Mabasa mo man ito, at least alam mong sobrang nag-enjoy ako na nakasama ka...
---
Minsan ay naitatanong ko sa aking sarili, paano ba ang tunay na makaramdam? Madalas kasi'y pawang mekanikal o kaya naman ay artipisyal lamang ang nararamdaman ko sa pag-ibig. Yun ba yung tipong kaya lang ako naghahanap o nag-aalala sa isang tao ay dahil nakasanayan na. Matagal-tagal na rin akong nakaramdam na buo talaga sa aking sarili. Kung kailan man ang huling araw na iyon ay hindi ko na matandaan.
Paano mo masasabi ang pakiramdam sa isang taong hindi mo naman lubos na kilala, ngunit sa lakas ng hatak nito sa iyo'y kaya niya ikaw pabangunin ng umaga, samahan siya sa kanyang mga lakad, kalimutan ang iyong planong pumunta sa gym at sabayan siya sa pag-uwi hanggang makasakay ng sasakyan pauwi sa kanyang bayan?
Paano mo maipapaliwanag ang pag-aalala na habang ikaw ay nakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan, ang isip mo'y nakatuon sa kanya. Sabi mo sa iyong sarili, natatakot ka kasi na makatulog siya sa sasakyan at makarating kung saan... ngunit sa totoo'y, natutuwa ka lang sa tuwing tinatawag ka niyang pusa.
Ito ba'y pawang pakisamang kaibigan lamang sa aking bahagi?
Sa totoo'y hindi ko alam...
Matutulog akong nakasiwang ang bintana ng aking puso, hindi upang lantarang maghanap ng bago,
ngunit upang ipaalala sa sarili na gaano ko man sabihin na ako'y bato na. Mayroong mga pagkakataon na ang damdamin ko'y hindi nanlilinlang ng iba.
Matutulog akong may tama ng alak at malambot ang puso,
upang sa aking pagkagising at ito'y maging bato muli,
matatandaan ko na sa isang buong araw na dumaan, nakaramdam ako ng tunay na kaligayahan sa piling ng iba.
------

And we shall resume what he had left. So that when the right and deserving one comes, you will be delivered in the most perfect state you have ever been.
I will be at your side in times of troubles and confusions.
I will become your new companion..

No comments:
Post a Comment