Modified Escalating Density Training. (M-EDT) Tingin ko na yan ang binigay na program sa akin ni Coach Blakedaddy.
Ang goal ng workout ay makarami ng repetition sa tinakdang set of exercises na fitness trainer ang gumagawa. Sa kaso ko, nakasulat sa program na 5 reps ang kailangan mabuo sa bawat set. Ang buong set na kailangan gawin sa isang exercise ay labing apat. Benchpress pa lang yan. Magaan man ang weights na kailangan kong buhatin, (100 lbs) pero tiyak na si superman lang ang hindi matatagtag pagkatapos ng work-out.
Ang resulta, katumbas ng kalahating rice cooker ang nauubos kong kanin pag-uwi ng bahay. Hindi pa kasama ang ulam doon. Sabi nga sa akin na kasya daw sa tatlong dukha ang hapunan ko. Naroon rin yung pakiramdam na parang tinadyakan ka ng sampung kabayo the following day. Lolz!
Rest assured na sana ang goal ko na maging KPR, (Miming alam mo ito!) Pero dahil nga sa ga-baboy kong kumain ay napupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Madalas may butal pa.
Anyway, sinubukan kong magtimbang sa weighting scale kanina at laking gulat ko sa naging resulta. Muntikan tuloy akong mapa-treadmill at mag-sprint ng sampung minuto.
"174?!?!" Hindi ko maitago ang pagkaalarma.
Sa sobrang panic ay dali-dali kong pinuntahan si Blakedaddy na nagsusuplado nang mga oras na iyon.
"Coach! Coach! Ninominate kitang moderator sa Pinoyexchange! Is it possible to get heavier because of muscle build-up?" Tumingin muna ako sa paligid, baka naroon yung mga alaga nilang Bumbay na big bosses yata sa isang call center.
"Of course!" Mabilis ang kanyang tugon. Oha! Oha! Anlakas ko kay coach!
Kunsabagay, parang ang hirap nga kumilos lately. Para bang gawa sa bakal ang buong katawan ko. ^_^
What's more puzzling is that despite the weight gain, hindi pa naman ako nagfe-feeling suman sa mga Size-M na t-shirt ko. (Teka try ko ulit for verification... Aww kasya pa pero kelangan ko na mag-bra) Okay pa rin yung mga jeans. (kahit halos magka-UTI na ako sa sikip) pero slight na taba pa at talagang magje-jersey na ako papasok sa work. Huhuhuhu.
I do not know what else to do. The program could do wonders but it seems to be backfiring at me. Pasira rin ang shift sa trabaho. Kasi naman Oatmeal lang ang Brunchienda (Breakfast-Lunch-Merienda) ko sabay lamon pagdating ng dinner. Baguhin ko man ang eating habits pero masarap talaga magluto si Yaya.
So yun lang, nagrarant ako na parang ewan. Let's see if I could turn around the situation bago ako magemo-emohan in two weeks.
Bye blog!
27 comments:
6 small meals a day (each meal equiavalent to half an ordinary meal) is better than starving yourself then gorging lots of foods.
apples are good alternatives..and saging na saba (after workout)
ingat sa ganiyang gawain joms. since hindi maganda ang worksched, baka mauwi ka sa ulcer or hyperacidity
^ couldn't agree more. hayyssss.
wow! ma-boobs! sexxxxxy! hihi :D
Bruchienda - I love the term! Magamit nga din minsan haha.
Basta take care of yourself. =)
sis don't worry pahihiramin kita ng Victoria Secret na bra ko ano bang size? lolz!
ay naku, kailangan ng pictures para makita namin yang mga bulges na yan kung FATS, MASELS or MALAKI lang talaga yang nsa loob ng zipper bwahhahaha :P
@soltero, i second the motion lols
oatmeal kada kainan??waaaaa!kakasuka na yan ha!ahaha
i think muscles naman yun at hindi fats. [naimagine ko ang wangkata mo wid the fit shirts and jeans. oohh the bulges..hehe]
.
.
and yeah, i support soltero's motion
[motion denied or motion carried?]
hahaha - this is the first time I read this style of writing in your blog.
At sobrang enjoy ako! Not that I didnt enjoy the previous style. this just puts you in a different light, nice different light. hehehe
did you know that bodybuilders are considered overweight based sa body mass index.
try mo kaya magtimbang sa mecury drug para malaman mo ang bmi mo at yung body fat mo..
useless kasi ang bmi sa mga bodybuilders eh kasi kaya sila mabigat ay dahil sa muscle and not fat
ako di ako nagagain ng weight noong naggym ako for the past 4 months
So uminom ako ng protein shakes and it worked i did gain some weight pero yung body fat ko is still normal soo everything is doing fine
kinakarir ko din ang pagdidiet. nagsimula ito nung emo emo ako last week at walang gana. tinuloy tuloy ko na boss.
kelangan ko na lang gn gym para magkamaskels ako.
kaso nahihiya talaga ako sa gym. at 100lbs? grabe. yung weights ko sa bahay eh 25lbs lang pero bigat na bigat na ako. LOL
Jepoy D:
Lahat ay nagsisimula sa 10 lbs. :) So okay lang yan. Maskels, maskels? Enroll ka sa gym ko. Baka naroon pa yung besprend mong si Darc D.
Hard G:
Yung nga rin ang hinala ko. Na nagkaroon ako ng muscles kaka-gawa nung pamatay na program sa akin.
Just the same, I still have to take care not to overeat. Lakas ko pa rin kumain eh.
Iurico:
Nanghiram lang ako ng style ng iba hehe. (Thanks JR!) Nakakabore kasi na paulit-ulit na lang ang voice ko.
Sus heto lang pala magpapa-comment sayo eh. Hehehe
Thanks sir!
Dboy:
Hala! Magalit sa akin si Alter niyan. Lolz. Wag ka na umasa, baboy ako. Oink oink!
Mac:
May kasama naman na banana saka milk. Sweetener ko yung banana. Hehehe.
Orally/Soltero:
Naks bagay na loveteam, parang SolterAlly lang. Yiiiii! Yoko nga, may magagalit sa akin diyan. Lolz.
Marhk:
38DD Bili mo ako papa sa Agent Provocateur. Hehehe!
Ronnie:
Suuuuure! Huwag mo lang akong gagayahin. Perfected ko na ang habit na yan. Lolz.
Nimmy:
Ay type mo ang man-boobs? As in, sagwa kea.
Anteros:
Easy to say, difficult to follow. Hirap hirap kaya mag-small meals. Ang gastos gastos pa! Huhuhu.
JC WimpyKID
couldn't agree more ka jan! Heto alagaan mo si miming. Lolz!
(\___/)
(=^_^=) ---- > Miming
(")__(")
having a trouble with this. haha,. wonder what's my weight talaga without the muscle mass. :D
my time din na i crave for something after workout. mas worst e yung nakakasawa ng magotameal at magcereal. hehe
parang di ikaw nagsulat ng entry na to haha.
neweys, usapang katawan ba kanyo??
sus, tangena yan oh, panis 'yan!
mani-mani lang.
Teka nga ginoong Mugen namomoblema ka, eh sexy ka naman. pa-humble ka pa eh, kutusan kita eh.
bwahhaa kahit di ko nabasa yung original post ni papa tagay, meron akong naramdaman sa mga comments d2 hihihi..congratulations!!! :P
6 small meals talaga dapat. dont starve yourself. good luck gurl! sana pag nagkita tayo sa december eh super yummy na katawan mo at masarap dilaan! LOL! ay nalokah ako sa sinabi ko! baka may humila ng long hair ko pag uwi ko. hahaha!
Doc Ced:
Yeah, I always crave for something after work out. Hahaha!
But still I would stick with Oatmeal Banana for my brunchienda kasi matipid.
HB:
Kung kapareho ko ang katawan mo, wala akong problema.
Nice to see you at last!
Soltero:
Shhhhhhhh! Secret lang natin to! Wala kang alam tungkol sa undercurrent sa blogspace. Hahaha!
Thank you!
Bloiggster:
Ikaw ba yan? Alam ko eh napaka suplada mo pag nandito ka sa Manila. Pa-dila dila ka pa ngayon
kuya mugs pa-hug nga! :p
i really need to eat saging na saba at boiled egg white simula ngayon. sayang workout :(
regarding sa pevious post. mas oks nga siguro na sa inyo muna si Lenin. naalala ko tuloy nanay ko sa niece ko. haha, wala lagi sa sarili pag wala ang apo nya sa bahay. haha
Odin:
Hmpft, noon ayaw mo mag-pa hug. Kung kelan KPR na KPR ako. Lolz.
DocCed:
Gaano ka kadalas mag-work out doc?
Toxic rin pag nandoon yung utol ko sa bahay. Pero kung mas matututukan naman yung pamangkin ko, why not?
3 times a week. usually mwf. :)
haha tama ka ng location ng school. dito sa far---- hehe.
mas oks nga na kasama nyo. matutukan si baby. nakakaparanoid lang sa una talaga. hehe
Post a Comment