Friday, July 30, 2010

Lest We Forget






Kung tutuusin ay sabit lang naman ako sa unang pagtatagpo ng mga Engkanto. Hindi ko pa close si Papa P at si Papa Tagay naman ay walang pakielam sumipot man ako o hindi. Tanging si Fox lang talaga ang nag-insist na ako ay sumama kasi kahit siya ang pinuno ng thread, hindi rin siya sanay makipagkita sa malaking grupo.

Galante ang nagtawag ng meet-up. Palibhasa ay OFW kaya kung maglabas ng pera ay parang wala ng wakas. Wantusawa ang mga bucket ng San Mig Light na dumarating sa amin. Ang pulutan, miski hindi ko man gaano natikman dahil sa hiya ay talagang umaapaw sa table. Hindi ako mahilig sa Comedy Bar, lalo pa't sa Clownz idinaos ang grand eye ball. Pero special ang gabing iyon. Guest performer si Allan K at mukhang anniversary yata ng branch kaya star-studded ang line-up ng mga comedians.

Nagpakita ako hindi lang dahil gusto ko makita ang mga tao sa thread. Actually na-cucurious ako kung mas pilyo ba si Papa P kesa kay Papa Tagay na alam kong manyak na. Seriously, yun ang mga panahong naghahanap ako ng panakip butas sa nalulusaw kong relasyon. Sa halip na manggatong ng malilibog sa G4M, naghanap ako ng mga tropang masasandalan.

At hindi ganoon kadali ang naging paglalakbay ng mga lamang lupa.

Laging usap-usapan na may isa pang member na imbitado sa GEB. Pangalan niya ay Alvin Fairview na minsang naka-eyeball ko na bago ko pa kinita ang Pinuno. Sabi ni Papa P na na-inlove daw ito kay Papa Tagay at kaya lang nagpakita ay para mag-walk out nang dumating ang aming maharot na kaibigan. Hindi ko alam ang buong kuwento. Sabi ko nga, medyo out of place ako nang unang magpakita sa mga engkanto. Bukod kasi sa kakisigan ng mga binata, pakiramdam ko rin na ako ang nahuhuli sa merkado.




"Alam mo kasing taba kita noon bago ako mag-diet." Hindi ko na matandaan ang eksakto niyang sinabi, pero nakabond ko ang host kahit paano.

"Talaga? Tingin mo papayat pa ako?" Siyempre, kakasimula ko pa lang magbuhat noon. Malay ko bang ilang taon lang at hahabol rin ako.

"Oo naman no! Tara inom ka pa." In fairness, hirap maka-alala ng nakaraan ha! Basta alam ko nag-enjoy ako noong gabing yun. Sobrang enjoy, na-blog ko pa siya para ikuwento sa isa ko pang ka-tropa na nasa abroad.

Tatlong taon ang lumipas.

Noong ika-unang taon ay wala talagang mga engkanto. Sa halip ay may Orbiter at Caretaker, at yung natitirang mga pilyo ang higit na nagkadikit-dikit dahil sila rin ang mga magbabarkada sa thread. Pero marunong talaga ang tadhana. Hindi ko alam kung sadya ang mga pangyayari, pero hindi rin nawala ang pagkakaugnay-ugnay naming lima.

Kung hindi iniwan si Papa P ng dati niyang ka-partner, hindi niya magiging kadikit si Papa Tagay na siyang umalalay sa kanya hanggang maka-recover. Kung hindi magkainuman si Papa Tagay at si Fox na magkapitbahay rin sa Novaliches, wala akong contact sa dalawang pilyo ng barkada.

At kung hindi mag bestprend si Papa P at ang host ng unang inuman na madalas tumawag sa akin ng "sis" sa blog at "adikk" naman sa blog ng iba, ang lima ay hindi mabubuong muli. No wonder, importanteng araw ang anniversary para sa grupo.

Sa dinami daming kadramahan sa buhay naming lahat, heto't magkakasama pa rin kami't patuloy na nagiging dikit sa isa't isa.

The post is not about how we started, or how a divided group became united. Kanina, habang nagsesenti sa training ay naisip ko lang. Magcecelebrate kami ng wala ang isa sa mga original five. Pero kung hindi dahil sa orig na yun, na naglakas loob makipagkita sa aming lahat kahit sobrang pa-discreet si Papa P at may nag-walk out naman kay Papa Tagay na never na namin nakita muli, walang inumang magaganap bukas.

Paano ba yan Papa Marhk, ikaw na lang ang hindi ko nablo-blog sa apat. Wala ka man sa Music21 pero ikaw ang tagay ko sa inuman.




12 comments:

MaginoongBulakenyo said...

iyan ang samahang walang iwanan...kampay! para sa inyong barkadahan.

RainDarwin said...

naisip ko nga. Dahil kay Papa Mahrk (santino) kaya nabuo ang grupo. Every anniversary wala sya. Kakalungkot.

Thanks for making us special papa joms. labyu. tsup.

fox said...

yeah! i've recognized the fact na kung di dahil kay papa marhk (santino) eh walang barakadahang engkantadiya ang mabubuo. In the first place siya ang nag aya ng small GEB natin last 3 years ago.. thanks to papa marhk.. we love you!!

Alter said...

we all treasure successful human connections.

cheers to your band of brothers.

Canonista said...

Cheers to friendship!

Sa isang GEB ko rin nakilala ang dalawang baklang sobrang malapit sa aking puso. 10 taon na rin ang nakalipas simula ng makilala ko sila, Nakilala ko sila sa isang MIRC room na hindi pa kasikatan noon na ngayon ay sikt na sikat na. Marami rin kami noon, ngunit kaming tatlo lang ang talagang may matatag na pinagsamahan at hanggang ngayon at magkakaibigan pa rin. May mga panahong hindi kami nagkakasamang tatlo, pero, andun pa rin ang tapat naming pagiging magkakaibigan.

casado said...

ang tanong.....

nag orgy na ba ang mga engkantos? bwahahhahahaa joke!

happy anniversary mga tsong!:P

Désolé Boy said...

pwedeng pwedeng TVC ng beer.

"samahang walang kapantay. pagkakaibigang tunay."

happy anniv! =)

~Carrie~ said...

Tsk tsk, soltero, kelangan may sleazy angle? Lol

Cheers to your brotherhood!

Anonymous said...

Sis!!

Grabeh yang memory mo ha? almost exact word by word talaga hahaha
pero tama ka yan ang exact conversation nating dalawa nun hehehe

I felt sad kada mag anniversary taon palagi na wala ako sa Pinas, hirap kasi ng work ko na maging " International Pokpok" hehehehe

HAPPY ANNIVERSARY ENGKANTANDIA!!

@Pilyo: nice superfriend mwahugsss!

@Fox: Lab u tooo! pero ikaw pa din ang ng iisang Dyosa sis!

Tandaan malayo man ako di man ako nagpaparamdam minsan, ang ibang kaibigan dumadating, nawawala, ang karelasyon nakikipag break.... pero kayong lahat nakatatak na sa puso at pagkatao ko!....lam nyo na strict ang parents ko kung pinapayagan lng ako every night na lumabas pag nan dyan ako sa Pinas magsasawa kayo araw araw tayong nsa galaaan galore!

hahaha!

xoxo

P.S. busy ang sisterets nyo kasi may karir at bagong papa! hahaha jowk, jowk, jowk!....(maniwala adikk)

Anonymous said...

Sis!.. landi mode muna...mukhang gwapo si " SOLTERO" I recruit mo sisteret...gow gow gow now na. plssss! Bhwahahaha

xoxo

Jake said...

Happy anniversary! Napa-tumbling naman ako sa question ni Soltero haha!

RainDarwin said...

Ganun soltero? manyakan na ang labanan?

HALIKA DITO, TAYO MUNA ANG MAGTIKIMAN !

(hindi yan choz)


hahahahahaha.


(PS. In fairview magkahawig si papa mahrk at soltero. Bagay sila, parang silang twin na incest! hahahaha)