Martes ng gabi nang ako'y dumating sa bahay. Unang bungad sa akin ng kasambahay ang balitang maagang umuwi ang aking nanay. Masakit daw ang ulo at tiyan. Lahat ng kanyang kinakain ay sinusuka simula hapon pa lang.
Akala'y nasira lang ang tiyan kaya't ito'y pinagwalang-bahala naming magkapatid. Nang sumunod na araw, masama pa rin ang pakiramdam ng ina. Masakit pa rin ang kanyang ulo, at dala na rin sa patuloy na pagsuka ng kanyang kinakain ay mapapansin mo na ang kanyang panghihina. Dahil sa payo na rin ng doktor na tiyahin, nagpasiya kaming pagpahingahin na lang ang maysakit sa bahay. Hassle rin naman magpatingin sa ospital lalo pa't hindi rin namin alam kung kaninong espesyalista dadalhin ang pasyente.
Kinagabihan ay nagtext ang aking kapatid. Umuwi daw ako ng maaga sapagkat patuloy pa rin ang pagsusuka ng aming nanay. Habang ang jeep na aking sinasakyan ay matuling binabagktas ang kahabaan ng Shaw Boulevard, ang diwa ko naman ay lumilipad patungo sa mga sitwasyon na aking kinakatakutan. Tulala, dumating ako sa bahay na gutom at walang ganang kumain.
Matapos maglinis ng katawan ay dumiretso ako sa kuwarto ng aking nanay. Nakahiga siya sa kama. Matamlay ang kanyang mukha at paudlot-udlot ang pagsasalita. Sa kanyang tabi ay ang aking kapatid na nagbabantay sa kanya. Mata niya'y nakatuon sa TV, subalit gaya ko, marahil ang diwa niya ay pumapainlanlan ring sa ere.
Upang madistract sa aming kinakaharap na pangamba.
Hindi kasi kami sanay sa ganitong sitwasyon.
Simula kasi pagkabata'y laging ang nanay ang naroon sa tuwing kami ay magkakasakit. Ni minsan ay hindi namin siya nakitang ganito kahina o sumusuko sa karamdaman sapagkat dapuan man siya ng lagnat o sipon ay pinipilit pa rin niyang maging matatag upang kami'y hindi mag-alala sa kanyang kinakaharap. Ni minsan ay hindi ko narinig na kanyang sinabi na "hirap na hirap na ako..." bagkus ay lalo siyang nagiging palaban lalo pa't kami ang magbibigas ng ganoong mga kataga sa kanya sa tuwing kami ay nagkakasakit.
Sa kanyang sitwasyon ay lumilitaw ang aming kahinaan anuman ang gawin naming pagiging matigas sa kabila ng kanyang sitwasyon.
Ang unang hinala ko ay Food Poisoning. Nabasa ko kasi na kapag ang isang tao ay nagsusuka ng kanyang kinain ay ibig sabihin nito ay may nakain siyang hindi maganda. Ang suspetsa naman ng kapatid ko ay side effects ng gamot na kanyang iniinom para sa sakit sa balat. Ito rin ang hinala ng duktor na kapatid ng maysakit, sapagkat anumang suka ang gawin ng nanay ko ay hindi ito nilalagnat. Hindi rin naman nanakit ang kanyang tiyan, maliban na lamang kung siya'y gutom na gutom na't kailangan na kumain kahit kaunti.
Kaninang tanghali, gumising akong payapa ang isip at magaan ang katawan. Ito ay sa kabila ng magdamagang puyatan upang bantayan ang aking nanay habang siya'y nahihimbing sa kanyang higaan. Dala ko ang ala-ala ng mga yakap ko sa kanya kagabi, pati na rin ang pagkukumot at pag-aassure na anuman ang mangyari, handa kaming mag-alaga sa kanya. Sa pagbangon sa kama, una kong tinungo ang kanyang kuwarto. Siya ay nakaupo sa tabi ng kama, nakangiti at tila walang karamdamang dinadala. Pinagmamalaki rin niyang hindi na siya nasusuka at higit na marami na ang kanyang nakakain.
Masaya akong pumasok sa trabaho sa paniwalang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling. Pati sa pagsagot sa aming mga kliyente ay makikita ang aking sigla. Noong mga nakaraang araw kasi ay tila ba ako pa ang may kailangan ng payo't pakikiramay at hindi ang mga text users na pinagsisilbihan ko. Sa buhay kasi na pinili ko, kailangan kong maging optimistic, anuman ang dikta ng damdamin sa akin.
Maayos na sana ang lahat. Handa na nga sana akong makipag-inuman kina Mami Athena, matapos itong imbitahan ng aming boss. Subalit, isang oras bago matapos ang trabaho, nakatanggap ako ng text message galing mismo sa aking ina.
"Anak uwi ka maaga. Skt pa rin ulo ko at tiyan. D makakain pero d na nagsusuka."
Makaraan ang isang oras matapos akong makarating ng bahay. Bumalik ang kanyang karamdaman...
Nagpasya kaming magkapatid na bukas ng umaga, ipapasyal ko na ang aking nanay sa doktor.

---
-tobecontinued-
No comments:
Post a Comment