Sunday, June 22, 2008

Mirror Universe

Alas-kwatro ng madaling araw. Mahigit sampung magkakabarkada ang lumabas galing sa Providence Vito Cruz matapos ang isang magdamagang kantahan. Ang lima sa kanila ay bagong salta sa grupo, samantalang ang natitira naman ay taon na ang binibilang sa kanilang samahan. Ang hangin ay sumisipol sa kalangitan. Ang mga yero nama'y tila pinapagpag sa pagkakapako sa mga bubungan ng bahay. Sa malayo'y isang transformer ang kumislap na parang kwitis. Kasunod nito ay ang pagbagsak ng kable ng kuryente sa kalsada.

Ang mga pangitaing ito'y hindi ininda ng magkakabarkada.

Nagsimula silang maglakad sa kahabaan ng Vito Cruz upang tumbukin ang Quirino Avenue. Doon ay may matatagpuang McDonald's na bente-kwatro oras bukas. Isang binata ang sumusuray sa kanyang paglalakad. Ito'y inalalayan ng isa sa mga baguhan na noong gabi lang niya nakilala. Madilim ang paligid at walang ilaw sa lansangan. Nang sila'y dumating sa kanilang patutunguhan, ito ay brownout. Sa halip, ang mga kahera't service crew ay nagsisilbi gamit ang tanglaw ng kandila.

Matindi ang hagupit ng hangin sa labas ng McDonald's. Ang mga nabaling sanga ng mga puno'y tila nagproprotesta sa daan. Tanging mangilan-ngilang taxi lang ang nagdaraan sa tapat, samantalang ang mga gumimik naman mula Malate'y tila ambon na unti-unting pumapatak sa pintuan ng restaurant.

Kanya-kanyang kwentuhan ang magbabarkada. Mayroong isa na nagbibigay crash-course sa iba't-ibang paraan upang pakinisin ang mukha gamit ang makabagong teknolohiya. Ang isa naman na balikbayan ay nagkwekwento kung paano siya pinag-aralan ng mga doktor sa San Francisco matapos siyang magkaroon ng Bulutong-Tubig doon. Ang iba naman ay nagtatanong tungkol sa buhay-buhay ng mga bagong pasok sa grupo.

Kung mayroon mang isang bagay na hindi napagusapan noong umagang iyon - na sigurado ko'y pagku-kuwentuhan ilang buwan at taon mula ngayon, yun ay ang bonding na naganap isang madaling-araw, habang ang lansanga'y binabayo ng hangin at ang kalasada nama'y unti-unting nilulubog ng tubig baha.

---

Meanwhile, Tripper celebrated his birthday party last night. Everyone from the "Alliance" showed up - even his non-blogger friends that we get to meet when Trip hosts our Toma Session at his place. Hard Drinks overflowed, the Seafood Pasta was delicious and those who showed up had a story to tell.

Jiban the dancer is already hooked up to House Music.

Macoy the silent operator has a brand new SLR Camera that he used to take pictures of the Santan flowers outside Tripper's pad.

Dabo the sweet loverboy is very fond of his newly found "interest."

DN was officially introduced by Gripen to the group that afternoon,

while TL still, is the official entertainer of the Alliance.

I was drunk the whole night and went to work this afternoon still nursing a terrible hang-over from last night's unforgettable stormy revelry.

No comments: