Saturday, May 6, 2006

Return To Government (Broken Paragraphs Remix)

Habang nasa taxi pauwi, kinukwento ko kay Nathan kung gaano ka-haggard ang naging araw ko. Balak ko pa kasing mag-BED kagabi pero talagang tingin ko eh hindi na kakayanin ng mga binti ko ang sumayaw pa, lalo na't hinataw ko ito sa stationary bike kinaumagahan...

...Ngunit nang binabagtas namin ang kahabaan ng Makati Avenue, bigla akong napasulyap sa Government. Medyo maraming tambay sa labas at sa unang tingin, mukhang exciting ang crowd doon. Matagal-tagal na rin simula ng napagawi ako sa lugar na yun...

... Kaya bago ko pa matapos ang walang katapusang litanya ko kay Ate Nate tungkol sa overfatigue na nararamdaman ko, bigla kong sinabihan ang driver na ibaba ako sa tabi. Naisip ko kasing sandali lang ang day-off at sayang sa oras kung palalampasin ko ang gabi para mag-alay ng sayaw, kaya kahit masakit ang katawan ko, sige hataw pa rin. Tutal ilang calories na naman ang matatanggal kapag tumuloy pa ako ng Gov.

---

Pagkapasok na pagkapasok ko sa entrance, napansin ko kaagad ang mukhang seldang ticket booth ng bar na yun. Sabi sa akin ng staff, P300 na daw ang entrance - katumbas na rin ito ng entrance ng BED. Balak ko sanang umatras, pero dahil nandun na rin naman ako sa lugar, mabuti pang dumiretso na ako papasok, sayang din naman sa oras at pamasahe kung lilipad pa ako papuntang BED mag-isa...

...Pagdating sa loob, kamalas-malasang walang tao. Sabi ko sa sarili ko, mukhang sayang ang binayad ko sa entrance. Pero dahil maaga pa naman, umasa na lang akong dadagsa ang mga bading bandang alas dos. Kaya hayun, paikot-ikot ako habang may dala-dalang beer. Ilang stick rin ang naubos ko sa labas para lang ipakita sa iba na hindi problema sa akin ang mag-solo.

Hindi nga ako nagkamali, pagdating ng 1:30, jampack na kaagad ang dancefloor...

---


...Sa totoo lang, mas at home talaga ako sa crowd ng BED. Masyado kasi itong loose hindi katulad sa Government na halatang magkakakilala ang mga tao. Medyo familiar rin naman kasi ako sa BED, kaya kahit na mag-isa ako, meron at merong makaka-recognize sa akin kaya keri lang. Hindi katulad sa Government na magmumukha ka talagang tanga kapag pumunta ka mag-isa. Buti na lang kahapon at sadyang madiskarte lang ako sa pakikipag-usap sa mga tao...

...Isa pa, gaano man ka-buraot ang kaunting crowd sa club na yun tuwing Friday, wala namang tatalo sa track list ng DJ nito...

...Mas appealable kasi sa akin na isayaw ang progressive hard house, kesa sa diva house na siyang palaging staple ng BED...

...Habang humahataw sa gitna ng dancefloor, may napansin akong grupo ng mga PLU na humahataw rin na kagaya ko. Noong una nahihiya pa akong lumapit sa kanila kasi nga mukha akong outcast doon. Ngunit nang mapansin kong high na rin sila dahil sa tribal sounds, tinanong ko yung isa sa mga kasama nila kung parokyano ba sila ng Gov...

...Sabi niya oo daw, at ang introduction na yun ay nauwi sa kwentuhan. Hindi ko namamalayang parte na pala ako ng circle niya. Ang pitcher ng isa ay naging pitcher ko na rin. Kumbaga parang binangka namin yung alak para lang magkaroon ng connection ang bawat isa...

...Mga bandang 2:30 ng madaling araw, patindi na ng patindi ang dance tunes na pinapatugtog ng DJ. Hindi ko alam kung si DJ Bam ba yun, pero talagang astig ang playlist niya. Heto yung mga sounds na naririnig ko sa mga straight bars kung saan mas priority ng mga bisita ang humataw instead na magmaganda at makipagsosyalan sa bar. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tribal mix niya at heavy bass remix ng DJ. Yun kasi ang pinaka-gusto kong ihataw kapag sumasayaw ako...

...Napansin ko rin na ang laging nagbibigay sa akin ng tagay ay medyo cutie pala. Bukod pa dun, nagwawala rin siya sumayaw kagaya ko. Kung titingnan, hindi naman siya kagwapuhan talaga, maganda lang ang tindig niya, chinito at maangas ang mukha. Paunti-unti, pinilit kong lumapit sa kanya pero mukhang hindi niya ako napapansin noon una...

...Talagang focused siya sa kanya pagwawala (at kalasingan) upang mapansin pa na nandun lang ako't nag-iintay sa kanya. Medyo bumagal ang sounds sabay nagyosi ako sa labas. Pagbalik ko wala na rin siya sa dancefloor. Inisip ko kaagad na baka umuwi na siya, makaraan pa ang ilang minuto lumitaw siya galing sa umpukan ng mga lalaki....

Mukha atang nag-CR.

Ngunit hindi gaya noong bago siya umalis, ngayon tumayo na lamang siya sa tabi at nagmamasid. My isang effem na kaibigan ata nila ang lumapit sa kanya para magsayaw pero hindi rin niya ito napansin ng matagalan. Pagkaalis ng kaibigan nilang effem, nakahanap ako ng isang magandang tiyempo...

Kaagad akong lumapit sa kanya upang itanong kung bakit tumigil na siya sa pagsayaw...

...At ang kanyang sinukli sa akin ay ang biglaang pagsubo sa aking bibig ng mentos galing sa kanyang kamay.

---


Noong una pa nga akala ko, ecstasy na ang binigay sa akin eh. Sabagay indi ko pa naman natitikman yun kaya okay rin lang kung parteE nga, at least may bago akong experience...

...Sa totoo, nahiya ako noong sinubo niya sa akin yung kendi. Alam ko namang ka-kagaling ko lang sa pagyoyosi sa labas bago kami magkita, pero malay ko ba kung ang ibig sabihin ba niya noon ay may badbreath ako. Ah basta, hindi ko na lang ininda, ako rin naman ang maapektuhan kapag inisip ko pa yun. Tutal nandoon na naman siya eh, pagkakataon ko yun para maging closeness kami kahit paano...

...Simula noong pagkasubo niya sa akin ng mentos, naging mag-dance partners na kami. Nakakahiya nga noon una kasi bagong salta lang ako. Kumbaga I'm just a nobody, tapos nandun ako't umeeksena basta basta...

...Yung isa nga sa mga ledge dancers na sa tuwing mapapagawi ako doon ay nakikita kong walang pang-itaas ay panay ang bati sa amin. Kesyo were cool daw and we seem to be haing a lot of fun. Ewan ko lang kung ano ang reaction ng iba, basta para sa akin, moment ko yun na hindi ko nagawa sa lalaking nakasayaw ko bago siya...

...At gaya ng last time, no kissing and touching ulit. Siguro close contact dancing maari pa pero hanggang doon lang, kapag kasi straight acting ang kasayaw mo, mahirap mag-assume na gusto niya ang madikitang sayaw. Bandang huli siya na rin ang napagod habang panipis ng panipis ang tao sa floor. Sabagay, alas tres na ng madaling araw nagpasiya na rin akong umuwi.

---

Pero bago ako tuluyang sumibat, hinanap ko muna ang nakapartner ko at mga barkada niya para makapag-paalam ako ng maayos. Tutal, malaking ego boost rin naman na pinili niya akong maging kasayaw sa halip na yung iba na higit pang may itsura at katawan sa akin...

...Matapos ang panandaliang paghahanap, nakita ko siya nakatayo sa may hagdanan, halatang balisa at pagod. At dahil medyo naging close na rin kami dahil sa pagiging dance partners namin, niyakap ko siya ng mahigpit bilang tanda na aking pagpapasalamat at pagpapaalam.
Habang niyayakap niya ako, bumulong siya sa akin...

"Where do u stay?" tanong niya,

"Somewhere in Manila... why?" tugon ko.

"Wanna cum in my place?" Hirit niya.

"Im sorry, didnt understand it bro?" Tanong ko sa kanya muli.

"I said, do you want to come over to my place?" Na sinabi niya ng medyo malakas, mukhang narinig pa ata ito ng mga katabi namin.

Patay tayo jan... yun ang isinisigaw ng damdamin ko matapos niyang i-extend ang imbitasyon niya sa akin.

---

"Where?"

Ang biglang namutawi sa bibig ko.

No comments: