Ang bilin ng mga matatanda, ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi alam ang pupuntahan.
So here we are, looking back at where this sweet thing called love brought us.
McDonalds, UN Avenue |
May masama akong balak ng gabing iyon. May ko-kornerin akong tao para i-treat ng Twister Fries. Ang binata ay walang kaalam-alam na ang kanya palang ka-textmate ay nag-aabang na sa ground floor ng kanyang office building. Kaya pala panay ang sabi nito na magtext ang binata kapag ito ay pauwi na.
Nang magkita, kaagad naming tinungo ang McDonalds Taft para maglate-dinner. Yun kasi ang malapit sa mga bahay namin. Habang nag-iintay ng order ay nagkasabay kaming magbanyo. Nagkatinginan, nagkangitian at yun na! Isang kiss lang pala ang magpapatunay na may spark pala. Sabi ko that night, I might be seeing the last days of my singlehood.
Tama ako.
Tama ako.
Isang linggo matapos ang "first date" namin ni JC ay naging kami na.
UP Oblation, Diliman Campus |
I would like to think that I was just making a good impression. Na ang piniling kabiyak ni Baabaa ay nakatungtong ng State University kahit paano. But it was not the case. Sadyang gusto lang namin lumabas kasama si Maginoong Bulakenyo at Diliman ang napili namin puntahan.
Matapos papakin ang isaw ni Mang Larry ay naglibot kami sa paligid ng campus; Naupo sa Sunken Garden at naglakad sa calle Juan Luna kung saan nakatira ang ilan sa mga pantas ng unibersidad.
Nang uwian ay bumukod kami sa aming kasama... at nakalimot na pareho lang pala kami ng daan. Hindi man sadya (promise!) pero ang aking hinihinala ay gusto ko lang ma-solo sa bus si partner.
The Dungeon, Eclipse Gym Mabini |
Like all healthy relationships ay nagcla-clash rin kami ni Baabaa. RedtheMod said it best: it is because, "complementing" daw kasi ang personality namin. Hindi ko na kailangan mag-elaborate
Our first fight took place because of a tweet that became a subject of dubious interpretations. Malay ko bang lyrics ng kanta yun at hindi patama tungkol sa mga regret niya sa nakaraan. Wounding words were hurled and for two hours ay dedma kami sa isa't isa.
Eventually, the partner reached out, apologized and I did the same. But to seal the peace treaty, I went all the way from Eclipse Shaw to Eclipse Mabini para manundo ng nagbo-body building rin. Doon ko na realize na we can't stand each other na magkatampuhan ng matagal.
And from that moment ay nag-full circle ang pagiging mag-acquaintance namin. He caught my attention in a body-building thread and in return, we worked out together when time allowed.
Greenbelt 3 Cinema |
I seldom watch movies in theaters. Unless I get invited. The partner loves the big screen even if it means going solo. At dahil mahal ko siya, nagsimula ulit akong manood ng films no matter what the genres are. This is how we date.
The first film we saw was Harry Potter and the Deathly Hallows Part 1. Hindi ko alam kung sa Greenbelt 3 namin pinanood yun or somewhere else. But Greenbelt is the nearest cinema to my partner's workplace. For that, the mall became our hang-out place.
From Burlesque to Scream 4, to Black Swan and Source Code, lahat yun kasama ko siyang pinanood. Pati yung Rosario at saka In the Name of Love na dati-rati ay hindi ko napapansin ay pinatulan ko na rin. The tidal shift was so strong that when JC left for Canada, I never stepped foot inside the cinemas again.
Saka na lang, sa kanyang muling pagbabalik.