O kay sarap humanap ng bato na ipupukol sa aking ulo.
---
Nagsimula ang lahat sa taxi. Pauwi na ako ng bahay noon, samantalang ikaw naman ay may kasamang iba at patungo na rin sa iyong uuwian. Sa hindi malamang dahilan ay magka-convoy ang ating mga sasakyan kahit na ang inyong destinasyon ay pa-silangan at ako naman ay pakanluran. Sa loob ng taxi ay naisipan kong tingnan ang nilalaman ng aking wallet. Wala na pala itong pera. Tuloy ay napilitan akong bumaba at mag-withdraw sa pinakamalapit na ATM habang kayo naman ay nag-iintay sa akin, sa ikalawang taxi na nakaparada lang sa likod ng sinasakyan ko.
Pagkawithdraw ng pera ay lumapit ako sa inyo upang mangamusta. Sa tagal ng ating kwentuhan ay nakalimutan kong may taxi palang nag-iintay sa akin. Pati ang kasama mo ay nainip sa ating pag-uusap. Habang nagbabayad ng aking metro sa kabilang taxi, bumaba siya ng inyong sasakyan upang sumakay sa taxi na iniwan ko. Naiwan tayong dalawa at dahil dun ay naisipan kong ihatid ka na lang pauwi.
Madilim pa ang lansangan nang tayo'y nagsimulang maglakbay. Di kalayuan ang ating bababaan subalit pagdating sa terminal ng mga sasakyan papunta sa inyo'y maliwanag na. Bumaba tayo ng taxi upang kumontrata ng iba. One hundred fifty pesos ang gusto ng driver at ito'y aking kinontra. Maaliwas ang langit, subalit wala akong nakikitang araw. Habang tayo ay nag-iintay ng FX ay may taong grasa na lumapit sa atin. Nakalimutan ko ang kanyang sinabi, ngunit tandang tanda ko pa kung paano kita hinarangan upang hindi ka niya mapansin.
Mataas na ang araw ngunit wala pa rin tayong masakyan.
Sa kabila ng lahat, hindi ko nakita ang bakas ng pagod o puyat sa iyong mga mata. Sa halip pa nga'y mukhang masaya ka na kasama lang akong nag-iintay ng masasakyan pauwi sa inyo. Marahil dahil na rin sa tagal nating pagkakatayo ay naisipan nating sumandal sa isang tabi. Sa aking pagkakaalam ay isang lamesa ang ating naupuan, subali't laking gulat ko nang ito'y biglang umandar. Hood pala ng isang lowered at kalawanging kotse ang ating naupuan.
At ang nagmamaneho nito ay yung babaeng taong grasa na nakasalubong natin sa daan.
Wala nang pagkakataon upang tumalon at umiwas sa disgrasya.
Ayaw ko rin magpatihulog sapagkat tinaga ko sa buto ang pangakong hindi ka iiwan.
Mabilis akong dumagan sa iyo upang masiguro na hindi ka dudulas at mahuhulog sa kalsada. Kasabay nito ang pag-unat ng aking mga braso upang maabot ng aking mga kamay ang magkabilaang dulo ng hood. Pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan, samantalang ang driver naman ay mukhang balak tayo ibangga sa pinakamalapit na poste na kanyang maaninagan.
Sa kabila ng nagbabadyang panganib ay una kong tiniyak ang iyong kaligtasan. Tama nga siguro ang sabi ni Centurion sa inuman kagabi na ako ang tipong martir na handang magsakripsyo ng husto para sa isang tao.
Sapagkat nang mga oras na iyon, handa akong mapahamak para sa iyo.
Tiningnan ko sa mata ang driver. Mga mata niya'y nanlilisik at wala itong tigil sa paghalakhak habang minamaneho ang karag-karag niyang sasakyan. Ang kanyang bibig ay walang tigil sa paggalaw na tila ba may sinasabi. Sa kasamaang palad ay wala akong matandaan sa kanyang mga nabanggit.
Pagkaraan pa ng ilang minuto ay bumagal na rin ang takbo ng kotse. Napagod man ang nagmamaneho dito ngunit walang preno pa rin ang kanyang bibig sa kanyang mga sinasabi. Nawala na rin ang panlilisik ng kanyang mga mata. Ito'y napalitan ng pagkalma ng mukha na ni minsan ay hindi ko napansin sa taong grasa noong una natin siyang nakita.
Nakababa tayo ng hood ng kotse na tila walang nangyari.
Subalit ramdam ko na mas dikit ka na sa akin matapos ang lahat.
---
Bumangon akong masakit ang ulo dala ng hang-over sa mga beer na tinungga kagabi. Sa kabila nito ay sariwa pa rin ang panaginip na tila isang matamis na ala-ala na sadyang ayaw magpalimot.
Naalala kitang bigla.
Kasunod nito ang pagtarak ng patalim sa aking dibdib. Ang bawat hapdi na aking nararamdaman ay paalala lamang upang magising sa aking kahibangan
na anuman ang mangyari, ang eksenang panaginip gaya ng
hawakan ng ating mga kamay,
ang pagsandal ng iyong ulo sa aking balikat,
at ang iyong mga matatamis na ngiti habang tayo'y nag-iintay ng masasakyan pauwi
ay mananatiling mapait na bangungot na sana'y di ko na lang napanaginipan.
Ilang beses ko man balik-balikan ang panaginip kagabi at ilang beses ko man isikreto ang pagtingin ko sa iyo,
kailangan kong gumising sa katotohanang nakatakda kang lumigaya sa piling ng iba.
---
Sa tulog ko lang ba kita maaaring makamtan
'Di ba puwedeng makasama ka sa ibang paraan
O Diyos ko, tulungan mong maging totoo
Ang panaginip kong ito...
- South Border, Tulog

No comments:
Post a Comment