Tuesday, April 21, 2009

Ang Familia Orvina, Bow


1. Nagsimula ang lahat sa isang inuman. Kasama doon si Roy at Dodong mula sa hanay ng Outsiders; Si Centurion at Deathnote mula sa Walang Mukha Thread (na naging Encantadia na ngayon) at si Macoy na kinatawan ng Blog Alliance, na sumunod galing sa Wensha sa aming tambayan sa Quatro.

2. Nakakadalawang Macho Mug ng Red Horse na ako, at di makakailang may tama na kami pare-pareho. Sa hindi malamang dahilan, itong si Dodong ay naglabas ng isang pasabog na siyang sisira sa reputasyon ko.

"Sabi ni Dodong, Pusong Ina ka daw."

Ang angas-angas ko kaya, paano ako nagkaroon ng impression bilang motherly? Dahil ba ako ang tiga akay ng mga nalalasing?

3. Si Deathnote na nanahimik nang mga oras na iyon ay biglang nagkaroon ng ideya. Palibhasa ay tadtad ng mga binatilyong PLU ang aming thread sa G4M na tila naghahanap ng role models, ako ang una nilang binigyan ng pangalan.

Nanay.

Amfufu.

4. Ilang beses kong binalaan si DN na huwag na huwag niya akong tatawaging nanay dahil sa ito'y pasira ng karir, ngunit pasaway ang binata. Mabuti na lamang at hindi ako nawalan ng prospect dahil dito.

5. Nang lumaon ay may tinawag na bunsong kapatid ang aking panganay. Noong una ay hesitant akong siya ay ampunin dahil hindi naman kami close. Subalit mapilit ang aking anak. Siya ang naging ikalawa.

6. Nagkaroon sila ng ikatlong kapatid. Subalit dahil muntikan nang magkaroon ng namamagitan sa aming dalawa ng kanyang utol (isipin niyo na lang yung xrated film na Taboo 2) nang minsang pauwi kami sa loob ng taxi, tinigil ko ang aming role play kinabukasan.

7. Nilaglag ko rin ang kanilang utol dahil sa aming incest na ginawa.

8. Kung inyong tatanungin, tinanggap ko ang role bilang nanay upang magsilbing distraction sa aking palasak na relasyon. Sa halip na maglaro ng apoy at makiapid sa iba, pinili ko ang magkaroon ng mas mabuting pakinabang at maging tigasubaybay ng mga nakababatang PLU sa akin.

9. Muling nabuhay ang aming roleplay nang makumbinsi ko ang aking bunso at panganay na gumawa ng account sa Twitter.

10. Bitbit ang kanilang mga naiwang kaibigan sa G4M, pinakilala ko ang aking mga anak, kasama ang kanilang mga kasamahan sa tiga Trippers Clan.

Dito nabuo ang aming family tree.

No comments: