Sunday, September 6, 2009

Drowned World (Last Part)

Ang lahat ay may hangganan. Pati mga pangarap, minsan ay kailangang talikuran. Sa mahabang panahong ligaw ang aking kaluluwa sa Malate, natagpuan ko lang ang liwanag sa pagsapit ng bukang-liwayway kapalit ng kadilimang bumabalot sa lugar na yun.

Matapos magpaalam ang aking ka-tropa upang sundan ang kanyang mga bagong kasama, naiwan akong nag-iisa at umaasam na muling balikan ng aking unang kalandian. Tinapos ko na rin ang ugnayang namamagitan sa amin ng huli kong kaparis sa dance floor at nang muling magkapalitan ng tingin ay may kasama na itong iba. Ilang saglit pa ang aking pinalipas bago ihanda ang sarili na makipaglaro sa iba, subalit hindi pa man ako nakakagalaw ay may tumapik sa aking braso.

Isang binata na hindi ko kaagad nakilala ang mukha.

"Kanina ka pa ba?" Bungad nito sa akin.

"Hindi naman, kararating ko lang." Pasinungaling kong sagot sa kanya.

Habang magkausap ay muling umagos ang ala-alang iniwan naming dalawa. Siya si ex-dance partner number 2, ang nakaparis kong sumayaw mahigit isang buwan na ang nakaraan. Ang kuwento naming dalawa ay maihahambing sa isang One Night Stand na nagkaroong kadugtungan. Kararating ko lang sa bar noon at ang pakay kong una ay ang banyo. Habang nakapila ay nagtagpo ang aming mga mata. Taglay ang maamong mukha, madali akong nahulog sa binata. Naging magkaparis kami buong gabi. Dala ng alak, libog at katawang hindi mapaghiwalay, saksi ang dance floor sa aming lantarang paghahalikan. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang kanyang mga bilugang mata, naalala ko ang mga Engkanto. Alam kong ikagagalak nila kung ang lalaking kaulayaw ay aking ipakikilala.

Natapos ang gabi na nalaman kong ang aking kasama ay tumakas lang pala. Sa kabila noon ay nagpumilit akong maiuwi ang binata - o kahit mai-motel man lang. Subalit umatras ito sa aking imbitasyon at sa halip ay pilit ibinaba ang zipper ng aking pantalon.

Pumalag ako. Hindi ko binalak ma-chupa sa daan.

Umuwi akong mag-isa ng umagang iyon. Gustuhin ko man siyang samahan ngunit hangad niya ang magsolo muna. Sa kabila ng pagpapalitan ng numero, pinili kong hindi i-text ang binata. Alam ko naman na sa aking pamamaalam ay ang kanyang pagbabalik sa iniwanan naming club.

---

Pinili ko ang mag-stick kay ex-dance partner number 2 sa kabila ng aming masaklap na nakaraan. Bukod kasi sa pagdikit nito sa akin ay wala rin akong ma-seryosong iba. Naging magkasama man kami ay alam kong iba na ang pakitungo niya sa akin. Wala na ang hawakan ng bewang at mailap na ang kanyang mga kamay sa pagpisil sa aking sentro.

Lumalim ang gabi at kasabay noon ang pagbuhos ng napakalakas na ulan.

Makailang beses na iniwan ko si ex-dance partner number 2 upang maghanap ng ibang prospect. Naroon si wasted daddy na ilang ulit akong tinanong kung bakit hindi ako nahuhumaling sa kanya. (Sa totoo lang, trip ko rin siya, subalit dahil sa kanyang paniniwala na hindi ako pumapatol sa lalaking mas barako sa akin, pinili niya ang lumandi sa mga nagkalat na effeminates sa lugar) Naroon din ang mag-jowang mukhang sanggano na nagsasayaw sa dance floor. Isang beses ay nakasabay ko sa pag-jinggel ang mas astig sa kanila at nauwi ang aming pag-ihi sa laplapan at kapaan ng burat sa loob ng CR. Paglabas naming dalawa ay tila hindi kami magkakilala. Ang pakilala niyang kaibigan habang kami ay nakapila ay asawa pala niya.

At si ex-dance partner number 2? Nakahanap siya ng ibang ka-trip, subalit matalino ang binata. Hindi niya ako pinapakawalan hangga't hindi siya pinapatulan ng kanyang pinopormahan.

Ganito kasi ang nangyari.

