Wednesday, November 12, 2008

Disturbia

Ano kaya ang naging pakiramdam ni mama noong nakatunog siya na mayroong namamagitan sa aming dalawa ni Phanks?

Na-depress kaya siya kasi hindi ako straight?

Nalungkot kaya siya dahil iba ako sa maraming lalaki na kilala niya?

Na-disturb kaya siya kasi obvious naman na may nangyayari sa kwarto ko kapag nag-oovernight si ex?

How was she able to cope up with the truths? I have no idea.

But one thing is for sure, she tried to be as supportive as a mother could be in my relationship. Hindi man ako "out" sa pamilya pero lubusan niyang tinanggap ang aking buddy.

Sana sa susunod na darating ay ganun rin siya.

At sana ang susunod na darating ay hindi lang si Darkstar ang kasundo: Higit sana si Pulsar at si Mugen.

Napalaking pag-unawa ang inextend ng nanay ko sa aking naging relasyon noon...



[muni-muni]



Kung tama ang basa ko ngayon.

Kung obvious yung nabasa ko kanina.

Hindi man ako masaya sa aking nadiskubre subalit kailangan ko rin ibalik ang pabor, ang pagmamahal at pag-unawa na iginawad niya sa akin.

And for once, tanggapin ang maaring katotohanan

at intindihin ang magiging kasiyahan niya.

---

Faded pictures on the wall (It's like they talkin' to me)
Disconnectin' all your calls (The phone don't even ring)
I gotta get out
Or figure this shit out
It's too close for comfort (Ooh ooh)

- Rihanna, Disturbia


No comments: