Saturday, November 19, 2011

Smooth Sketch




"Julawww!! Julawww!!"

Mabilis kong tinawag si Smellycat na noon ay kasalukuyang patapos na sa pag-eempake ng gamit sa locker room.

"May papakita ako sa iyo sa Facebook, Daliii!!"  

Kaagad namang itinigil ng binata ang kanyang ginagawa at mabilis itong pumunta sa aking kinaroroonan. Sigurado kong may alam ito sa kung ano ang ipapakita ko.

"Alam mo feeling ko siya si 7incher_hunktop..."

"Weeeh? May girlfriend o, tingnan mo nga!" Matagal na rin kaming magkatropa sa gym kaya naman pati mga updates ko sa Twitter ay nakakaabot sa kanya.

"Hinala ko lang naman, pero kung siya nga yun..." Isang matamis na ngiti ang iniwan ko bago bumalik sa pagbubuhat.



Si Smellycat


Earlier that night ay may bago kaming ka-miyembro. Kaya naman abala si Coach Magnus sa pagtuturo ng proper form at execution ng benchpress, squats at dips sa boylet. Dahil na rin siguro sa pangangailang kumita ng extra ay pasimple itong nagpapa-impress sa bagong dating. Sa pagkakataong iyon ay ako ang kanyang nakitang panabla. 

"Mugs tingnan mo to." Lumapit naman ako sa computer station ng Eclipse. Doon kasi naka upload ang mga pictures.

"Student ko yan..." Paliwanag niya. "Hard workout ang binibigay ko sa kanya. Kaya naman after two months, yan na ang hitsura..." Pagmamalaki nito sa amin.

Infairness naman kay coach ay talagang nagkaroon ng result ang kanilang pagwowork-out. I-train mo ba naman hanggang mag-walk out ang mga taba, tapos mag-recommend ka pa ng diet, tingnan ko lang kung hindi maging balingkinitan ang katawan ng iyong alaga pagkaraan ng dalawang buwan.

At tunay na kahanga-hanga nga ang before and after pictures ng kanyang student. Kung dati rati ay may beer belly ito at sagging na dibdib, yung most recent picture niya ay zero body fat. May hitsura rin naman ang binata. Mestiso ito, twink na twink, at may hawig kay Coco Martin at Jake Cuenca sa unang tingin. Kamusta naman si Dennis Trillo na ka-gym mate ko na laging mukhang haggard kapag dumarating sa gabi?

"Ano oras ang work-out niyo coach?" 

"Mga madaling araw." Yung newbie naman na kanyang tinuturuan ay halos mag-pass out na matapos ang unang subok ng squats.

"Student pa?"  

"Oo sa La Salle nag-aaral." Biglang nagningning ang aking mga mata. Nagpatuloy ako sa pagtatanong.

"Mga ano oras siya dumarating?"

"Mga ganitong oras." Pasado hatinggabi na noon.

Sa sobrang excited ay dali-dali akong bumalik sa computer upang tingnan muli ang hitsura ng lalaki. At long last ay mukhang nag-pay off ang pag-iinarte ko sa pakikipagmeet-up kay 7incher_hunktop at sa halip ay siya mismo ang nagbigay ng detalye kung paano siya matatagpuan.

"so bro what's the plan of your mate? perhaps you could introduce me as a white la sallian guy. maybe you can introduce him to me since I am familiar with almost all of the people in the gym"

Isang recent private message yun sa akin. Inopen-up ko kasi ang idea na iba na lang ang ipapakilala kong gym buddy sa kanya.

"no. when is he usually go there? btw you can reach me at 09173X44X42. hope to meet you as well bro."

Hindi ako nag-iwan ng number. Sa halip, nilagay ko ang kanyang numero sa isang notepad para sakaling magtagpo kami ng isa pang ka-gym mate na umako sa aking dapat sanay pakikipagkita ay tuloy tuloy na ang kanilang pakikipag-usap.

Sa kasamaang palad ay yun na rin ang huling pagpapalitan namin ng private message ni 7incher_hunktop. Hindi na ito bumalik sa PEx, anumang pilit kong pag-angat sa work-out at fitness thread. At kung sakali man na tama ang aking hunch na si 7incher_hunktop at ang lalaking nasa FB ni coach ay iisa lang; Kung magtagumpay man ang stalking skills ko at mapatunayan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay straight ang may girlfriend.

Tanging isang tao lang ang makakapagbigay liwanag sa tunay na pagkatao ng aking tinataguan hinahanap. Habang kami ni Smellycat at sampu sa aming mga kasama ay hanggang balita't sulyap na lang sa kung ano ang susunod na mga kabanata.

Ang binatang makakapag-confeeeerm nun ay walang iba kundi si Bentot 

Ang aking proxy.




1 comment:

Chip said...

Hmm. So yan pala si Smellycat. Hehehe!

Pero pinaka-curious ako kay Semaemon at lalo na kay Seigemeister (luma na 'to, mga PEx days pa ng TC). Hehehe!