Maulap pa rin ang langit gaya sa mga nakaraang panaginip.
Tila ba ilang sandali na lang ay bubuhos na naman ang isang napakalakas na ulan. Itong ulan, na nagbibigay-buhay sa uhaw na lupa ay siya ring ulan na nagbibigay pangamba sa aking paggising. Tila ba ito'y nagbabadya ng paparating na panganib o kaya nama'y matinding kalungkutan. Makailang beses na ba akong nanaginip na nakasakay sa jeep habang ito'y naglalakbay sa isang madilim at walang katao-taong kalsada? Makailang beses na ba akong inabutan ng ulan sa aking paglalakbay?
Hindi ko na matandaan kung ilan.
Maraming beses na akong humingi ng isang dapithapon - gaya ng mga dati kong panaginip. Madalas ay nakikita ko ang sarili sa isang mataas na lugar at nakamasid sa malayo. Malawak ang aking natatanaw, at itong kalawakan ang siyang nagbibigay sa akin ng magandang gising sa umaga. Subalit ngayon, laging ulan ang bumabati sa aking pagtulog. Maraming beses ko man hanapin kung ano ang nais nitong ipahiwatig, laging ligalig pa rin ang dala nito sa tuwing ako'y nagigising.
Sa pagkakataong ito, nakita ko ang sarili na naglalakad papunta sa isang bangko. Medyo malabo na ang mga pangyayari, subalit sa aking natatandaan, magwiwithdraw dapat ako ng pera upang ipambili ng mga regalo. Makipot ang daan papasok sa ATM booth at naalala ko na bukas ang fluorescent lamp, kahit maliwanag pa rin sa labas ng bangko. Matapos pindutin ang mga numerong magbibigay access sa aking pin, kasunod nito dapat ay pera ang lalabas. Sa aking pagkamangha, isang pirasong lumang papel ang nilabas ng nasabing ATM.
Nakasulat sa isang purple ink ang mga salitang,
Congratulations! You have won Eight Hundred Thousand Pesos...
Dali-dali akong nagtungko sa loob ng bangko upang isangguni sa Teller ang natanggap na pirasong papel.
"Is this a joke maam? I got this from your ATM" sabay abot ng papel sa teller. Dali-dali niyang tinawag ang manager.
"I'm afraid this is not a joke sir." pangiting sagot sa akin ng manager matapos niyang pag-aralan ang nakasulat. "Congratulations!" Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.
Sa tuwa, hindi ko alam kung ako'y magtatatalon at magsisisigaw sa loob ng bangko. Ang natatandaan ko lang, dali-dali akong nag-open ng account upang doon ilagak ang perang napanalunan. Habang sinusulat ang aking pangalan at lagda sa application form, naglalaro sa aking isip ang balak kong gawin sa pera.
Hindi ko ito sasabihin sa aking ina. Gugulatin ko na lang siya na meron akong extra cash.
Gusto kong bumili ng pabango. Hugo Boss sana o kaya naman ay Clinique Happy.
Marami pa akong hangad pagkagastusan, subalit hindi ko na ito matandaan.
Except ang pakiramdam na masarap palang manalo ng hindi mo inaasahan...
And just when I thought everything is real.
Nagising ako mula sa panaginip. Tanghali na pala.

No comments:
Post a Comment