Simple lang naman ang paghahanda ng kaarawan sa amin.
Pagsapit ng hatinggabi, lahat ng tao sa bahay ay tatawagin para sa candle blowing. Matapos kumanta ng "Happy Birthday" ang buong pamilya ay kakain ng cake at magka-kanya na ring balik sa mga kuwarto para magpahinga.
Mauuwi akong gising buong gabi upang tapusin ang paglilinis ng kuwarto. Mga bandang alas dos ng madaling araw ay tapos ko na ang dresser o kaya naman ay ang bookcase. Ang mga libro na ginagawa kong pang-display ay napunasan na ng alikabok. Ang mga damit na hindi na sinusuot ay inalis na sa lalagyan para ipamigay kung kanino.
Pasikat na ang araw tuwing natatapos akong maglinis. Pansamantala kong iniiwan ang kuwarto para maligo, habang naka-play sa computer ang kantang "No Ordinary Morning" ni Chicane. Pagbalik ay saka pa lang ako matutulog.
Hapon na kung ako ay magising.
Walang malaking pagkakaiba ang kaarawan ko sa mga ordinaryong leave sa office. I try to make it as normal as possible kahit na binabaha ng birthday greetings ang phone ko. Nakaugalian ko na ang hindi pumasok sa araw na ito dala ng pangambang maudyukan magpakain. Literal na nagdi-disappear ako sa mga tao salamat sa pagiging magulang ko.
Kinsenas. Araw ng suweldo. Panic sa pamimili ng regalo. Ginagawa kong excuse ang kaarawan para punan ang mga pangalan sa gift list ko. Ito lang ang okasyon na hindi ako allergic sa mall. Kapag may natira, at puwede pang gamitin sa sarili, saka pa lang ako bumibili ng gift para sa akin.
Binili ko ngayong taon: Lord of the Rings: Two Towers, Tangga and Chos: Beauty Secret Agents, Temptation Island at Yaiba na mga DVD. Lahat mula sa Quiapo.
Padating ng bahay ay may daratnan akong munting handa sa lamesa. Pinoy Style Spaghetti na maraming cheese. Happy na ako sa munting effort. Solb na ako sa aking birthday.
This has been my celebration ever since. Walang party-party, madalas, nakiki-ride lang ako sa mga Christmas Parties ng iba. Kung hindi dahil sa sobrang thoughtfulness ng mga engkanto na nagtatawag ng inuman, the last time I threw a sort of bash was a decade ago. Gusto kong magpa-impress kaya nanlibre ako ng mga kaklase sa Shakeys.
A lot has changed ever since. Nag-birthday akong humahagulgol sa emergency room (kasi naaksidente yung mom ko), nag-birthday akong tumatakas sa Christmas Party, (kung saan naging successful yung matchmaking ko) Nag-birthday akong naglilinis ng pinagkainan ng mga kasama kong lasing, (at ang sabi ng tsiks ko, bakit daw ako ang nagbibigay ng gifts samantalang ako yung may birthday) Nag-birthday na rin akong lasing. (at sa sobrang badtrip ng parents ko ay pinagbawal ang alcoholic drinks sa loob ng bahay) Nakakahipo na sa kabila ng aking pagiging out-of-touch ay marami pa rin ang hindi nakakalimot.
Remembrances can humble a person.
Fortunes are bound to change. The people you celebrate with may not be there next year. But if there are three things I wish to stay the same, three things that will remain a tradition despite the tide of age, these are:
The candle blowing at twelve midnight. (kahit cupcake man yan o kaya naman cake from Manila Pen)
A blog entry about my coming of age.
A church visit.
Birthdays could mean a lot to everybody - including me. Sabi nila its a celebration of you and your life and the people you care about. This is why we drink, dine-in or throw a party with our loved ones. If my birthdays lack grand celebrations, I make up for its barest essence: If there is a reason I prefer it to be simple and solitary in nature,
Perhaps,
I found joy celebrating it the only way I know.
So that when I get there,I could always look backand gaze at this beautiful planetand brag to myself, in the coldness of space
What a lovely life I've got.
The Moon, the Stars and the SkyFullmetal DreamsDecember 15, 2006
All glory to the Hand who shapes everything.
In the silence of Baaspace
Happy Birthday... Joms.