Ang tanong na nangingibabaw sa sikmura ko ngayon ay kung sino ba ang tunay na may sala.
Iyon ba ang limang cheeseburgers galing sa Wendy's at isang sausage sandwich na binili sa isang hotdog stand na kinain ko noong nakaraang "Christian Conference?" Hindi kaya naimpatso ako noong Lunes matapos lantakan ang isang "special siopao" sa Kowloon House kahit buong araw na walang laman ang aking tiyan? Hindi kaya ang Marty's Vegetarian Chicharon ang totoong salarin nang ito'y aking papakin bago matulog kinagabihan? Kung sabagay, sino ba naman ang hindi sasakit ang tiyan kung sabayan ito ng maasim na Iced Tea na aking pinatimpla bago manood ng porn at mahiga ng kama.
Ang resulta ay karumal-dumal sa sinumang may katawan. Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang tiyan. Sa sobrang bigat, pakiramdam ko ay parang may dala-dala ako sa sinapupunan. Hindi ko matanggap ang aking pagdadalang-ulam kaya't anuman ang nasa loob na nagpapabigat ng sikmura ay aking puwersahang nilabas sa lalamunan.
At doon ay tuloy-tuloy na sumambulat ang Marty's Chicharon na aking naging midnight snack. Dala nito ang bahid ng asim galing sa suka na siyang nagpaumay ng aking panlasa buong umaga.
Sa opisina ay hindi naging magaan ang aking pakiramdam. Kasabay ng training ang makailang beses na pagtakbo sa banyo upang itae - ang brown na tubig - galing sa aking bituka. Naroon rin ang walang katapusang dighay upang pakawalan ang hangin na galing sa loob ng aking katawan. Maraming beses na sinabihan akong umuwi ng aking superior officer, ngunit ako ay mapilit. Nararamdaman ko kasi na higit na magiging karumaldumal ang aking pakiramdam pagsapit ng hapon at maaring ito ang maging dahilan upang hindi makapasok kinabukasan.
Natapos ang shift na ako ay inaapoy ng lagnat. Dala ng panghihina ay muntikan na akong mabuwal sa daan. Binalak ko ang magtaxi subalit dahil nagtitipid, nagpursigi akong sumakay na lang ng jeep at maglakad pauwi ng bahay. Pagkarating ng kuwarto ay tila walang malay akong nahiga ng kama at natulog. Pagkagising ay hindi ako makabangon. Wala rin akong mautusan sapagkat nag-Friendster daw ang aming kasambahay.
Dumating si mama kinagabihan na medyo maayos na ang aking pakiramdam. Nakapaghapunan na rin ako ng maayos kaya't nagkaroon ako ng sapat na lakas upang makapagrelax ng kaunti. Pagsapit ng umaga ay pinili kong lumiban sa pagpasok ng trabaho para makapagpahinga. Posible kasing nakadagdag ang stress sa aking matinding panghihina.
Ngayon ay nakakagalaw na ako kahit paano. Ngunit dahil malambot pa rin ang mga bagay na nilalabas ng aking tiyan, naroon pa rin ang panghihina ng aking katawan. Kapag sumasagi sa isip ang Marty's o kaya naman ang mga beef patties na aking kinain, hindi ko maiwasan ang pakiramdam ng pagkasuya. Siguro nga ay masyadong maraming impurities na ang nagci-circulate sa aking katawan at ito ay pansamantalang kailangang matuldukan.
Masarap ang bawal lalo na kung ito ay malansa at malangis. Subalit nagbigay babala na ang aking katawan. Mahirap man ngunit nararapat itong tugunan.
Kaya't ako ay nagpasya.
Ngayong buwan ng Disyembre ay sariwang gulay ang magiging bulk ng aking diyeta.

13 comments:
Such hurdles in life I don't want to take. Brrr.
there was a time na nagsuka rin ako at ang kinain ko lang ay marty's chicaron at coke zero.
paminsan-minsan, ok rin yung magka-lbm para malinis ang tiyan.
stay healthy now. :)
di ko yata kaya na puros gulay ang kakainin for a month.
good luck with your diet plan.
Masarap yung Marty's! Lol
diarrhea is in the air? sama din tyan ko pagising kaninang umaga. baka sa porn yung sayo? hehe
:'(
try mo uminom ng antibiotic.
baka kasi nafood poison ka.
kain ka din ng citrus foods para mas malinis ang sistema mo
haaaaaaaaaaays i'm glad you're okay...
there was a time na nagkaganyan ako at akala ko talaga end of the world na para sakin... sinisi ko yung kinain kong pansit.... pero sobrang weird na sabi ng doktor eh stress daw...
stress? halos mamatay ako sa kakasuka tapos stress? kaloka...
ang takaw takaw mo naman pala hindi mo kami masamahan sa mga food trips namin. hehehehe!
Marty's nga siguro yang naka dale sayo, sumakit din tyan ko diyan
anyway, 18 lbs na loose ko simula d na kumain ng pork at beef pero parang hindi kita ang pagbawas ng timbang ko hehe
"Ngayong buwan ng Disyembre ay sariwang gulay ang magiging bulk ng aking diyeta."
-wushu! talaga lang ha? ako inaamin ko, hindi ko kaya! hehehe!
Veggis this Christmas? Naku... mahirap yan. Masarap pa naman ang lechon! :p
so far, wala pa naman akong naeexperince na ganyan sa marty's, hehe.
hinay hinay lang galenbro!1
di ko kakayanin yan. i'm such a carnivore, it's not even funny.
Post a Comment