Sunday, August 22, 2010

Mabuhay, Welcome






Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalawang magpinsang lalaki na minsang nahilig sa Miss Universe Beauty Pageant. Ito ay bahagi ng kanilang kabataan na nagkaroon ng impluwensya sa kanilang paglaki at pagsibol ng sariling pag-iisip. Limot man sa alaala ang marami sa mga detalye ng patimpalak, nandito pa rin ang beauty contest na magpapaalala kung paano nagsanga ang kanilang mga buhay.

It was the year 1994. The government was in dire need to promote the country to the rest of the world. Kung sino man ang naka-isip na i-hold dito sa Manila ang Miss Universe ay tiyak na umani ng maraming puna lalo na sa mga naniniwalang mas makabubuting ginastos ang pera sa pagbibigay tulong sa mahirap sa halip na ginamit sa paghohost ng pageant. Subalit mapilit ang gobyerno. Long-term investment daw ito para sa bayan. Dahil hawak ng Kapamilya Network ang promotions at PR ng nasabing beauty contest, inabangan ito ng sambayanan.

Hindi ko alam kung ano ang nais i-prove ng magpinsang magkatunggali. Ang isa ay rich kid samantalang sidekick naman niya ang isa. Puwede rin sabihing sagigilid, kung papansining mabuti ang income disparity ng pamilya ng dalawa. Just the same, maaring nagkahawaan lang sila ng hilig na lalong ginatungan ng isa pang pinsan na kabilang sa mga batang kakanta sa evening gown competition. In the spirit of common bonds, pareho nilang inabangan ang coronation night.

Matatandaan na puspusan ang pagbui-build up ng ABS-CBN sa Miss Universe. Bukod sa mga trivia katulad ng:

  • Winning answer ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz tungkol sa how she will welcome the astronauts should they land the lunar module in her country upon their return. (Bronxdude alam mo ito!)

  • Pinoy pala ang naging asawa ng kauna-unahang Miss Universe title holder noong 1952

  • Tagalog ang salitang ginamit ni Miss Universe 1973 Margarita Moran nang ito ay nag-introduce ng sarili.

Mayroon ring mga palabas kung saan binahagi ng ibang Miss Philippines Representatives ang kanilang karanasan sa mga nakaraang Miss Universe pageant. Naroon ang isang nakasaksi ng catfight sa pagitan ng dalawang contestants. Ang isa naman ay harapang pinagsabihan ng organizer na huwag maging masiba sa salad. Ang karamihan naman lalo na ang mga naunang representatives ay pahirapan ang pagpapaalam sa konserbatibong pamilya bago ipadala sa competition. Mahilig magpuyat ang isa sa magpinsan at dahil ang mga news and information programs ay pinapalabas pagkatapos ng the World Tonight. Lahat ng trivia tungkol sa beauty contest ay na-absorb ng kanyang musmos na utak.

Subalit hindi nagpatalo ang kanyang contender. Dala ng karangyaan at sa tulong ng tiyahing nagtratrabaho sa Tourism Department, tatlong malalaking photo album na puno ng litrato ng Miss Universe 1994 Representatives ang napasakanya. In full support rin ang kanyang ina na sadyang ginastusan ang hilig ng kanyang unico hijo. (Sabagay, sino ba namang nanay ang hindi magiging proud na may taste na ang kanyang anak pagdating sa babae sa murang edad na sampu) Walang nagawa ang karibal na pinsan kundi mamangha, at kahit na nagtratrabaho sa Remate ang kanyang tatay bilang editor, hinala nito na napunta rin sa kanyang pinsan ang litratong pinapadala sa kanyang ama.

Naalala ko na crowd favorite si Miss Belgium noon. Bukod kasi sa mala-anghel nitong mukha ay natural na mahilig sa puti ang mga Pilipino. Nauso rin ang pair-up ng mga artista sa contestants (Van Aimeren - Alcasid, Torres - Mulach) pero nalaman rin natin na kung gaano kababaw ang showbiz, ganoon rin kababaw ang kanilang pag-iibigan.

The coronation night was a celebrated event. Sixteen years later ay nasa pandinig ko pa rin ang opening song ng Miss Universe. As expected ay nakapasok si Charlene Gonzales sa top 6. Nagpaka-pilosopo pa ito sa tanong na "High Tide or Low Tide" na ang sagot naman ay nakakabobo rin. Disappointed ang lahat nang si Sushmita Sen ang naging Miss Universe. Matatandaan na may isang binatilyo ang ininterview sa TV Patrol at taklesa nitong sinabi na hindi siya payag na mukhang mabantot ang title holder ng pageant. Talk about racial discrimination. Bingo tayo sa mga bumbay kung naimbento na ang YouTube noon.

Looking back, hindi lang ang dalawang magpinsan ang sumubaybay sa pageant of 1994. Tama nga ang gobyerno, long term investment ang desisyon nila na ang Pilipinas ang maghost ng Miss Universe. Sapagkat kung mayroon mang isang dahilan kung bakit laging nananalo sa online voting ang Miss Philippines, at nakikipagtarayan (sa facebook) ang mga tao sa tuwing inaalipusta ang kanilang kandidato sa Miss U ngayon, we could always trace the reason as to how it all began.

Hindi na muling naulit ang kumpetisyon sa pagitan ng magpinsan. Hindi na rin sila nag-usap tungkol sa Miss Universe pagkatapos noon. Matapos ang mahabang panahon, ang isa sa kanila ay tuluyan ng nangibang-bakod. Hindi man siya naging beauconera (nung last time na pinilit siya ni Bronxdude manood ng reruns ng Miss U sa DVD ay mas pinili nitong hanapan ng ka-eyeball ang isa pang kaibigan sa Planet Romeo) ay naging expert naman ito sa pagpapaligaya ng kapwa lalaki.

Samantalang ang kanyang katunggaling pinsan, bagama't nasa choir, hindi pa nagkaka - girl friend at napapabalitang nahihilig sa Glee the Musical ay naninindigan pa ring

straight.



Here in the Philippines, they have a word.
A great way to start up each day,
When you want to say “Welcome, we wish you the best”:
Just smile up a smile as you say,
Oh, oh, Mabuhay!





15 comments:

Bronxdude said...

hahahaha! I love it! I can remember 1994. And how beautiful/energetic the opening number was. I got 7 out of the actual top 10. LOL.

Nacheck mo na ba yung isang reply ko sa isang entry kuya? At kailangan ko na rin maghanap ng magpapaligaya sakin! Hahahhahha!

Mugen said...

Bronxdude:

Oo naman. Yun nga dapat irerepost ko eh. Yung trivia mo, pero for sure, mababasa rin ng mga readers yun. Hahaha!

Sana maging title holder si Venus Raj. Layo pala ng paglalakbay niya para makapagcompete sa Miss U.

Yj said...

hay kuya Joms.... that day was one of the most beautiful days of my young life in pink...

for the whole year, sa mga miss gay piso namin ng mga friends ko, lagi akong miss Venezuela Minorca Mercado, deadma na niligwak ni Sushmita, pretty-preety-han naman hahahahaha

Bronxdude said...

eto na lang trivia kuya. 1994 was the 1st time na gumamit ng screen to serve as a backdrop of the contestants during the pageant. :D tapos nag-evolve na rin ito. Naging LCD, hanggang sa gigantic screen na to this day. Kasi nung 1994, hindi pumasa sa committee ang then-bulok na araneta coliseum, kaya nakuntento sila sa maliit na PICC. At 7 rows ng seats ang binaklas para maconstruct ito. LOL


Honga, sana manalo si Venus. Am on leave pa naman. Para hindi sayang. hahaha! nasa FB ko yung video ng opening number rehearsals (which im sure you'll like), saka yung oerformance ni venus

Désolé Boy said...

ba't wala akong mahalungkat sa memory box ko 'bout the ms. universe na dito ginanap...hehe

ay naku kuya joms..pakilala mo na sa 'kin yang cuz mo para "magkagirlfriend" na sya [at ako naman eh finally magkaboyfriend na din] haha

casado said...

ay ano yang Miss U! di ko trip yan! bwahahhahaha ( kaya pla nagpost lol) :P

Anonymous said...

1994 ba sumikat ang "what is the essence of being a woman"?

bien said...

College nako nun, nanood kami ng pinsan ko ng parade of beauties sa Araneta Center, yes live in their respective floats
And since kwentong magpinsan naman to, minsan na rin kaming nagkatikiman ni pinsan pero ngayon may asawa na sya, foreigner pa.

demonyito said...

@ orally - bwahahha bwiset ka incest naman ung pinasok mo d2 LOL

Ronnie said...

HAHAHAHAHA. Tibay ng paninindigan ng 'katunggaling pinsan'. Lol.

And yeah, naalala ko nga din favorite ng mga pinoy si Belgium nung 1994 but failed to crack the semis.

Mugen said...

Ronnie:

Matibay talaga at mukhang siya yata ang nanalo sa paligsahan ng dalawang magpinsan.

Orally:

Uy ikuwento kung anong nangyari! hehehe.

John Stan:

Si Bronxdude o kaya si Mel Beckham ang makakasagot niyan. Nasaan na ba sila?

Mugen said...

Soltero:

Badtrip yung isa diyan. Kaya nga ako nagkuwento tungkol sa Miss U kasi nagshare rin siya. Yun pala buburahin rin pagkatapos. Hmpft.

Desole Boy:

Hindi mo lang naoopen kaya ganun. Pero tiyak yan, nakatago sa baul ng iyong pagkanining. Lolz.

Mugen said...

YJ:

Ang ironic naman. Samantalang ngayon eh Indian ang alternick mo sa email. Hahaha!

Bronxdude:

Lintek na trivia yan. Tiyak na top contender ka may isang bading na blogger ang nagpa-quiz dito tungkol sa Miss U. Lol.

Thanks thanks!

Bronxdude said...

[b]Kuya joms at john stan[/b] - oo yan yung final question that year. at dahil super witty ni charlene gonzales, mas sumikat yung "high tide or low tide?"

At dahil sa sobrang talino ni Sushmita Sen at ni Aishwarya Rai, twice silang nag tie-breaker sa Miss India pageant. Ang result? Parehong winner!

Soul Yaoi said...

dont love miss universe but i do like it.