Tuesday, November 2, 2010

Pogi Spotting





"Julawww!! Julawww!! Julawww!!!"

Siyempre, kapag narinig na ng ka-gym mate kong si Smellycat ang kanyang pangalan ay hindi na ako nito papansinin. Masyado na daw siyang na-oout nang dahil sa akin.

Paano naman kasi ay biglang nagkaroon ng population explosion ng mga bading sa Shaw. Nagkataon naman na kakilala ko yung mga bagong member kaya pati si Julaw na walang malay ay nadadamay.

Pero nitong mga nakaraang buwan ay may bago kaming kinahiligan ng aking gym mate. Layuan man niya ako anytime pero sa oras na nagturo na ako ng mga cute sa gym, wala itong magagawa kung hindi makipag-compare notes sa akin.

"Cute yung nasa kaliwa mo o." Kunwari ay pabulong bulong pa ako't patingin-tingin sa kanyang program pero sa totoo ay nagspospot lang kami ng pogi.

"Uu!" Pangisi itong sasang-ayon sabay babalik kami sa kanya-kanyang buhat.



Si Julaw ang isa sa mga kauna-unahan kong ka-tag team sa mga forums. Kung ang spokesperson ng aming silid-buhatan sa Pinoyexchange ay ako, siya naman ang welcum committee sa Planet Romeo. Pati yata yung handle na gamit niya ay kapangalan rin ng gym. Adik rin ito sa pagbubuhat. (in fact, wala siyang gamit na gloves kapag nagfree-free weights samantalang ako ay nagmimittens pa. Lol) Mas bato-bato rin ang katawan nito at lately, yung mga barako sa gym na hindi ko ma-amoy ay tropa pala niya.

Sa tinagal-tagal naming magkakilala sa cyberspace, (yung best friend niya eh naka-date ko pa, yung bud ko naman ay naka-fling niya) ay lately lang kami nagkaroon ng introduction. Mahiyain kasi si binata. Dahil alam ni head coach na kami ang hakot ng mga aspiring gym-beckies sa PEx, kaya pinagtuunan rin ito ng karampatang pansin si Julaw.

Minsan mas advanced pa nga ang program niya sa akin.



"Huy, andiyan yung isang cute ah!" Bulong ko sa kanya kanina matapos ang isang set.

"Alin, yung naka-basketball shorts?" Mukhang meron pang na-spot na iba ang binata.

"Yata?" Sumilip ako sandali sa cardio area para ma-confirm na yung gwapo na tinutukoy namin ay iisa lang.

"Yup, andiyan rin yung isa ah!" Natiyempo na nagbubuhat rin pala si Angel Wings, yung isang gwaping na may pakpak na tattoo sa kanyang balikat.

"Dami nga cute ngayon eh!" Tama ka Julaw, pareho tayong mapapasabak sa buhatan.

Bilang isang certified kuneho, alam ko na by batches ang dagsa ng mga members sa gym. Tuwing alas-diyes ng umaga yung varsity team ng JRU at San Beda. Nagsabog nga ng hunk pero agawan naman ng gamit sa Power Cage. Tuwing alas-dos yung mga Iranians. Okay sa alright pero kapag nakasabay mo naman sa locker room ay ayaw mo na lumabas. (di ko sasabihin kung bakit. ne ne ne!)  Alas kwatro naman ng hapon ang dating nung mga bilugang Bumbay. Napabalita kamakailan na ginamit daw na hand wash yung malaking dispenser ng Colgate Plax sa sink. Kaya pala andaling naubos.

Alas siyete kadalasan nagpapakita yung mga ulam. Magsasawa ka talaga sa pandesal kasi naman kasabayan rin ng mga regulars yung mga kick boxers. Ito siguro ang dahilan kung bakit biglang nawala si Jake Kamatis sa gym. Nahuli siguro ng kanyang "misis" na nagsmi-smile sa mga chinito kaya pinatigil magbuhat lol. Panghuling grupo na dumarating ay yung mga Egoy. Saktong alas-onse ng gabi ang simula ng kanilang training at napapabalitang inaabot daw ito kinabukasan.



Madalas na sa hanay ng mga Bumbay ako napapasama. Pero dahil nahuhuli ako ng dating sa gym nitong mga nakaraan, sumasabay ako sa time-slot ng mga wafu.

Gaya na lang kanina, kasabayan namin ni gym mate yung dalawang model-modelan. Lean, ripped, smooth, pucha, sila na ang anak ng diyos!  Yung isa ay kahawig ni Derek Ramsey na pinaputi. Panga pa lang ay pamatay na!  Yung isa naman ay pinsan yata ni Akihiro Sato na pinaglihi sa buko. Kung absent sana si Julaw ay balewala sa akin kahit buong cast pa ng Bench Underwear Show ang magbuhat sa harap ko. Kaso mo, nadikit ako sa bakla.  Kaya hayun, tingnan man kami ng masama ni Blakedaddy eh para pa rin kaming kiti-kiti na di mapakali kapag nasa malapit lang yung mga pogi.

Don't get me wrong. Hanggang tingin lang kami ni Julaw. Kung dati ay hanggang G4M lang ang paghanga ko sa katawan ng mga boys, nitong mga nakaraang sessions ay narealize ko na tao lang ako't napapako rin ang tingin sa iba.

Sino ba naman ang hindi?   Makita mo lang na walang katiyan-tiyan ay mapapabuhat ka na parang walang katapusan. Pati mga baby fats at bilbil na dedma lang tuwing meal time ay bigla natatakwil sa ngalan ng abs.  Alam ko na kahit sa pantasya ay hindi ko ma-iimagine na magpa-cute sa kanila, pero at least sana, kapag may katabi akong kambing sa kama ay confident ako na di niya ako tatawaging biik.



Sabi ni Julaw na madalas niyang makita si Derek Ramsey look-alike na may ka-date sa Greenbelt. Tanong ko kung cute ba, sumang-ayon naman si binata. Habang patuloy kami sa pagpopogi-spot, napansin ko na sabay pumunta sa fountain si Derek at Aki.  Puwedeng puwede!!  May time rin na nagsabay sila sa Cable Machine, habang ako naman na nagle-leg raise ay napagitnaan. Amfanget!!  Bigla tuloy akong nanghina. Si Julaw naman na walang sawa sa pagdu-dumbell press ay tatawa-tawa sa akin  .

Umalis ako na hindi pa tapos yung tatlo. Mukhang may bagong ka-date na naman si Derek Ramsey samantalang si Julaw naman ay busog na busog sa view.   Tiyempo namang labas ko sa locker room ay tamang dating ng mga pinakaaabangang mga hipon.  Sa dami ng mga eye candies na aming nakita, hula ko na nagbabad pa si Julaw sa benchpress machine.  Hula ko rin na yung tiga Mabini diyan na gustong makakita ng gwapo ay lilipat sa amin.    




31 comments:

jc said...

HA! di kami nauubusan ng supply ng pogi sa mabini. yung iba nagdadala na ng kanin at dun na nagdidinner bilang ulam na nila ang mga nagbubuhat. ching! ahahahaha!

Mu[g]en said...

JC:

Uy tinamaan! Baket tiga Mabini ka ba? Balita ko eh tiga Bentong's Bakal ka lang ah!!!

HB said...

Goodluck sa kaibigan mong tingin ng tingin lang sa lalaki sa gym. Ehehe

jc said...

Mu[g]en

baket? di mo ba alam na may branch ang Bentong's Bakal sa may Mabini? o ha? KABOG!

Mu[g]en said...

Beastfighter:

Pakilala kita kay Julaw! Bagay kayo nun!

Mr. Hush Hush said...

hahaha this is fun. I could just imagine the macho guy in you Mugen then turning 'malambot' bigla. hahahahaha :) lavet

HB said...

iumpog ko pa sa masel ko yan eh

lol

hello papa mugen

ahaha

Mu[g]en said...

JC:

Aba malay ko bang Mabini yun? Alam ko sa Ermita yun eh! Yung dun sa ibaba ng Papa-San Beer Garden! Lolz.

Mu[g]en said...

Mr. HushHush:

Even toughies become bunnies! Pakitaan mo ako ng Chevrolet 47, ewan ko lang kung hindi ako tumili. Lol.

HB:

Angas mo ah! Sapakan na lang tayo. Lol. Pakita ka nga ng sixpacks mo sa avatar!

orally said...

don't you love them Iranian kebab?

Mr. Hush Hush said...

hahahaha at ni.research ko pa talaga ang chevy 47. Na post mo na pala eto before :) you're funny Mugen, I like your post if it's light weight. hehe and not so heavy on tagalog :)

Soltero said...

ahaha ang hirap ng ganyan no? last Saturday namn, na sandwich ako sa weight bench ng isang ryan reynolds look alike pati body pero chicken legs lol tsaka isang white dude na cute sana pero parang may tama sa ulo kc he keeps mumbling unintelligible words while pumping iron ahahhaa... at may isang latinong bata na cute sana pero amoy soy sauce bwahahhaha ...:P

ching!

Yj said...

mag eenroll na ako sa gym na yan... now na... pero gusto ko kasched yung mga anak ng diyos!!! yaiy

Nimmy said...

ang kulit lang ni papa joms oh. hihi

Anonymous said...

Aha! Kaya pala wala nangyayari sa 6pack abs project mo, lande ka Lang ng lande sa gym hahaha

Jr greatkid_08

Alter said...

I fear releasing myself to the wild, wild city gyms. dito na lang muna ako sa opis magbubuhat.

salamat sa babala(?) hahahaha

Désolé Boy said...

san ba yan kuya? wala akong gym buddy. and am just starting...
.
.
yoko na dito sa may abs-cbn FF. puro mga malalansang pamhintang mga call center agents. literal na kembutan ng kembutan. ang lalandi...haha
.
.
pro tama ka. pag nakikita ko yung mga katawan na well sculpted nakakainspire at the same time napapatnong kung may pag-asa pa bang mawala ang mala-teletubbies na tiyan ko =p

wanderingcommuter said...

hahaha. feeling ko talaga nasa ibang dimensyon kayo habang kwinekwento mo ito. lol!

Jepoy Dee said...

ahahahaha. kapag naggym kaya ako eh makapagfocus kaya ako ng mabuti kapag ganyan yung mga kasabayan kong nagwoworkout???

LOL. :)

marhk said...

super like ko ang post na ito! nalokah ako sa pag describe like ko yung time slot ng mga papable! at sana gym yan pm mo sa akin ng maka pag member dyan lolzz

MaginoongBulakenyo said...

Parang primetime schedule lang sa t.v ang pagdating ng mga boylet sa gym nyo.

Parang gusto ko tuloy manood habang kumakain ng poppcorn. Lol!

Mu[g]en said...

Maggie:

Primetime talaga! Pero meron rin mga wafu sa ibang time-slot. Mas konti nga lang.

Markh:

Nakalimutan ko idagdag, yung mga twinks na galing DLSU, kasabay ng mga bumbay ang timeslot. Lol.

Pero mas yumminess ang mga twinks sa parlor ni Papa P!

Jepoy:

Sabi nga ng friend ko, "eye candies at the gym are the new energy drink." Sabi ko sayo, lalakas ka bigla.

Mu[g]en said...

Wiwik:

Isipin mo na lang na high ako sa sinisinghot ko na Polar Bear habang sinusulat ko itong entry. Lol.

Dboy:

Napaisip tuloy ako, hindi kaya ganito ako habang nagpopogi spotting kami ni Julaw:

"yoko na dito sa may abs-cbn FF. puro mga malalansang pamhintang mga call center agents. literal na kembutan ng kembutan. ang lalandi...haha"

Magbubuhat na nga lang ako next time. Wahahaha!

Alter:

Go out and enjoy the view!

Mu[g]en said...

Greatkid:

Huwag ako ang akusahan mo, si papa coldTERO ang may aksyon sa gym. :P

Nimmy:

Smokescreen lang. Hehehe

YJ:

Sus maggygym ka pa, sa kanto lang nakakaiskor ka na diba?

Mu[g]en said...

Orally:

They're big! That's my impression. Hehehe.

Mr Hush:

Just trying to cheer myself. These are emo times. Hehe

Soltero:

Ampintasero!! Saka ka magreklamo kapag anak ka na ng diyos! Lolz.

hard2getxxx said...

Bakit kaya ako walang natytypan sa gym hehehehehe kahit isa

Mu[g]en said...

Hard2getxxx:

Baka naman kabilang ka sa mga anak ng diyos. Kelangan ka ba namin sambahin?

Welcome to my blog parekoy!

Yj said...

wahahahahaha loko ka kuya... natawa ako sa kanto!!!

ismonec said...

parang kilala ko si "derek ramsey"

Jake said...

Kalokah ka!

Hindi ako nawala. Nag-iba lang ako ng timeslot. Impak, kasabay ko na si "misis" magbuhat harharhar!

Uy, parang kilala ko ýang pina-puting Derek Ramsey. Nag-cameo role pa sya episode ng "Beauty Queen" kahapon. Pramis.

hot_bicycle said...

homaygad, naalala ko tuloy yung mga naggygym kong kapitbahay. yummy khit pwisan didilaan ko sila haha