Saturday, January 13, 2007

The Forum Post That Changed Jomanian Space... Forever


Nagsimula sa ritwal na pagsusunog ng daliri habang pinapatibay ang persona ni Darkstar sa aking sarili upang kalabanin ang tendencies ng pagkabading. Ngunit lahat ng ito ay nabalewala nang nagsimula akong sumimple sa pagbili ng m2m porns sa Quiapo at Carriedo. Nang nakasanayan ang pamimiling ito, unti-unti kong natanggap ang aking bisexuality kahit ako pa ay may girlfriend. Hanggang sa nadiskubre ko ang PEx at isinigaw ko sa buong cyberworld ang aking dual preference. Matapos ang labing limang araw, nakipag eye-ball rin ako sa grupo ng mga effems at lesbians na naging katropa ko sa online forum na iyon, na nauwi naman sa isang torrid kissing scene sa isa sa na meet up ko ilang araw matapos itong makabonding sa eyeball. Dumaan pa ang ilang buwan at nadiskubre ko ang paraan ng paggamit ng gaydar. Naging at home na rin akong tumambay sa Malate ng hindi nagtatakip ng mukha sa tuwing papasok ng Ladida at nagculminate ang lahat nang ma-meet ko ang kauna-unahang lalaking pumasa sa standard ko ng pagiging "discreet" PLU.

And the rest is history.
Five years na pala ang nakakaraan.
parang kailan lang ang lahat.

No comments: