasalamat sa mga araw na nagdaan. Iwas man sa pag-attend ng misa ay inabot rin ako nito. Alas-sais na kasi. Tuloy ay napilitan akong tapusin ang buong church service bago natapos ang huling misteryo sa aking pagrorosary.

Umalis ako ng Katipunan na mataas na sikat ng araw at may gaan ng kalooban matapos ang mahabang pagtigil doon.

Habang nasa LRT pauwi ng bahay, nagdesisyon akong samahan na lang ang aking kapatid sa kanyang job interview.

squeezing my bulk frame between several college kids remind me of how fun being a student is. is it possible to rewind my life to the days.. about 14 hours ago from mobile web

when techno is in, university mall is still the source of the best audio cds and counter strike is still the online game cool boys play?
about 14 hours ago from mobile web



9:10

off to glaxo smith kline to accompany my sister for her job interview. to find her a job involves direct intervention.
about 14 hours ago from mobile web

have this feeling na may pagkanarcisa ako. cant turn away my eyes from this lean moreno guy who has a set of droopy eyes like me.
about 13 hours ago from mobile web


Laking gulat ni utol nang biglang nagpakita ako sa bahay na bihis at handa na para sa kanyang lakad "Anong ginagawa mo dito?" Una niyang bungad sa akin. "Sasamahan kita." Kaagad lumiwanag ang kanyang mukha.

Mabuti na lang at sinamahan ko nga si utol, sapagkat naituro ko rin sa kanya ang terminal ng mga van na maghahatid ng pasahero mula Balic-Balic hanggang Ayala. Tanda ko, ito rin ang mga sinasakyan noong job-hunting days ko. Walang paltos yun, basta sumapit ang Lunes ay kasabay ako ng mga nag-oopisina papuntang Makati. Masuwerte ang kapatid ko dahil hindi na niya kailangan lakarin ang buong Ayala para magsubmit ng resume sa iba't ibang opisina. Marami na kasi kaming kakilala.

Subalit at the same time, pakiramdam ko ay nawala rin sa kanya ang humbling experience na pinagdaanan ko makahanap lang ng papasukang trabaho.

makapasok dito utol ko. pwede na ako mag may i retire. haha.
about 13 hours ago from mobile web

can the jomanian diplomatic corps pull some strings to favor my sister's entry to the vacant position?
about 12 hours ago from mobile web



11:05

when they said its 1 km, its 1km. this is hakken twitting under the scorching sun live at the batasan.
about 11 hours ago from mobile web

id pretend i'm not rubbing thighs with two plu guys inside the bus. puyat lang to kaya iba basa ko.
about 10 hours ago from mobile web


"Sobrang laki ng Glaxo-Smith Kline!" Ito ang bulalas ko matapos payagang makapasok sa gate ng compound. Nagkalat ang iba't ibang kotse nakaparada sa parking lot, at ang mga empleyado na mukhang mamahalin ang kasuotan ay tila ba mga anak ng Diyos na pumapasok sa trabaho. Sa mga oras na kasama ko si utol ay hinangad ko ang kanyang pagkatanggap sa kumpanyang kanyang inaapplyan. Deadma na kung doble ang kanyang suweldo sa kinikita ko. Ang mahalaga ay pareho kaming may trabaho.

Hindi rin ako nagtagal at nang makapag-settle si utol sa reception area ay kaagad rin akong umalis.

Experience tells na mas mabuting marami kang options sa paghahanap ng trabaho. Nangako si Zoey na ipapasok niya si utol sa gobyerno sakaling makakapasa ito ng civil service. Kaso mo ay hindi pa ito kumukuha ng test kaya't dinayo ko pa ang punong tanggapan ng ahensya upang alamin kung kailan ang schedule ng exams.

Halos isang oras rin ang inabot ng biyahe mula Magallanes hanggang Batasan sa Quezon City

"Mga 1km mula rito, yun. Magtricycle ka na lang" Ang sabi sa akin ng security guard ng COA. Ang problema ay wala na akong pera at masyadong mahaba ang pila ng ATM ng Landbank upang isipin pa ang sitwasyon ko. Kahit matindi ang sikat ng araw at tuloy tuloy ang bagsak ng butil ng pawis sa aking nililibag na katawan ay nilakad ko ang pagkahaba-haba at tila walang katapusang palibot ng Batasan Hills. Kay ganda sana mag jogging dun sapagkat overlooking nito ang Marikina. Subalit sa mga oras na iyon ay parang nililitson ang buong katawan ko sa init.

Sa wakas ay nakarating rin ako sa Civil Service. Sa gate, ang sabi ng security guard sa akin ay sa July na ang next examinations. Gaganapin iyon sa Banawe, Welcome Rotonda na di hamak na mas malapit sa amin. Pagod, walang tulog at walang kain, nagpasya akong magtricycle pabalik ng Litex Commonwealth.

i take back what i said. this is just a figment of my imagination. pareho kasi er type eh. kaya ganda pagpantasyahan.
about 10 hours ago from mobile web

@blakrabit erase yun idol. masyadong pretentious yun on my part. ibababa ko na kompidens level ko. hehe.
about 9 hours ago from mobile web



1:30

gusto kong maiyak. yung sales rep sa globe eh inenter yung buong bill ko for the month. excess ng 2500 ang gastos ko for the payday.
about 9 hours ago from mobile web

feel ko na tuloy magdepress-depressan. buti na lang bumili ako ng shades kaya may dagdag angas points na ako. 20 hours nako gising hehe.
about 8 hours ago from mobile web


Matapos ang isang kahangalang paglalakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw sa Batasan ay bumalik ako ng Ortigas para sa last leg ng aking mga lakad. Balak kong bumili ng stainless steel grab rails na ikakabit sa mga banyo namin sa bahay para hindi na mahirapan si mama sa tuwing may expedition siya ritong mag-isa.

Plano ko sanang itulog sa bus ang biyahe mula Litex hanggang Megamall. Subalit sa isang nakakapraning na twist of fate, napatabi ako sa isang binata na madali kong nakagaanan ng kalooban. Mukha siyang isang trabahador, batak ang katawan at bakas ang matatabang litid sa kanyang braso, maputi ang balat nito at hindi nalalayo sa akin ang edad. Mula na rin sa mga naunang karanasan sa ganitong eksena ay alam kong may mga meaning ang pagdikit-dikit ng bahagi ng kanyang katawan sa akin. Hindi man mag-krus ang aming mga mata ay alam kong kumportable siya sa ganun naming sitwasyon.

Hinangad ko sana magpaka-close, subalit alam kong wala namang patutunguhan ang aking mga kilos. Trip ko man siya, ngunit hindi ko naman balak na tapusin ang aming landian sa isang tahimik na lugar. Tense man ang aming sitwasyon ay pinilit kong itulog na lang ang libog na kasalukuyang kong nararamdaman.

Success.

Ngunit nang kami ay nakalampas ng Cubao ay bigla akong naalimpungatan. Paano kasi ay gumigitgit sa aking binti ang lalaking nakaupo sa aking kanan. Kapareho ng aking nasa kaliwa, ay halatang banat rin ang kanyang katawan sa trabaho. Moreno ito, kalbo at kahit mas matanda siya sa aming dalawa ng aking unang kalandian ay maappeal pa rin ang kanyang bruskong pangangatawan.

"Shit ultimate trip, dalawang ER ang nasa tabi ko!" Pangising paalala ko sa sarili habang nagtwi-twitter.

Nagfocus ako sa pangigitgit sa aking nasa kanan sapagkat busy si kaliwa sa pagtetext kung kanino. Si kanan pati ay sulyap ng sulyap ang tingin sa aking direksyon kaya't mas halata ang kanyang pagpaparamdam na ginagawa sa akin. Ganun man ang aming porma ay pilit kong kinakabig ang dikta ng aking nanginginig na laman. Una kasi ay puro assumptions lang ang mga kinikilos ng dalawa. Pangalawa ay afford man ng aking gwapo card ang kanilang standards subalit kung hindi rin lang ako gagalaw upang kunin ang loob ng dalawa ay balewala ang kiskisan ng aming mga binti.

Bumaba kami pareho-pareho sa Ortigas. Ang lalaki na nakaupo sa aking kanan ay kasabay kong umakyat hanggang sa ikaapat na palapag ng Robinson's Galleria.

just an afterthought regarding the incident earlier, if a guy finds you repulsive he will not deliberately rub a part of his body against... about 7 hours ago from mobile web

yours. if you attempt body contact, he will withdraw from you. kaso mo walang ganun. yung isa 5 sec pa makatingin. must be something. about 7 hours ago from mobile web


---

Epilogue
2:30


Nabili ko sa MC Home Depot ang mga grab rails salamat sa suggestion ni Wandering Polar Bear. Matapos ang higit labing limang oras na walang laman ang tiyan ay inubos ko sa McDonalds ang pera kong P200 para sa pagkain. Spaghetti, Large Coke, Chicken McNuggets, French Fries ang aking inorder. Pasira man ang mga ito sa diet subalit kailangan ng aking sikmura ang something na mabigat.

Umuwi akong hapo, bugbog ang katawan at pati na rin ang bulsa. Paano kasi ay nagkamali ng pindot ang Sales Rep ng Globe at sa halip na bayaran lang ang P1500 sa aking bill ay sinagad niya ito sa halos apat na libo. Sakali mang wala akong ipon ay tiyak gagapang ako hanggang kinsenas ng buwan.

Dumating ako sa bahay pasado alas-singko ng hapon. Wala ni isa man lang ang nakaalam ng aking mga pinagdaanan sa buong araw.

No comments: