Inuman ng mga engkanto sa Antipolo. First time nag-host si kuripot na PGR at nagsipuntahan naman ang barkada. Palibhasa ay galing ako sa despedida ng isang kaibigan kaya past twelve na ako naka-akyat ng bundok. Hindi pa naman daw ako huli, sabi sa akin.
Kaya ko pa humabol sa tagayan.
Pagdating doon ay may tama na ang mga tao. Red Horse ba naman kasi ang inupakan. Tapos puro makolesterol pa ang pulutan kaya malupit ang sipa ng kabayo. Tuloy ang kuwentuhan habang pilit ko sumasabay sa kanila. Dahil maliit lang ang grupo kaya hindi uso ang nagkakanya-kanya.
Nakalimutan ko na kung ano ang topic of the table. Basta ang alam ko, si Papa P ang tanggero. Siya rin lang ang madaldal sa grupo. Kung ano man ang kanyang mga sinasabi ay limot na namin ngayon. Basta alam ko lang, ilang beses akong nagwalk-out sa table para makaiwas sa kanyang walang katapusang satsat.
Anyway, natapos ang inuman mga ala dos na ng madaling araw. Suko ang lahat kay Papa P. Noon lang namin siya nakitang sobrang lasing. Pagbaba ng bundok ay magkakatabi ang mga kutong lupa. Ang mga lamang lupa naman ay nasa kabilang hilera ng jeep. Doon namin narealize na lahat pala ng bagong recruit ay mga bata. Kaya pala happy ang mga twink lovers. Lol.
Naghiwalay ang mga engkanto sa Cubao para magkanya-kanya ng lakad. Ang mga Eastboys, sa pangunguna ni Fox ay umuwi ng Fairview. Kami naman ni Papa P na tubong Maynila ay nagkasundong magsabay. Lampas dalawang taon na rin kaming magkasama sa grupo pero di ko makakaila na intimidated pa rin ako sa kanya.
Flashback:
Ikinuwento sa akin ni Tagay na may bago siyang tambayan sa G4M. "Puro discreet dun pre!" pagmamalaki niya sa akin habang sabay kaming nagpapasipa sa Pulang Kabayo sa isang sing-along bar malapit sa TIP.
"Talaga?" Na curious ako sa kanyang discovery.
"Uu, puntahan mo. Walang Mukha Thread ang pangalan."
So ako naman na isang lagalag ay dumayo sa kanyang tambayan. Wala ngang face-pic ang mga tao. At kung hindi hubad na katawan ay dick pic ang madalas ginagamit na Avatar ng mga tao. Simple lang ang batas sa thread. Manyakin mo na ang lahat huwag ka lang maglalagay ng face-pic sa profile.
Isa sa pinakamaangas sa thread ay si Str8Manly. Sa tikas ng kanyang pangangatawan at pagiging confident sa sarili, pakiramdam ko na mahirap tropahin tong taong to. Lahat ng dayong below-22 ay pinapatos. Halayan kung sa halayan. Aliw naman ang mga twink. Lol. Siya rin lang ang may lakas ng loob na mag-announce na magshoshow sa cam at imbitado lahat na manood.
That was three years ago.
Never akong nagstream sa Internet para silipin ang kanyang performance.
"Joms saan ba puwede sumuka dito?" Bungad niya sa akin pagkatapos namin humiwalay sa ibang mga engkanto.
"Diyan sa damuhan, puwedeng puwede diyan." Sabay turo sa isang manicured plot kung saan nakasulat na yun daw ang bungad ng Araneta Center.
"Huwag mo akong iwan ha?"
"Oo naman! Sabay kaya tayo pauwi. "
Naglakad kami ni Papa P patungo sa nasabing damuhan at doon siya nagsuper-saiyan. Sanay na ako sa eksenang may nagsusuka kaya naman habang nilalabas ng kanyang lalamunan ang lahat ng laman ng kanyang tiyan, todo hagod ako ng kanyang likod na para bang kami ay mukhang ewan sa daan.
Hanggang sa loob ng taxi ay bantay ako sa katropa. Lingid sa kanyang kaalaman, namulot ako ng plastic bag para may pangsalo sakaling magsuka siya sa biyahe.
At doon nagsimula ang pagiging dikit namin ni Papa P. Nangyari lahat iyon ilang linggo matapos ang kanyang break-up sa aming isa pang ka-tropa. Naging malaking hamon man ang kanilang paghihiwalay pero masyado ng malalim ang samahan upang ito ay maka-apekto sa barkada.
And so the story goes. Kami ang naging uwian buddies tuwing may inuman sa Quezon City. Sa kanya ko laging dinadala ang PC ko tuwing kailangan nito ng reformat. Siya rin ang nanlibre sa akin nung first time ko makapunta sa Wensha. Ang kanyang mga patawa, pang-aasar at pambuburaot lalo na sa mga kutong lupa ang siyang lagi naming inaabangan tuwing may pagkikita.
Higit sa lahat, ang pagturing niya sa tropa bilang kanyang nag-iisang kapamilya ang siyang dahilan kung bakit sa dinami-daming nag-walk out sa bahay ni Ate Bianca, muling magkikita ang mga engkanto na higit na solid kesa noong una namin itong binuo.
Walang iwanan Pilyo.
Happy Birthday.
16 comments:
heffi vetdey pepe rayn dwarwin! (Slovak greeting yan)
malayo na nga ang narating ng iyong pagkakaibigan. naway hanggang sa pagputi ng inyong mga buhok.. pagkakasama pa din kayo hanggang sa huli.
makikibati na din ako.
Happy Birthday sa iyo PILYO!
Happy birthday! Woot! :D
naks naman. hahaha! di kaya magkatuluyan kayo? hahaha! loko lang. happy birthday sa kanya. :)
uy Happy Bday Pilyo aka Rain Darwin ehehe...lika, bday gift ko sa yo, isang gabi ehehehhe :P
I miss those inuman sessions. :-)
Makikibati rin po,
Happy Birthday pilyo!!!
Ang galing ng barkadahan nyo,astig!
Never kasi ko nagkaroon ng mga PLU friends. Ang swerte ng mga kaibigan nyo sir mugen!!
pasali naman sa inuman..hehe
pabati din ng happy birthday!!
Wow samahang walang kaparis! Hands down Ü Happy Birthday to Pilyo!
Sis! detalyado lahat sis! galing taga! hehehe
xoxo
hahaha. daming july celbrants! hampey hampey bewtdey padi!
oo nga po pala sir..salamat kyo unang nga follow ng blog ko..susubukan ko maging sing galing nyo sumulat..salamat uli!!!!
still remember inuman sa Antipolo... bangenge nga nun si PAPA P. LOL nakikipapa narin hehehe
Happy Beerdie... Mr. Darwin wish ko matupad mga hiling mo...
PAPA JOMS, THANKS. bida pala ako dito. At sa mga bloggers na "bumate" heheeh thank you po.
Sa mga bloggers po naman na asar sakin (nakarating sakin ang tsismis na yun heheh) sobra raw akong maangas, mayabang at epal. Sorry kung nakapag comment ako sa blog nyong hindi nyo nagustuhan, feeling close lang kasi hehehe kaya walang control kung mag express ng opinion. Humihingi rin po ako ng paumanhin sa mga napitik
ko ang kanilang ego.
Iba kasi ang personality na pino-portray ko dito sa blog. Sobra akong extreme. Pero in person mabait daw ako. Tanong nyo pa kay Papa joms, hehehe.
AGAIN THANK YOU.
Hoy pilyo...aber aber ano naman gusto mong gawin namin kilalanin ka in person? halueeerrr sis! hahaha
Hehe. Wow! Hes the type of person na theres never a dull moment : )
Post a Comment