Sunday, March 8, 2009

Salmo Responsorio

Butata.

Yun ang masasabi ko matapos panindigan nina Lukayo at Rain Darwin ang aking hamon sa aming inuman kagabi. Kasalukuyan pa ring NSFV (Not Safe For Viewing) ang blog ni Ulan dahil sa mga litratong nakalagay roon. Hanggang sa ngayon ay napapanganga pa rin ako't napapakamot ng ulo sa tuwing pasimpleng susulyapan ang mga ebidensya ng kanilang pag-iibigang (o kalibugang) ginawa pagkauwi ng bahay.

Nakakaelibs. Hindi ko yata magagawa yun.

So what does it make of me now?

Loser. Isang malaking loser. Hahaha.

Sabagay wala naman kasing kasunduan kung may kapalit ba ang paghamon na iyon. Ni hindi ko nga maalala na may dare pala akong ginawa. Ang tanda ko lang ay gusto kong gayahin nila yung litrato ni Sikretong Malupit na pinost sa kanyang blog noon kung saan magkayakap silang dalawa ng partner niya habang nakahiga sa kama. Yun lang. Hindi ko alam na kaya pala nilang tumbasan iyon.

Nalaman kaya nila kung ano ang lasa ng...

...ng isang nakainom ng beer? Hindi ko na aalamin.

Nais ko sanang tapatan ang kanilang mga litrato ng pag-iibigan, subalit may mga limitasyon sa aking hangarin.

Una ay higit na mas malawak ang exposure ko. Isang malaking kontrobersya sakaling ako ang magpapakita ng katawan kasama ang aking kaulayaw.

Ikalawa ay hindi ako kumpyansa sa aking pangangatawan. Sila ay mga lahing adonis samantalang ako naman ay nabibilang sa hanay ng mga bardagol. Tiyak na magiging eyesore ang kalalabasan ng mga litrato ko.

Ikatlo ay ang katotohanang ako ay single, tigang at lantarang tumatakbo palayo sa tawag ng laman. Madantay ko lang ang aking mga palad sa katawan ng isang lalaki ay mabilis kaagad ang dating ng karma sakin. Sadya yatang gusto ng tadhana na ako'y gawing mongha.

Subalit hindi ko matatanggap na walang kapalit ang kanilang dare. May mga pagkakataon man na ako'y bumabali ng salita o kaya naman ay tumutupi sa isang hamon pero kahit kailan ay hindi ko pinagwawalang-bahala ang isang game.

Kaya't bilang tugon, maglalahad ako ng terms na sana ay sapat na upang tapatan ang dare na pinanindigan nina Darwin at Lukayo.

1. Sinususpinde ko ang Mugenblue-Odinhood Pact upang bigyang daan ang aking pagbabalik sa G4M. Ngayong may Chin-Chin na ang aking kasama sa kasunduan ay marapat naman na pakawalan ko na ang aking sarili.

Magtatagal ang suspension hanggang katapusan ng buwan.

2. Magkakaroon ng access sa aking G4M account sina Lukayo at Darwin. Maari nilang burautin ang lahat ng kausap ko. Sisiguraduhin kong malalaman nila ang lahat ng aking kilos sa website.

3. Sa kabila ng aking pagbabalik sa Guys4Men, ginagawa kong hamon ang hindi mahulog sa patibong dala ng SEB. Ito ay sa kabila ng pagtatadtad ko ng mga hubad na litrato sa aking profile

4. Pansamantala ko ring ititigil ang aking pagpunta sa Malate. Sakop nito ang Palawan sa Cubao. Mawawala ako sa club scene ng tatlong buwan simula ngayong araw. Hindi nito sakop ang option na mag-clubbing sa straight bars.

Mugenblue-Odinhood Pact states that:

The pact will also cease effect when one of the parties under the alliance enters into a harmonics* contract with a third party or when Odinhood completes his academic requirements five months upon the beginning of this pact.




No comments: