Friday, April 17, 2009

The Taglibog Saga (Chapter Two)

"So Dark Ages mo na ulit?"

Ito ang reaction ni Dodong nang malaman niyang split na kami ni Raizen. Si Dodong ang isa sa mga una kong ka-tropang PLU, at sa loob ng mahabang panahon na kami ay magkaibigan ay alam na niya ang istorya ng buhay ko.

At tama nga ang kanyang agam-agam. Wala pang tatlong linggo ay balik na naman ako sa dating diskarte. Tambayan ko ulit ang Malate at doon ay nilabas ko ang lahat ng angas at libog na inipon ko sa loob ng buong linggo. Uso noon ang mga Dark Rooms. Ito ay isang madilim na bahagi ng isang bar kung saan malayang nakakapagparaos ang mga clubbers kasama ang kanilang napiling partner. Wala pa naman akong nakitang nagkangkangan sa loob ng masikip at napakainit na lugar na iyon, pero ang blowjob, magsasawa ka talaga.

Doon ko nasaksihan kung paano nagpapalit-palit ng bibig ang burat ng isang binata sa sampung lalaking nagtake-turns sa pagroromansa sa kanya. Sa Dark Room ko rin naranasan magsenti sa bar counter. Bangag ako ng umagang yun, nakaupo at nakatingin sa bintana para abangan ang pagsikat ng araw habang lahat naman sa aking paligid ay umuungol, kumakadyot at nagmumura habang nilalabasan sa sahig (o sa bibig ng kanilang partner) ng semilya. Yung katabi ko naman ay panay ang lamas sa aking katawan. Gusto yatang maka-iskor pero hindi ko ito pinatulan. Lumabas ako ng bar na tuod at tila wala sa sarili. Shit, ganun pala ang pakiramdam makakita ng walang habas na babuyan.

Naroon rin ang #salsalan sa MIRc. Tambay rin ako ng chatroom tuwing walang magawa sa bahay. Madalas ay naghahamon lang naman ako ng away sa ibang chatters o kaya naman ay nangkukupal ng mga ads para sa SEB sa main room. Paano kasi ay walang nag-uusap. Lahat ay naghahanap ng sex. Minsan sa sobrang buraot ay nang-gago ako ng ad ng isang chatter. Hindi ko na matandaan kung ano ang ad niya, pero tandang-tanda ko na pinagkalat kong apat na pulgada lang ang kanyang ari.

Kahit hindi pa naman kami nagkikita.

Malimit ay nagpapalit ako ng chat handle para lang mag-ingay sa main channel. Sa halip na kalibog-libog na nickname ang aking gamit, nagiging taonggoy o kaya naman ay boyburnek ang pangalan ko. Sa loob ng isang oras at mahigit, puros flooding ng ads sa paghahanap ng lakatan, kuto o kaya naman ay saging na saba ang nababasa ng mga ibang chatters mula sa akin.

Ako rin lang ang chatter dun na nagsabing nilalabasan ng tamod na kulay green o kaya blue o kung minsan naman ay rainbow colors para lang magpapansin sa iba.

Naging adik man ang mga hirit ko sa #salsalan ngunit ang kapalit naman ay ilang mga kasama na hindi ko tinalo sa chatroom. Naroon kami bilang tambay at ang gawain lang namin ay mangkupal ng mga chatter na naghahanap ng SEB. Kung sumasapit naman ang mga pagkakataon na talagang naghahanap ako ng aksyon, mas mabilis pa sa alas kuwatro kung ako ay makipagkasunduan sa ibang tao.

me: Place mo pare?
malibog-na-chatter: Dito sa Vito Cruz.
me: San sa Vito Cruz?
malibog-na-chatter: Malapit sa AKIC
me: Tara trip tayo!

Hindi pa uso ang trade pictures kaya't maaring idaan sa stats ang deal or no deal. Sa buong buwan ng Marso at Abril ay naranasan ko makipag-trip sa isang abandonadong apartment sa may San Andres Bukid; Sa katabing-bahay ng barkada ko noong high school sa Hulo; at sa isang tripper malapit sa Legarda bago pumasok sa trabaho. Ayus nga eh, may partner siya noon at wala daw siyang pakielam kahit mahuli pa kaming dalawa na may ginagawang himala. Naranasan ko rin dumayo ng Pateros galing Project 6 isang madaling araw ng lasing upang maulit lang ang pagniniig namin ng lalaking sumalo sa akin sa Mister Piggy's. Siya ang nag-uwi sa akin noong mag-away kami ni Raizen sa ikalawang pagkakataon.

Sa sandaling panahon ay nasulit ko ang pagiging pakawalang malaya. Subalit nakakapagod rin pala ang paulit-ulit at walang sense na pakikipag-sex sa iba't ibang tao. Wala man sa lima ang score ko sa loob ng dalawang buwan ngunit madali rin akong napagod sa mundong pinasok ko. Kaya't nang may nagpakita sa akin ng interes mga anim na taon na ang nakalipas, mabilis ko rin itong sineryoso.

At gaya ng nauna sa kanya, ang aming unang pagtatagpo ay nauwi sa motel at matapos ang isang linggo,

kaming dalawa na.

---

-tobecontinued-

No comments: