Saturday, April 30, 2011

Mustard Seed Faith





"Umulan ka naman o..."  

Pakiusap ko iyon sa langit nang minsang naglalakad ako papasok sa trabaho. Katumbas rin ng isang stick ng Marlboro ang  layo ng office mula sa babaan ng jeep. At sa tuwing inaatake ako ng pagkakuripot ay nilalakad  ko  ang  distansyang iyon kahit mataas ang tirik ng  araw.

Humaharap ako sa team na minsan ay kakaligo lang sa pawis, pero ayos naman, lahat kami ay naglalakad papasok. Minsan naman ay dumarating akong  namumula ang  balat  pero patuloy pa rin akong nagha-hiking maging alas-dos man ng hapon ang shift namin sa work.

At  gaya ng marami ay nagrereklamo rin ako.  Tao lang naman ako para hindi makaramdam ng pagka-inis. Pero sa kabila noon ay naroon pa rin ang pag-asa -  na kahit magbitak-bitak man ang lupa ay darating rin ang ulan. Konting tiis lang at manghahalik rin ang ambon..

"Mag-iintay ako..." Pangiti kong bulong sa mga ulap nang minsang masilayan ko ito isang dapithapon.



Sa  aking tanda ay bihira lang akong biguin ng kalikasan. Iyon ay dahil natuto rin akong hindi umasa - at sa halip ay tanggapin lang ang dikta ng panahon. Kung umalan man sa oras na inaasahang sisikat ang araw ay mag-payong at kung umaraw naman sa panahong gusto kong mangulimlim ang langit ay magtago sa silong.  

Dumaan pa ang  mga araw at lalong tumindi ang init ng paligid.  Pati makapal kong  balat ay sumusuko dala kakaibang epekto ng Global Warming. Sa kabila noon ay hindi pa rin ako sumuko. Ilang araw na lang at Mayo na.  Marahil sa oras na hindi inaasahan o sa panahong ako ay natutulog ay papatak din ang ulan.



Isang hatinggabi bago tumuntong ang unang araw ng Mayo:

"Umuulan. Pinasok ko ang mga damit kasi baka mabasa."  Sabi ng aming kasambahay.

"Kaso sandali lang eh."  Dali dali akong lumabas para pagmasdan ang mga ulap.

At doon nga sa driveway ng aming bahay ay tumambad sa akin ang namamagang langit.at mamasa-masang lupa. Hindi  man  nagpatuloy ang  buhos ng ulan, ngunit  buong  lugod  ko pa rin tinanggap ang malamig na hangin na  bumubulong sa aking:

"Heto na ang hiling mo."


-


wala nang tatamis pa
sa simoy ng malamig
na hangin
sa madaling araw
matapos ang isang
panandalian at
pasundot na bugso ng ulan.


summer is over
rainy days are  here.  

Cold Front
Full Metal Dreams
May 11, 2006
   



13 comments:

Spiral Prince said...

Niiiice. Tumitingin at kinakausap mo rin pala ang langit pag naglalakad ka, kuya joms!

dabo said...

sabi nila, masarap ang sinigwelas sa unang ulan ng mayo..

(nabasa ko lang yung above sa isang tagalog na short story about teenage pregancy)

--- --

ahh the power of words..

dabo said...

by the way pakisabi kay paparaindarwin check nya ito hehehe

http://www.philstar.com/funfare/Article.aspx?articleId=681048&publicationSubCategoryId=70

hard2getxxx said...

dapat magdala ka lagi ng payong in case umulan

and walking is still the best exercise

Yuan said...

kaisa mo ako kuya joms sa panalanging sana ay bumuhos ang ulan.

:)

Désolé Boy said...

Because the gods and goddesses of Nature are kind, at least to you.
.
.
Others simply died in drought, wondering what it feels like ;D

Sean said...

mahilig rin akong maglakad araw araw at inaabot ako ng ilang oras. Pareho ata kami ng interpretasyon dito ni desole boy haha.

@desole boy: malaman at ang ganda nung sinulat mong kadramahan haha.

Louie said...

Mahilig din akong makipagusap sa langit at mga bituin habang naglalakad. Hindi ko lang sure kung natutupad ung mga hiling ko. Hehe.

Kiks said...

love the poetry, [g].

dahil dito, naisip kong magrenta ng isang room kung saan pwede kitang silipin mula sa aking bintana at obserbahan kung paano ka makipaghuntahan at makipagtalik sa kalikasan (habang pinapatugtog ko ang Goodnight and Go ni Imogen Heap)

daniel said...

Mas pipiliin ko talaga ang tag-ulan kesa tag-init. Ayaw ko sa init. Dibale isang buwan nalang sis at bubuhos na ang rain.

red the mod said...

Fate is kind to those whose patience are unwavering. Not just in rain. The wait is worth the gift, and makes it even more valuable, meaningful.

red the mod said...

On a different note, I'm uncomfortable with the new header font. Probably a matter of choice/ taste. It seems to trivialize the gravity of your writing style. Maybe for contrast? Oh well.

tim said...

Kung ako, case to case basis :

Pag ulan yung wala akong dates and appointments. Kasi ang sarap mag suot ng mag fashion coats na pang lalaki, people used to stare the way i look, it's really A Paris thing. hahahahaha..