Nagsimula ang lahat sa isang kanta, sa loob ng Jeepney kung saan tayo'y dating magkatabi. Cheesy daw ang lyrics ang sabi ng marami. Pero dahil gusto ko ang melody, palihim ko itong kinakanta sa tuwing ako ay nag-iisa. Sa isang live performance ng MYX maraming taon na ang lumipas nang una kong nasulyapan ang bokalista. Totoy pa ito't mukhang kakaiba sa kasabayan nitong mga banda. Bukod kasi sa mukhang geek ang mga kasama nito, masyado silang malinis tingnan upang ituring na grungie.
Kumbaga, wala sila sa stereotype na mga rakista.
Subalit dito sa performance na ito una akong napahanga. Bukod kasi sa napakalaki ng kanyang boses, iba rin ang kanyang dating sa stage. Masasabi kong confident ang binata. May dating kahit hindi gwaping. Higit pa rito, sila rin ang may kanta tungkol sa isang araw na kinaayawan nating lahat, na noong mga panahong iyon ay kaytagal ko nang hinahanap.
Ayoko na sanang magising sa katotohanang tapos na ang pagkahilig ko sa mga bandang Pinoy. Henerasyon ko ang Eraserheads at ibang henerasyon ang kanyang kinabibilangan. Sa kabila ng generation gap, ang kanilang husay ay hindi makakaila. Itapat mo sila sa bandang Hale at tiyak, na malinaw kung sino ang may mas magandang musika.
Akala ko ay sa pagdodown-load at pakikinig ng kanilang mga kanta matatapos ang aking pagkaulayaw.
Subalit ito ay nagbigay daan upang
Gayahin ang kanyang boses sa tuwing ako ay hinahamon sa kantahan.
I-stalk at magpa-add sa kanyang Friendster at Facebook account.
Pasimpleng mag-iwan ng ngiti sa tuwing maririnig ang kanyang boses.
Bihira lang ako kumilala ng talagang iniidolo. Subalit nang biglang tumulo ang luha ko habang pinapanood ang kanyang UAAP-themed MTV kanina, alam kong kakaiba itong nararamdaman ko...
... Crush ko nga yata si Yael
---
Bumaba ako sa jeepney
kung saan tayo ay dating magkatabi
- Jeepney, Spongecola
At ayokong magising sa umagang
nang-aakit, naninimdim
di alam, walang patutunguhan
- Lunes, Spongecola
Matalo kung matalo
huwag ka sanang magkakamaling
sumuko na lang.
- Puso, Spongecola

No comments:
Post a Comment