Thursday, October 19, 2006

Memories Of Sleeplessness (Episode Two)

Exactly one year ago, tatawag ang boss ko sa akin para humingi ng resbak sa gabi. Wala pa kasi kaming trenta noon na operator kaya pag nagkukulang sila sa night shift, lalo na sa isang account na hawak namin, hinihiram nila ako sa umaga.

Tanda ko pa, parang laro lang ang trabaho noon. Yosi dito pag walang magawa, download ng mp3 doon kapag konti ang mga ka-chat mo sa system. Pero iba na ngayon, ang 30 ay naging 50, hanggang ang 50 ay naging isandaan. Meron na nga kaming HR department at QA eh. Sinong mag-aakala na lalaki kami ng ganito.

Parang kay bilis lang ng lahat.

Marami na rin ang nawala at lumipat ng trabaho, pero marami pa rin ang nag-stay at eventually naging regular ops sapagkat kahit nasa adjustment pa rin ang benefits namin, dumarami naman ang account na pumapasok sa kumpanya.

At gaya ng dati, higit na mas marami ulit ang vacant seats sa floor kaya natawagan muli ako upang rumesbak sa mga accounts. Kaya heto, for old time's sake... Nagtratrabaho muli ako ng gabi.

Kinailangan ulit nila ng filler operator para sa isang account.

No comments: