Friday, June 6, 2008

Coloring Book

Pero ang pinakamakulay sa lahat ng color sa color wheel ng buhay ay yung sinabi ni Carrie sa Sex And The City movie.
Masaya ang 'color' na yun.
For me, I like it Red Hot. Tulad ng nangyari kagabi. Masaya akong nakipag-coloring. Hihi

- Mel Beckham


---

Inaya akong muli ng aking kaibigan na kulayan ang kanyang coloring book. Kung noong unang beses ay nagdalawang isip pa ako't nagsisi sa kinalabasan ng aking pagkukulay, ngayo'y ang pangungulila ng kamay ang siyang nagdala sa akin sa kanyang bahay. Hawak ang pulang Crayola, sinimulan kong padaudusin ang patusok na dulo nito sa imahe na gustong pakulayan ng aking kaibigan. Sa sobrang diin ng aking pagkiskis sa coloring book, ang matingkad na pula ng aking pangkulay ay bumabakat pati sa kabilang pahina kung saan ibang imahe naman ang makikita.

Ang imahe na kinukulayan ko ay larawan ng isang malaking bubuyog. Walang bulaklak ang kasama sa imahe at tanging ang bubuyog lamang ang makikita sa pahina. Malamig ang paligid at tanging ang liwanag lang mula sa lampshade ang gumagabay sa aking kamay habang ako ay nagkukulay. Ang kaibigan ko naman ay panay ang pakikiramdam kung lalagpas muli sa guhit ng larawan ang tip ng aking Crayola.

At lumagpas muli ito gaya ng dati at pinagtawanan na lang namin ang aking pagkakamali.

Tumagal ang pagkukulay ng mahigit isang oras. Sa tagal na ito'y hindi kami nagkaroon ng pagkakataon magkwentuhan at pati na rin ang magbalitaan sa aming mga buhay. Ang mahalaga'y makulayan ang larawan, at pagkatapos nito'y maari na akong bumalik upang ipagpatuloy ang aking kinahiligan sa pagsusulat.

Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Ang matingkad na pula ay unti-unting nagiging kulay maroon at pagkatapos naman ay kulay brown habang ito ay tumatagal sa papel. Hindi ko pinansin ang pagbabago, sapagkat nakatuon ang aking mata sa bahagi ng larawan na hindi ko pa nakukulayan. Ang kaibigan ko nama'y nakatuon rin sa bahaging hindi ko pa nagagawa.

Pareho kaming nakatingin sa malaking tiyan ng bubuyog na animo'y puno ng hangin na isang tusok lang ng karayom dito'y mabilis itong puputok.

Hanggang sa ang obra ay natapos naming mabuo.

Nais ko man itaas ang coloring book at ipagmalaki sa harap ng lampshade, subalit anong ipagmamalaki ang ihaharap ko sa isang larawang matapos maging matingkad na pula'y bumalik muli sa pagiging kulay abo nito?

---

But I threw you the obvious
Just to see if there's more behind the
Eyes of a fallen angel,
Eyes of a tragedy

Here I am expecting just a little bit
Too much from the wounded
But I see, see through it all
See through, see you

- A Perfect Circle, 3 Libras





No comments: