Saturday, March 28, 2009

One Earth Vote


---

Salamat sa Global Warming, madali akong uhawin kapag naglalakad sa ilalim ng nangangalit na araw ngayon. Minsan isang hapon, dali dali akong pumasok ng 7-Eleven upang bumili ng Summit Vitamin Water. Pakshet kasi ang weather, uulan sa umaga tapos aaraw naman ng bonggang-bongga sa tanghali. Marami tuloy ang nagkaka-sore throat kaya't pilit kong pinapataas ang resistensya sa pamamagitan ng pag-ooverdose ng bitamina sa katawan.

Matapos magpalamig ng onti, kumuha ako ng isang plastic na bote ng vitamin water mula sa fridge. Nilagpasan ko ang mga chips na nagsusumigaw ng "masarap ako, bilhin mo ako!" o kaya naman ay "mahal mo ako diba? eat me!!" samantalang paulit-ulit ko namang sinasambit ang mga katagang "tukso layuan mo ako" habang dumadaan sa harap ng hile-hilerang Piatos, V-Cut, Pringles at Ridges na nakasalansan sa shelf.

Walang nakapila sa bayaran kaya lagpas tengang ngiting inabot ng kahera ang aking pinamili.

"21 pesos po sir." sambit ng gwapong gwapong salesclerk sa aking tapat.

Naglabas ako ng sakto, para hindi na hassle magtabi ng sukli.

Akmang isusupot niya ang aking tubig na may halong bitamina nang bigla ko siyang pinigilan.

"Huwag po kuya!" Gusto ko sanang idagdag ang salitang masakit...

"Ah ayaw niyo sir?" Hindi niya ma-gets. Marami ang nagsisikip...

"Iinumin ko lang naman yan eh." Plastic na nga yung bote ko, plastic pa yung supot. How redundant.

"Kalat lang ang plastic." Bulong ko sa sarili.

Umalis akong bakas sa mukha ang pagtataka ng kahera, samantalang ang matabang dalaga na nakapila sa likod ko ay walang pakiealam na humihingi pa ng dobleng supot para sa kanyang jumbo siopao na kakakuha lang sa steamer.







Picture ninenok sa blog ni Dear Diarya.

No comments: