Wednesday, December 29, 2010

Alvin_Fairview





Natural na sa paglalakbay ng isang grupo ay may nawawala at kusang nalalaglag. May mga miyembrong salungat ang pag-iisip sa iisang diwa ng barkada kaya't sila ay naiiwan, at sa bandang huli ay nakakalimutan. May mga kumakapit, at sa kabila ng hindi pagiging talagang dikit ay patuloy na nakikisama. Kanya-kanyang diskarte sa iisang bangka, ang mahalaga ay buo at matatag ang haligi ng tropa.

Muli ay nais kong balikan ang nakaraan at silipin ang simula ng Engkantadiya. Ito ay para sa mga miyembrong sinadyang magpalaglag sa kabila ng pintuang nakapinid at madali sanang pasukan. Sa mga pagkakataong sumasagi sa isip ang mga taong bumitaw at nabitawan ay hindi ko maiwasan ang mapaisip: marahil ay sadyang nagkakakilala ang mga taong tinakda sa bawat isa.

Gaya na lang ng alamat ni Alvin_Fairview na hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa tagayan. Sa mga kutong lupa at bagong mga miyembro, si Alvin_Fairview ang isa sa pinakaunang pangalang lumutang nang si Papa Tagay, Papa Markh, Papa Pilyo at Bloigg ay mga online profiles pa lang. Kung gaano kapilyo at kaharot ang mga binata sa blog ngayon ay masasabing doble pa noon. Sila ang mga powerhouse sa thread ng Walang Mukha. Kasama si Binata at BloodCherry, riot kapag nagpapang-abot ang mga ito.

Ayon sa kuwento, dumating ang panahon na nagsawa ang mga binata sa kakaharot sa isa't isa. Sa wakas ay natapos rin ang mga nakakatigas-burat na pagpapalitan ng  mga post sa  thread. Limot na sa ala-ala kung sino ang talagang nagtawag ng eyeball. Ang alam ko lang, naroon at nagpakita si Papa Tagay, Alvin_Fairview at si Bloigg. Bali-balitang nag-threesome daw ang tatlo, pero lumabas rin ang tunay na kuwento. Friendly eyeball at tumambay lang sa mall ang nangyari.

Ang pagkikita ay nabahiran rin ng intriga. Isa sa mga dumalo ang nagpost ng picture sa thread na kasama pati ang mukha. Nagwala ang mga discreet dahil bigla silang na-out sa G4M. Sa tulong ni Papa Markh na anonymous pa noon ay nalubog rin ang post.

Masasabing trahedya man ang unang eyeball pero hindi ito naging hadlang upang i-meet si Alvin_Fairview. Pareho kaming walang magawa isang hapon kaya't nagkasundo kaming magkita sa Trinoma. Lakad rito, lakad roon, naging wholesome ang eyeball. Marami ring naikuwento ang binata, karamihan ay limot ko na.

Naikuwento niya na matagal na siyang walang trabaho. Taong bahay siya at bukod sa tigahatid at tigasundo ng mga pamangkin sa school ay babad sa internet. Maputi ang binata, mga 5'6 ang tangkad at may kapayatan. Unlike Papa Tagay at si PGR na talagang lantaran kung magpakita ng  putotoy at katawan, masasabing dinala ng confidence ang online impression ko sa aking ka-meet. Iba pala siya sa personal at kahit ganun ang nangyari ay hindi ako nakaramdam ng disappointment.

At least, nakita ko ang isa sa mga powerhouse ng Walang Mukha.

Dumaan ang ilang linggo at nakatagpo ko rin ang Pinuno. Nasabi niya ang mga kuwentong piniling hindi ibahagi sa akin ni Alvin_Fairview. Sabi niya na nahulog pala ang loob ng binata sa isa sa kanyang mga naka-eyeball. Kaya pala bigla-biglang naging wholesome ito sa thread. Sa kasamaang palad ay hindi siya trip ng ka-eyeball kaya basted ang binata. Nang magkita-kita ang original five sa Araneta isang buwan matapos ang eyeball namin ni Fox, ganito daw ang naging eksena:


Unang dumating sina Papa Markh, Papa Tagay at si Papa Pilyo. Hagikgikan ang tatlo habang si Alvin_Fairview ay nakatayo sa isang sulok.

Nakasimangot.

"Uy kamusta! At last nakita rin kita" Bati ng Diyosa sa kanyang pagdating.