Magkasayaw kaming dalawa. Dikitan kung sa dikitan. Sa likod namin ay may isang moreno at makisig na binata. Singkit ang kanyang mga mata at may dimples ito sa pisngi. Nakatayo ito malapit sa amin at pinagmamasdan ang mga lalaking nagsasayaw sa ibabaw ng ledge. Habang nakapulupot ang aking mga kamay sa bewang ni ex-dance partner number 2, ang kanyang mga mata naman ay nakatitig sa binata. Ito ay nang-aakit at nagpupumilit makakuha ng atensyon ng isang lalaking ayaw pumansin sa kanya. Sa tuwing ako ay lilingon upang sipatin ang kanyang sinisilipan, ito'y tatalikod sa akin upang ikiskis ang kanyang puwitan. Minsan naman ay ako'y itong yayakapin huwag lang makaramdam na iba na pala ang kanyang nilalapitan.

Pansamantala akong lumayo upang makadiskarte ang aking kasayaw. Lumibot ako sa paligid para nagmasid sa mga taong hindi na makalabas ng bar. Ang karamihan sa kanila ay lasing at pagod na, mangilan-ngilan ang magkayakap sa dilim. Sa aking pagbabalik ay inaasahan kong ang kaparis ko at ang binata na ang magkasama, subalit iba pala ang trip ng kanyang prospect. Si ex dance partner number 2 na halos ako ay iwanan ay dali-daling bumalik at nakipagsayaw sa akin muli.

Patuloy ang buhos ng ulan at ang mga kalsadang nasa paligid ng O-Bar ay napailalim na sa baha. At gaya ng delubyong humagip sa makulay ngunit malungkot na buhay sa Malate, ang sidhing bumabalot sa aking pagkatao ay nag-uudyok na iwanan na lamang ang aking kasama at sumuong sa tubig na magdadala sa akin papalayo sa lugar na iyon.

Ngunit nangibabaw ang aking pagmakatao, mas pinili kong makasama ang isang lalaking hindi mapapasa-akin kailanman.

---

Tumila na ang ulan subalit ang mga parokyano ay patuloy pa rin sa pagsayaw. Ang paligid ay unti-unti nang nagliliwanag ngunit ang lawang ikalawang beses ko pa lang nakitang nagpalubog ng Malate ay hindi pa rin kumakati. Bakas sa mukha ng mga naiwan ang pagod at antok. Ngawit man ang mga binti subalit walang puwesto na puwedeng maupo.

Sa huli ay natanggap na rin ng aking kasama na wala siyang ibang maasahan kundi ako lamang. Lahat ng tao sa loob ng bar ay nagparis-paris na samantalang ang mga bigo namang makahanap ng kabiyak ay muling bumalik sa kani-kanilang mga tropa. Galing sa banyo, hinawi ko ang mga tao upang makabalik sa aking dating puwesto. Natagpuan ko aking partner nakatayo sa spot kung saan ko siya iniwan. Habang pinagmamasdan ang malulungkot niyang mga mata, isang bugso ng damdamin ang kumurot sa aking puso. Naiintindihan ko na kung bakit hindi ko maiwanan ang aking dating nakalaplapan sa kabila ng mga pagkakataong makapiling ang iba.

Hawig pala niya si Ex.

I traded fame for love
Without a second thought
It all became a silly a game
Somethings cannot be bought

I got exactly what I asked for
Wanted it so badly
Running, rushing back for more
I suffered fools so gladly

And now I find
I've changed my mind

Substitute For Love
Madonna

8 comments:

engel said...

Is he the same guy in croissant and the one you'll only answer to?

YAJNAT said...

happy by leona lewis is the song for you...

<*period*> said...

copying your statement from your twitter post

' not in the mood for everything...'

sigh

:'(

Anonymous said...

woooii! wala rin ako maipapayo sau...ndi ako eksperto sa relasyon. Naiicip ko lng...suportado k p rin ng mga kaibigan mo at bawat hagupit ng tadhana nndyan cla upang ika'y tulungan at alalayan. unknown_danger

Herbs D. said...

*big sigh*

puro nalang laman. laman. laman. ano ba yan.

Mugen said...

Herbs D: Malalaman mo sa epilogue kung ano ang nangyari.

Period: Hays.

Yajnat: Thanks!

Mugen said...

Unknown Danger: May mga pagkakataon na kailangan ko rin kumilos mag-isa. Ito ang mga pagkakataon na yun.

Engel Theyre two different folks. Wait for the epilogue.

Anonymous said...

i guess so..time for urself...its a good thing. unknown_danger