Sunday, February 28, 2010

Crossroads






And so I close the month of February rekindling ancient bonds with a straight past.


Napagdesisyunan ko ang dumalaw kina ex-girlfriend kanina matapos ang trabaho. Matagal na namin balak magkita. Hindi lang magtugma ang aming oras. Subalit dahil usapan na ang meet-up noong isang linggo, at dahil medyo malungkot si ex matapos mag-resign sa trabaho, naisip kong bumisita at i-console ang matalik kong kaibigan.

Bitbit ang isang itlog, dumating ako sa kanilang bahay tiyempong palubog ang araw. Tahimik ang paligid. Ang simoy ng hangin ay pinagsamang sinusunog na mga dahon at singaw galing bundok. Nagpabili siya ng itlog para sa cookies na aming meryenda. Ganun naman madalas, naghahanda siya ng espesyal na pagkain tuwing ako ay bumibisita. Sabi niya, ako lang daw kasi ang may tiyagang kumain ng mga ginagawa niya.

Masarap ang oatmeal cookies, lalo na kung may kasama itong Apple Fillings na ginawa naman ng kanyang nanay. Sa dinner table kung saan ang aming tambayan - kahit nung kami pa - dun kami nag-catch up sa aming mga buhay-buhay. Isang dekada na ang lumipas, ngunit ang openness namin sa isa't isa ay hindi pa rin nagbabago.

Nagpaalam ako kay ex-girlfriend pasado alas-sais. Magpapasama sana akong magsimba subalit walang kasama ang kanyang nanay kaya't hindi ito makalabas ng bahay. Nagpabaon siya ng prayer book at dilaw na rosaryo para sa aking ina. Nagbigay rin ng banal na libro ang kanyang mama at sinabing basahin ko raw ito. Bago umalis ay ginawan ko siya ng fitness program dahil balak daw niyang ang mag-gym. Matapos ang picture taking, hinatid niya ako sa may gate ng kanilang bahay. Isang mahigpit na yakap ang sinukli ko sa mga magagandang alaala bago maglakad papalayo sa kanyang kinatatayuan.



While culling the memory of the ex-boyfriend to let it remain a bad dream.



Nakatulog ako pagdating sa bahay.

Hindi ko man matandaan ang mga detalye, alam kong ang aking panaginip ay nakasentro kay ex boyfriend. Gaya ng mga sinaunang bangungot tungkol sa kanya, para siyang isang multong pilit nakikipagbalikan sa akin.

Ako naman ang layo ng layo. Tila takot na takot na para bang ayaw lumapit sa nakaraan. Umiiwas akong kami ay magkausap - gaya ng ginagawa ko sa totoong buhay.


Meanwhile, the arrival of a new guy on the eve of the new month may tip the balance between the past and the present. Learning the lessons of online attraction, I don't hope for the flowers.


"Busy ka siguro.
Sleep na 'ko.
Alam mo, interesado ako sa iyo.
Goodnight, J!"




12 comments:

blagadag said...

aha. at may nag txt? sino naman yang nag txt na yan?

JR said...

Wow..na amaze ako sa fact that you and your ex-girl have became friends...does she knows your..... sexy? lol

engel said...

i'm rooting for you to finally find someone who'll make you really happy. =)

~Carrie~ said...

Honga, does she nosejob about your sexual appeal? Echalon. Aantabayanan ko ang mga susunod na kabanata nyo ni mystery texter. Hehe

domjullian said...

good to know ur friends with ur ex. ok din minsan kasi may nasasabihan kang tao na kilala ka aside from family and friends.

iurico said...

Finally! hehe...

Galen said...

Blagadag:

Kasamahan ko pong bodybuilder sa isang online forum mommy.

JR:

She knows I'm not straight so supposed to be, walang taluhan. Pero alam mo naman how people can swing both ways, especially when you have a mindset of a straight when you're with an opposite sex. Medyo kumplikado.

Engel:

I'm not hoping. There's no readiness or interest in me to take such a big leap.

Galen said...

Carrie:

Inggit saken, bakit daw mas slim pa ako kesa sa kanya. Hahaha!

Iurico:

Haha, inaabangan talaga ah!

Domjullian:

It so happened we're both single, suffered a bad break up from our past exes and realized how pleasant our relationship was, despite its shortcomings.

Sometimes, its good to start a romantic affair with someone you consider a friend...

Kane said...

Galen,

Mas nagulat ako sa reply mo.
"Sometimes, its good to start a romantic affair with someone you consider a friend..."

Whaaaaaattt? Hahahaha.
How strange, you're the second person I read who talked about dreams.

A new month begins, my friend. =) Happy hunting! Or being hunted!

Kane

Galen said...

Kane:

I think I've become mature enough never to start a relationship with someone you had a one night stand.

With all the numbers I've deleted, this time, my new philosophy is for real. :)

Happy hunting rin sa iyo!! Much as I thought I'd go along with the punishment of El Nino, I think the monsoon would arrive to me sooner than I think.

Kane said...

"I think I've become mature enough never to start a relationship with someone you had a one night stand. "

So, does this mean this new guy is really new?

Ikaw naman, sometimes you'd be surprised and you can get along with someone you had a one-night stand with. Who knows? =)

Kane

Galen said...

Kane:

Trust me, it all ends in a disaster. Even the ones that blossomed into a relationship.

I'd follow my utol's example of getting to know the guy first before ummm... seeing him naked. Hahaha.