Friday, August 27, 2010

Kutong Lupa (First Part)






Nakatayo ang binata sa labas ng Chowking na akala mo'y callboy na naghahanap ng booking. Suot niya'y stripes na polo, shorts na batik-batik at tsinelas na gawa sa goma. Ang aming pagkikita ay biglaan. Pasado alas-diyes ng gabi nang sabihan ako ng pinuno na problemado ang bunso at naghahanap ng kainuman. Gusto niya sanang lumuwas galing Novaliches, subalit dala ng masungit na panahon, pinakiusapan niya akong samahan ang lagi naming nakakainumang kutong lupa.

Mga dalawang taon na ang lumipas mula ng ipakilala siya sa barkada. Sabi ng marami na hawig niya si Piolo Pascual kaya't lahat ay kaagad nahumaling sa kanya. Nang magpakita ito sa inuman ay hindi kami nagpansinang dalawa. Marahil ay dala ito ng pagkakailangan, pero sadya ko talaga ang maging suplado sapagkat nayayabangan ako sa kanyang asta. Bukod pa rito, madali ko ring nakagaanan ng loob ang kanyang kasabayan na ngayon ay nagtratrabaho sa Singapore na.

Dumaan ang ilang buwan at napabalitang nakarelasyon nitong si Piolo ang isang ka-miyembro na alamat na sa barkada. Naging usap-usapan rin ang pagsama nito kung kani-kanino na binigyang kulay ng ilan na pawang kilos hindi kaaya-aya. At dahil ilang kami sa isa't isa habang unti-unti namang humihina ang kapit niya sa grupo (kabangga niya rin kasi ang ibang mga batang recruit na mas malapit sa puso ng mga lamang lupa) dumating ang araw na siya ay nilaglag ng pinuno.

Ilang buwan siyang nagpalipat lipat ng sinasamahan. Sa mga clans na kanyang nakasalamuha, kadalasan ay katawan at hitsura ang habol sa kanya. Ang iba naman ay sinamantala ang kanyang mabuting pakikisama. Lamang tiyan ang naging tingin sa kanya. At dahil nasawa siya sa ganitong kalakaran, muli siyang lumapit sa pinuno upang ibalik sa grupo. Madaling naawa ang pinuno lalo pa't nawala na rin naman ang mga batang may ayaw sa kanya.

Sa madaling sabi ay muli siyang tinanggap ng mga engkanto.

Naalala ko, nagpakain si Papa Pilyo noong kanyang graduation. Celebration daw yun dahil nakatapos siya ng pag-aaral. Ang hindi alam ng nagsidatingan ay yun ang unang pagkakataon na sabay sabay naghapunan ang barkada. Muli siyang napalapit sa mga tao. Ang ilan, gaya ni PGR ay lihim na umibig sa kanya.

Subalit marunong na ang kutong lupa. Alam niya na hindi maaring magsama ang karir at barkada. Maari siyang lumandi, subalit ang limitasyon ay malinaw na sa kanya. Dahil dito'y higit siyang hinangaan ng mga binata. Tampulan man siya ng tuksuhan ngunit alam ng lahat na kulang ang sigla kung wala siya sa inuman.

Maharot, Makulit, Batang Jollibee, Mahilig sa Bottomless Iced Tea. Ilan lamang ito sa bansag sa aming bunsong kutong lupa. Ipain man namin siya sa lahat ng lalaking naliligaw sa grupo, sa hirap at ginhawa, barkada ang aagapay sa kanya.


Dumating ang Nestea Ice Tea (maya kwento ni Bianca kung bakit Nestea Ice Tea and kanyang pangalan)... medyo nabuhayan ng konti.. siyempre.. makulit itong si Nestea Ice tea kaya pampadagdag ng sigla sa tagayan.. Pero teka parang may hinahanap itong si Nestea Ice Tea? Hinahanap niya si Procopio.. naghanda pa man din si Nestea Ice Tea .. nag short pants ito para kapag nahimasan sila ng hita ni Procopio ay hindi siya lugi. Ayun kay Bianca at nag enjoy yata itong si Nestea Ice Tea sa himasan nila ng hita ni Procopio. Pero sa kasamaang palad ay wala si Procopio nung gabing iyon. Kasama daw ang kanyang jowa na nagcecelebrate ng kaarawan. (biglang bumulong itong si Bianca. May pabirthday sex daw kasi ang jowa kaya di makakarating si Procopio! hahaha)


Nestea Iced Tea Ibottomless ang Saya!
Engkanto Blog,
May 11, 2010




"Mugs... mukhang may problem si Nestea... kausapin mo nga.. gusto yata ng company tonight.. di na ako pwede umalis ng bahay." Ang eksaktong text sa akin ng pinuno.

Katatapos ko lang maghilamos at magsipilyo ng ngipin nang maisip kong may kapalpakan nga pala akong ginawa sa trabaho.

Kaya't dali dali akong nagbihis at nagpaalam sa bahay para sa isang meeting sa opisina na ang conference room ay matatagpuan sa Cubao.





-tobecontinued-