Thursday, April 16, 2009

The Taglibog Saga (Chapter One)

At dahil trip ko manggaya ng blogpost ng iba;
at dahil nalalapit na ang expiration date ng aking ceasefire sa pakikidigma sa kama;
ikukuwento ko ang dahilan kung bakit sa kabila ng tawag ng laman ay magaling akong magtimpi at lumaban sa aking karnal na pangangailangan.


---

Twenty one ako nang unang makatikim ng lalaki.

Tandang tanda ko yun. Pinagbantay ng pad ang ka-seb ko. Tinitirhan iyon ng kaibigan niyang babae. Habang nagchi-chill out kami ay naglabas ang aking kasama ng isang plastic bag na ang laman ay bigkis bigkis na pinatuyong mga dahon. Kumuha siya ng kakarampot at binalot iyon sa papel. Sinindihan niya ito at salitan kami sa paghithit. Mausok ang paligid, matamis ang lasa ng usok. Makailang saglit, para na akong lumulutang sa langit. Hindi ko mawari kung ano ang nangyayari sa aking paligid.

Hanggang sa bigla na lang kami naghalikan at nagkuyumusan ng mga labi.

Binalak ko sanang araw-araw ang SEB nun sa loob ng isang linggo. Tutal first time kaya may karapatan akong maging pakawala. Nang sumunod na gabi ay may round 2 dapat kami ng naka-sex ko the night before. Kaso, nagkasalisihan kaya hindi natuloy. Sa halip, bumalik ako sa chatroom upang maghanap ng bagong kaniig. Dinala ko pa ito sa bahay at pinakilalang ka-tropa sa magulang. Habang nag-iinuman sa aking kuwarto, bigla niya akong hiniritan ng "kiss mo nga ako." Ako naman si tanga na kumagat kaya hayun, buong gabi yata kaming nabuhay sa romansa ng ka-partner ko.

Hindi nabuo ang aking panata. Dala ng pagkatorpe ay nauwi lang yata sa tatlo ang ka-sex ko noong linggong iyon. Subalit simula noon ay hindi tumatagal ng dalawang linggo na ako ay bakante. Dala ng kapusukan, mabilis akong ma-enganyo ng tukso.

Mabuti na lang at kakambal ng aking kalibugan ang kakayahang magseryoso. Wala pang tatlong buwan matapos madiskubre ang SEB ay nakatagpo kaagad ako ng makakarelasyon. Nagsimula iyon sa isang one-night-stand na nauwi sa matinding attachment. Tinamaan daw siya sa akin matapos kong bantayan sa pagtulog kaya't hayun, wala pang isang linggo ay nagsabihan na kami ng "I love you" sa isa't isa.

Sa kanya ako natuto maging bottom... at matulog ng walang kahit anong suot tuwing kami ay magkatabi sa futon bed. Sa kanya ko naranasan mag three-rounder sa isang umaga o kaya naman ay maalimpungatan sa pagtulog na binabarena.

Hayup.

Naging sulit man ang pagniniig naming dalawa ngunit hindi ko yata naramdaman sa kanya ang totoong romansa. He hates kissing daw, lalo na kapag nasa jerjer part na. Marami pang seremonyas ang kailangang gawin bago siya magkaroon ng mood makipaglaro sa akin. Bandang huli ay napilitan na akong magmakaawa. Sobrang kati ko daw, iyon ang lagi niyang reklamo sa akin. Gusto ko sanang sabihin na palibhasa matanda na siya at kulang na sa sexercise. Hindi pa nasiyahan si ex sa deprivation na ginawa niya sa akin. Nagbitaw rin siya ng kundisyon na bawal akong manghalay tuwing matutulog kami ng magkatabi.

Isang beses ay nag-away kami bago matulog. Pinilit kong makipagbati ngunit dedma lang ang sinukli niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang tutoy ngunit muntikan pa akong masapak dahil dito. Nabadtrip ako, at ang badtrip ay natuloy sa pag-alis ng kuwarto. Tutal sa Malate kami nagkakilala kaya sa Malate rin ako magtatago. Walang nangyari noon sa aking rebelyon at nagkaayos kami bago magtanghali. Subalit nang mag-away kami sa ikalawang pagkakataon, tumakbo na ako ng Mister Piggy's upang doon maglabas ng sama ng loob.

Dala ng tama ng alak, katigangan dahil sa partner na masungit, at pagmamalabis na aking nararamdaman matapos isuko ang lahat para sa iisang tao na sinumpa kong pagsilbihan at unawain, bumawi ako ng bonggang-bongga.

Ang aking rebelyon ay nauwi sa kama ng iba at matapos ang dalawang linggo. Split na kami ng aking unang partner na si Raizen.

---

-tobecontinued-

No comments: