Monday, November 15, 2010

Rakista





Frustration ko talaga ang kumanta.  Noong hindi pa ako tuli at nagagawa ko pa ang mag-soprano ay nakasali pa ako sa choir ng high school namin.  Isang taon rin yun.  Natanggal lang ako nang magsimulang pumiyok na ang boses ko.  May inter-school competition kasi na sasalihan ang school at kesa magkalat ako at matalo kami ay piniling tanggalin na lang ako ng choirmaster sa roster.

Hindi na ako nakabalik sa choir pagkatapos.



Tuwing Pasko ay may reunion ang pamilya namin.  Nagkikita kaming magpipinsan at dahil mga bata pa ay napipilit kami ng mga matatanda na mag-talent show muna. Yun daw ang kundisyon bago ibigay ang pera na galing sa mga kamag-anak namin sa states.  Never akong nagpractice sa talent portion gaya ng mga bata kong pinsan. Sa halip ay pahirapan muna bago ko bitawan ang controller ng Sega tuwing ako ay tatawagin na para magpakita ng talento.

Minsan ay napuwersa nila ako sa harap ng mga tiyuhin at tiyahin. Confident na marunong akong kumanta, nilagay nila ang cassette tape ng paborito kong music artist. Nakalimutan ko na kung ano ang kinanta ko, pero ang comment ni favorite aunt, puwede daw akong pang-third voice.

Hindi na ulit ako kumanta sa harap ng maraming tao simula noon.



Dumaan ang maraming taon at naging tagumpay ako sa pag-iwas sa mga kantahan.  Nalaos na ang walkman at naging obsolete na ang karaoke pero ako ay naging mailap pa rin.  Masuwerte na lang siguro na napasama ako sa mga barkadang tinaguriang mga basag rin ang boses.  Yung unang grupo ay nadala sa pagiging japorms ang pag-iwas sa microphone. Yung ikalawa naman ay piniling mag-sound trip na lang kesa sabayan sa pagkanta ang mga trip nilang mga banda.

Minsan ay napapakanta rin ako ng hindi sinasadya, lalo pa't paniwalang paniwala ako na nag-iisa lang sa paligid. Kapag time na ng chorus at nagkataon namang ako ay bigay na bigay, nariyan si utol para magsabing huwag daw akong umungol na parang kalabaw.

Siyempre, tiklop na naman ako. Wala naman talagang marunong kumakanta sa aming pamilya.



Tanggap ko na sana ang katotohanang malayo sa puso ko ang pagkanta. Pero nang minsang umuwi ako ng bahay na medyo heartbroken, wala akong nagawa kung hindi makipag-duet sa desktop pc. Kaiba sa marami, alternative ang mood music ko tuwing in-love o kaya naman ay sugatan ang puso. Hindi ko alam kung bakit, pero nang gabing iyon, sinira na naman ni utol ang aking moment.

"Kuya ikaw ba yung kumakanta?"

"Oo bakit?" Clinick ko yung stop button ng Windows Media Player. Tiyak na pintas na naman ang abot ko nito.

"Hindi nga? Para kasing hindi ikaw eh."

"Anong ibig mong sabihin?" Ang tagal kasi bago ibagsak ang punchline eh.

"Parang gumanda yata ang boses mo."

Hindi na ako kumanta pagkatapos noon, pero bakas ang ngiti sa aking mukha. Ikaw ba naman ang binigyang papuri ng iyong number 1 critic eh. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring iniisip kung ano yung kinanta ko noong gabing yun. Badtrip kasi limot ko na talaga.

Marahil ang papuring iyon ang dahilan kung bakit pumayag akong samahan si Papa Tagay mag-videoke. First meet-up namin at salamat sa anim na Red Horse ay bangenge kaming dalawa.

Wala talaga akong balak kumanta. Masaya na akong may kainuman sa may Ayala (Boulevard) habang nagkukunwaring straight kasama nung mga Tau Gamma na tambay ng katabing bilyaran. Kaso mo, biglang naihi si Papa Tagay kung kailan i-pla-play na yung next song niya. Hindi ko alam kung nasaan ang pause button at sayang naman kung walang sasalo ng playlist.

"Bahala na," Sabi ko, habang mahigpit na hawak ang microphone na noon ay basa na ng pawis.

Tenenenenen.... Tenenenenen... Tenenenenenen... Ang sarap sa tenga ng intro ng gitara.


So lately, been wondering
Who will be there to take my place
When I'm gone you'll need love to light the shadows on your face
If a great wave shall fall yeah fall upon us all
Then between the sand and stone could you make it on your own.


Hiyawan yung mga waitress at ibang mga customer na umiinom kasabay namin ni Papa Tagay. Ako rin ay hindi makapaniwala na kaya ko palang kumanta. Dala siguro ng sipa ng kabayo kaya nawala ang hiya sa akin. Sa halip ay napalitan ito ng kapal ng mukha na siyang nagbigay lakas-loob para tapusin ko ang buong kanta.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang narinig ni Papa Tagay. Pero nakita kong nakangiti ito habang pinapasa ang mic sa susunod na kakanta. Simula noon ay The Calling na ang pambato ko sa playlist. Minsan ay Sponge Cola o kaya naman ay Matchbox 20 na tamang-tama lang sa boses ko.

Mahiyain pa rin ako gaya ng dati, kaya tuwing may Videoke Nights ay madalas na lugi ako sa hatian. Pero asahan mo na sa oras na malasing ako, basta alternative yan ay hindi ako umaatras.

Minsan, napipilitan pa akong kumanta - kahit sa isang sulok - matanggal lang ang pagkahilo kapag ako ay nakakarami na.




36 comments:

Ms. Chuniverse said...

wala ring hilig sa akin ang kanta.

pero nakukuha naman sa lakas ng loob.

lalo na kung nasa banyo.

todo-bigay with action pa.

pero tama ka, sa tulong ng sipa ng kabayo
lalakas ang loob mo.

sample nga.

=)

Karpentero said...

wag kang kumanta pre, baka himatayin ako sa kilig.




LOL

Marhk said...

Hay sis nahasa ka na yata sa pagkanta! hmmmm nakita na ba kitang kumanta? di pa yata? hehehe

susmeh si Videoke King (maxwee)ang na windang ako sa pagkanta di bitiwan ang mike sa music 21 hahahaha

Alter said...

hindi ko inasahang sa ganitong aspekto ako makakarelate sa iyo.

ibirit mo beybeh! ;)

Mugen said...

Papa Markh:

Isang beses lang yata ako kumanta noon, second voice pa. Lolz.

Ganoon talaga, mukhang heartbroken ang ating binata.

HB:

Ay ang landi. Isusumbong kita kay Miming!


(\___/)
(=^_^=) ---- > Miming
(")__(")

Miss Chu:

Basag ang boses ko pag hindi nabahiran ng alak eh. Requirement ang pagiging durog bago ako makakanta. Hahaha.

wanderingcommuter said...

duet kayo ni dabo... hihihi!

jc said...

sample naman jaaaaaan! pahiya ata ako sayo sa kantahan! lakas ng loob ko lang kumanta. wahahahahaha!

MaginoongBulakenyo said...

Kakanta na yan...kakanta nayan :0

Sample! sample! sample!

John Ahmer said...

dpat may na attached na audio tong post mo. hehe

casado said...

weeee...oo nga dpat may sample na kanta dali!!

aabangan ko ang video mo dito hihihi..tiyak me kikiligin jang isa, dahil kakantahan sya na mic ang ggmitin ni Papa Joms! bwahahhaha :P

ching!

POPOY said...

hehehe sa party natin ngayong pasko aabangan ko pagkanta mo... lamon muna tau ng red horse para medjo scratchy ang boses...

Anonymous said...

hoooo! I used to join singing contests when I was younger and during my college years but I stopped when I started smoking after graduation. I can still sing now but the power has gone. Bilib ako sa power mo bro, wala naman masama kung susubukan mo ulit seryosohin ang pagkanta if you really love singing, malay mo, it's your time to shine! I wish you luck! I'll add you pala bro sa blogroll ko! thanks! :]

Nimmy said...

ang kyut ni miming!!!! hehehe

mabuti ka pa may magandang singing voice. buti ka pa... *buntong hininga*

hehehe

my-so-called-Quest said...

ayoko kumakanta sa public. nagsimula yun nung makakuha ako ng 79 sa videoke. nyahaha


pero sige gayahin kita, pagnakainom, baka kumanta na rin ako. hehe

Anonymous said...

do u remember jandrex and genesis?

jandrex as in keren of pex? god, small world.

masaya kumanta, dude... sali mo ko minsan. lol.

Jepoy Dee said...

ikakamatay ko kapag nawala na lang ang boses ko.

super hilig kong kumanta boss mugen. bata pa ako nung nalaman ko iyang talento ko n iyan.

kaya kong ibirit ang lahat ng songs ni Whitney Houston (baklang bakla lang diba? hahaha) kasi yun ang pinapakanta nila yan. grabe ang palakpak ng mga kapitbahay namin nuon kapag kumakanta ako. kahit sa school, ako din ang pambato.

badtrip lang. kapag dumating na yung panahon na nagbibinata ka na, ang daming nababago at isa na dun ang boses. nadepress ako nun dahil hindi ko na makanta ang mga dati kong nakakanta.

sinabihan din ako dati ng ganyan ng nanay ko, para daw akong umuungol na baka. nakakalungkot.

pero hindi ako nagstop. nagpapraktis pa rin ako sa videoke at sa CR tuwing maliligo. at finally bumalik naman ang boses ko. hindi na nga lang matinis pero kaya ko pa naman kumanta. medyo rnb na nga lang ang forte ko. ahihihi

ang sarap kapag pinapalakpakan ka. naging hobby ko din ang makiJAM sa mga banda tuwing gigimik kami ng barkada. bumabangka ako kapag may mga videoke nights.

masarap kumanta. hindi ako titigil dyan hangga't nabubuhay ako. hehehe.

kanta lang ng kanta bossing. :)

P.S.

forte ko din sa mga jamming sessions yang The Calling, Smooth by Rob Thomas, Unwell ny MB20 at iba pang madaling kantahing alternative hehehe :)

Lone wolf Milch said...

ako di pwede kumanta kasi baka magkaroon ng bagyong undoy ulit hahahahha

di ako kumakanta sa videoke bars pagkasama ang officemates

claudiopoi said...

ako, hindi maawat sa pagkanta.

gustong-gustong-gusto ko yang mga ballad na yan. like yung mga martin nievera, josh groban.

umiinom nalang ako ng alak, para sa fighting spirit, at sa added confidence kahit na halata nang effort much na ang mga birit parts. hehe. kebs kebs. lasing ako eh.

pwede din pala ang mga RnB. yung kahit kailan ng southborder.

at syempre pa, ang aking paborito:

GUGMANG GIATAY!

:))

claudiopoi said...

ay P.S.

nakipag-JAM din pala ako nung sabado ng gabi sa bar.

masaya naman kasi muntik na akong di paalisin ng gitarista sa pwesto ko, kasi naman waka-waka lang ang alam kantahin ng hinayupak na bokaslistang sintonado much.

at nakadalawang tanduay lapad na din ako. hihihihi.

:D

c - e - i - b - o - h said...

napansin ko lang, mejo pwede ng maging national anthem ang kantang "wherever you will go"..

at tama yan, keep the spirits high,, hindi lang naman ikaw ang ganyan sir mugz,, hehehe

Mugen said...

Wiwik:

Minsan ko lang kinanta yung Goo Goo Dolls na Here is Gone na nasa tamang notes ako, inindyan pa ako ng friend natin sa inuman. Lolz.

JC:

Lasingin mo ako, kakantahin ko yung Nexxus na pina-download mo sa akin last time. :P

Mugen said...

Alter:

Aba dapat ikuwento yan. Paano ka nakarelate sa kuwento ko, kid?

MB

Sabi ko nga kay JC, lasingin niya muna ako bago ako magsample eh. Wahahahaha!

Soltero

Waaaaaah, si Soltero ma showbiz! Hindi na kikiligin yung isa jan. Marinig lang ang boses ko sa umaga, nagsmismile na yan eh. Nyahahaha!

Mugen said...

Ahmer:

Kapag natutunan ko paano mag-transfer ng voice to pc to internet gagawin ko yan!

Popoy:

Ikaw kaya ang magaling kumanta! Kala mo hindi ko narinig na kumanta ka ng Sige noon ha!

Nimmy:

New Year's resolution ko sana ang matuto talaga kumanta at maggitara. Hindi ko nagawa. :(

Mugen said...

Bien:

Thanks for dropping by. Naku, wala yun. Tamang lasing lang kaya kumakanta. Pero mukhang damaged na rin ang vocal chords ko kakasigarilyo.

On second thought, karamihan ng mga rakista, kundi tomador eh subaero. Hahaha.

Doc Ced:

Ano naman kasi ang kinanta mo? Kung kakanta talaga ako ng ummmmm... Beyonce eh hindi lang 79 ang makukuha kong score. Lol.

Carl:

Kapag kasama ko si Jandreks sa KTV, alam niya kung anong songs lang ang kaya ng vocal range ko. Hahaha. Puwersado tuloy akong kumanta pag binibigay na sa akin yung mic.

Mugen said...

Jepoy:

Naks, talagang sharing kung sharing ah! Actually, yung hindi ko nakuha sa kantahan, nakuha ko naman sa sayawan. Hehehe. Sabi ko nga sa mga tropa ko, sayawan na lang tayo sa club, may laban pa ako.

Pero siyempre tapos na ang mga panahong hardcore clubber ako. Kumbaga, reminiscing na lang

Nakakatuwa naman! Makakasundo mo si bleeding angel niyan.

Hard2Get

So ibig sabihin kumakanta ka lang pag nasa banyo?

Mugen said...

Claude:

Naks naman! Matutunaw siguro ako pag naki-jamming ako sa banda. Unless... Anim na redhorse na ang natumba ko. Kaso tumba rin ako noon pagbaba sa stage.

Ikaw pala ang dapat bigyang pugay! Hanep sa fighting spirit pre!

Ceiboh:

Yup isa nga siyang anthem. Pero dun sa mga lugar na napuntahan ko, Alone at Where do broken hearts go pa rin ang paborito.

my-so-called-Quest said...

nakakatawa dun e lagi naman akong kumakanta ng basketcase. tumayming na 79 ang grade ko nung araw na yun. lol siguro kasi nandun mga relatives at bday ng lola ko. hehehe

Mugen said...

DocCed:

Basketcase ng Greenday? Ang hirap kaya nun!

dario the jagged little egg said...

Wow this could be the the start of your singing career : ) Go lang ng Go! : )

... said...

ay! I want to hear you sing baby.

Bleeding Angel said...

kiliggzzzzzzzzzzzzzz tapos speechless na

Anonymous said...

heya... pareho pala tayo ng contest piece sa mga Videoke challenge haha memorable pa ang Wherever You Will Go para sa akin

- Duke/Dwight

RainDarwin said...

gusto kong kumanta na may pumipitik-pitik na mic !!!

Désolé Boy said...

para saken, wala ng mas tatamis pa kapag kinantahan ako ng lalaking sintunado nga pero bigay todo naman sa feelings ang pagkakakanta.
.
.
parinig naman ng mala-The Calling mong boses..hehe

Mugen said...

DBoy:

Yan ang tunay na sweet. Hehehe. Ehh. Hiya ako men! Papakalasing muna!

Pilyo:

Kilala ko ba kung kaninong mic yan? :P

Duke:

Yun lang ang vocal range ko eh. Badtrip nga.

Mugen said...

Angel:

Ikaw bro, ang maestro. :)

Mel Beckham:

Sige na nga... kahit nakakahiya sweetpea. :)

Daniel:

Di mo pa ba ako narinig dati kumanta?