It is an open secret na buhay senyorito ako sa bahay. Madalas ay darating ako galing work na nakahanda na ang dinner sa table. Nagpapagising rin ako sa maid tuwing umaga para hindi ma-late sa trabaho. This is life in the homeworld, kaya naman hindi namin maiwasan mag-freak out kapag nagbabanta lumayas either yung maid o kaya naman ay yung lesbian driver.
After Basyang ay biglang nag-jam yung lock ng doorknob ko. It means kapag nasaraduhan ako ng pinto ay hindi ako makakapasok sa loob ng kuwarto. Mangyari kasi ay naiwala ko yung nag-iisang susi nito months ago. Kaya naman nagsumbong ako kay mommy tungkol sa nangyari. Ang butihing ina ko naman ay kaagad-agad kumilos. Pagdating ko sa bahay nitong gabi ay may bagong doorknob na sa sala.
"Bukas hahanap tayo ng karpintero para ma-install na yan sa pintuan mo." Napaisip ako bigla. Teka, yun rin ang sabi niya last time na sinabi kong babagsak na ang kisame sa room ko ah!
Hindi na ako nagdalawang-isip after nun. Sa halip ay nagvolunteer akong magkabit ng doorknob kahit wala akong idea paano ito gawin. Basta natatandaan ko lang si Dencio (Cio) at ang kanyang pastime sa kanilang bahay. Hindi ako mahilig magkumpuni ng mga sirang gamit pero naawa talaga ako sa mom ko. Ayaw ko na siya gumastos para sa pagawa ng isang bagay na kaya ko naman gawin.
That was it. Matapos kong makuha ang go signal para magpalit ng doorknob ng sarili kong pinto ay dali-dali akong nagtungo sa aking kuwarto.
Kung dati rati ay nasa closet ang kabaklaan ko, ngayon naman ay ang pagka-barako ko ang nakatago rito. Ang alam ko lang ay may tool-kit sa room na never ko pa yata nagamit. Kaya naman laking pasalamat ko nang madiskubre na kumpleto pala ito sa mga tools na kailangan kahit Philips Screwdriver at Pliers lang ang alam ko. As to how I would use them to disassemble the old door knob ay malalaman natin sa susunod na picture.
As in wala talaga akong tiyaga magbutingting ng mga sirang gamit kaya naman winakwak ko ang lumang doorknob. Puta, matapos kong ma-disassemble ang mga bahagi nito ay saka ko lang narealize na puwede pala akong ma-aksidente. I mean, saan ka nakakita, yung Pliers ay ginawang can opener samantalang yung screw driver naman ay... nevermind, maswerte lang talaga na hindi dumulas yung kamay ko habang inuuka ko yung isang bahagi ng lever. Kung hindi ay nagkaroon ako ng stab wounds ng wala sa oras.
Matapos ang higit isang oras na walang sawang ukaan, sundutan at wakwakan ng kinakalawang na bakal ay na-disassemble ko rin ang door knob. Malay ko bang may sinusundot lang pala sa ilalim ng lever para mag-disconnect yung latch. Lol. Anyway, masuwerte lang talaga na walang nangyaring aksidente.
Installing the new doorknob is a totally different matter. Akala ko ay madali lang sundan yung step by step instruction sa paper manual. Maling akala pala! Pero laking pagtataka ko nang hindi mag-lock ang pinto. Makailang beses kong dinis-assemble ang bagong doorknob pero wala rin success. Inisip ko na baka may problema sa strike, subalit pag nagkataon ay mapipilitan talaga kami tumawag ng karpintero, which is unacceptable. Malapit na matapos eh. Last resort: Tawagin si Lesbian Driver. Mukhang kailangan ko ng assistant para ma-resolve ang problema.
In the end, baliktad lang pala ang pagkaka-kabit ng latch kaya ayaw mag lock. Maluwag rin yung pagkakalagay ng mga screw kaya wobbly yung bagong doorknob. Isang oras rin mahigit bago ko na-figure out ang problema. Buti na lang at hapon pa ang pasok ko sa work the following day.
So the new doorknob has been installed. Hindi na basta basta makakapasok si utol sa room ko. Assured na rin ang privacy ko lalo na pag kailangan magparaos sa harap ng computer.
O kaya naman ay may bagong "bisita" na "makiki-sleep over."
At sa kung inaakala natin ay natapos itong do-it-yourself project na walang daplis sa balat, think again.
Lahat ng first time ay may katumbas na injury sa katawan.
21 comments:
Naks!!Cool!Pwede na mag asawa :) Hehehe
AWW, isa lang ang napansin ko kuya
pareho pala tayo ng kulay ng pintura sa kuwarto!
nakakatuwa, naging succesful yung attempt mo na mapalitan yung door knob..considering mahirap gawin yan kuya! (at napatunayan ko yan nang may nangyaring nakawan sa boarding house namin at may nagtangkang sirain yung double lock sa kuwarto ko)
galing:)
Heyoshua:
Haha, naghahanap kamo ng aasawahin. Lolz.
Thanks for dropping by dude!
Erick:
Walang choice eh. Ayaw kong gumastos na naman kami sa pagpapaayos. :)
ahahhaha..e sobra dali magpalit nyan nakupo! and yes, nagpapalit ako ng doorknob ahahhaha :P
privacy protected? sensed a feeling of insecurity in this post, babe. hang in there. so many really cares for you.
i understand this won't make much sense but, your hand is pretty.
told ya.
Ang galing! Buti may maipagmamalaki ka sa home economics. :-) hehe
tanong lang, bakit asa toolkit un baby oil? hehehe
gusto ko sagutin si andrew....
lubricant! :p
papa joms, pati sirang kisame, tirahin mo na rin.
ito ng post mong pinaka-nosebleed hahahahah.
Pilyo:
Papa Rain naman, level up na masyado yun! Kelangan ko pa matuto umakyat ng bubungan. Last time I know, lampataba ako. Hehehe.
Pipo:
Tama! Pero pang-inorganic lubrication lang yun ha! Iba pa yung para sa organic.
Andrew:
Observant!! Welcome to my blog!
Carrie:
Yun ang subject na pinaka-ayaw ko sa school. Unless Gardening o kaya Cooking yung gagawin namin. Hahaha!
Alterjon:
Wait till you see my hand after a heavy work out. :P
Blagadag:
Haha, insecure yeah. Baka mabisto sa mga pinagagagawa sa room po eh. Lolz. Seriously, I'm doing fine mommy. Thanks for worrying!
Soltero:
Pasensya na papa hoots! Bopols talaga ako sa gawaing bahay eh.
I used to pick locks and doors when I was younger for fun. I discovered how to dismantle a door (the whole door) and a doorknob when I was in high school. I got locked in my own room. I am that much of a geek. I would tinker with the most trivial of things at home.
I've been electrocuted thrice when I was a kid. I tried putting a knife, a pair of tweezers, and a fork into the convenience outlet (socket). I was thinking, is there a difference on the level of electrocution depending on what you electrocute yourself with? Apparently the tweezers work best.
Years later, I learned its because the chemical valence (of the metal in the tweezers) provides for better conduction.
so ganyan pala magpalit ng door knob ang bakla? (taas-kilay ever!)
bwahaha, joke lang, fafa. mwah!
Red:
I wish I have your patience to tinker broken things. Unfortunately I don't. Like the favorite aunt, I throw away objects that have already served its purpose.
I've always been a theoretical person. I let others do the practical application. However this time, roles have changed. Application precedes theories and this is the result.
John Stan:
Puwersahan ate eh! Kumakain ako ng bakal linggo linggo tapos magpalit lang ng door knob, wiz ko pa magawa. Lol.
you have beautiful hands.
nakakarelate ako...hayy buhay senyorito nga naman...
ayun lang..ang galeng ng mga kamay mo, hehe
ooh, good with tools. nice. =P
ang alam ko kasi ibang doorknob ang expert kang kumalikot hehehe...peace tayo.
asus... sana you texted me... ang dali lang mag kabit niyang doorknob na yan eh.. libre pa walang bayad..
Post a Comment