"Kanina pa kita iniintay. Aalis na rin ako kasi OP na ako dito." Sabay walk out ng binata.



Hindi ko na naabutan si Alvin_Fairview. Wala na rin kaming narinig sa kanya hanggang sa lumago ng lumago na lang ang grupo.

Pero kagabi ay may natanggap akong text kay Papa Pilyo.

"Nasa States na pala si Alvin_Fairview nag-email sa akin nakikibalita. Bigay ko ba link ng Engkantadya?"

Pumayag akong ibahagi ang blog.



Si Alvin_Fairview ay matuturing man na kasaysayan subalit ang kanyang legacy ay patuloy na bukambibig ng mga taong kanyang nakasama.

By way of chance and ironic encounters, siya ang tunay na ikalima sa original 5. Kung iisipin, posibleng ang entrance ticket na napunta sa akin ay talagang para sa kanya. Kung hindi sa walk-out dahil sa nabigong pag-ibig ay hindi ako ipapatawag at the last minute.

Wala dapat ako sa Grand Eyeball.

Magprotesta man si Papa Tagay sa pagbuhay ng mga usaping patay na, subalit matapos ang matagumpay na Christmas Party noong nakaraang linggo, tingin ko ay napapanahon na upang balikan ang nakaraan at alalahanin ang mga kasamang dapat sana ay ka-tagay ng tropa.

Naging cameo man ang role ni Alvin_Fairview noong mga araw ko sa G4M, hindi makakailang siya ang  unang eyeball ko sa Walang Mukha Thread. Sa mga panahong naghahanap ako ng sense of belonging, malaking bagay ang kanyang pagpapakita. At kung tama nga ang hinala ko na siya dapat ang nasa spot na aking kinuha, marahil, mas malaki pa ang contribution niya sa paglago ng engkantadya kesa sa aming pagkakaalam.

Hindi man niya matagpuan ang thread at tuluyang maputol man ang aming ugnayan, ang mahalaga ay walang nakakalimot.

Ang kanyang alamat ay habambuhay magiging bahagi ng aming maboteng usapan.




11 comments:

JR said...

Yehey nauna ako magcomment! Pwede ba pumasok sa enkantadya? saglit lang, haharot lang ng konti hahaha! Happy new year sa inyo!

Désolé Boy said...

wala talaga akong tapang pagdating sa mga eyeball. iniisip ko nga na marami na kayang pagkakataon para lumigaya ang pinalampas ko? chos!
.
.
at tama ka. walang masama sa pagbabalik tanaw. basta lang siguro hindi niya matatabunan ang kasalukuyan.
.
.
'pag ready na ko at open pa ang engkantadiya for audition, i'll bring my minus one, bio data and portfolio for go see.
HAPPY NEW YEAR SA 'YO AT SA BUONG ENGKANTADIYA!

Bloiggster said...

naiyak ako.... isang magandang eulogy for alvin! CHOZ!

pang MMK to ha! puede bang mamili kung sino gaganap sa role ko?

Jake said...

At talagang sa ghostly encounters nakahanay ang alamat ni Alvin_Fairview ha.

Maisubmit nga ang application form ko sa Enkantadya at ng makapang-harot din.

Choz!

Happy new year fafa Mugz!

Kiks said...

matalinghaga ang pagkakasulat - parang entry sa isang anthology ng mga real-time horror stories sa pilipinas.

but with a happy ending.

fordat, happy new year, mugen the manginginom. ;-)

Anonymous said...

Ano ba yung engkantadya? nakakacurious ahh

James - M.I. said...

Cheers to Alvin_Fairview. Wherever you are.

*** Nakikisali lng. Di ko naman talaga sya kilala.

Matanong ko lang Mu[g]en, ikaw ba yung ka eye-ball ni Alvin na nagustuhan nya? :)

Anonymous said...

Papa joms, mababasa to ni Alvin_Fairview binigay ko sa kanya ang link.

Bago sya nag-walk-out, may sinabi pa sya... eto yun:

"Ano pang gagawin ko dito.. eh bonded na kayong TATLO !!!"

Sabay walkout!

hahahaha..


(Peace alvin pag nabasa mo to.)

- PILYO

bien said...

CHEERS sa inyong samahan

Niel said...
This comment has been removed by the author.
Niel said...

Comment was deleted as an act of forgetting. :)