Sunday, September 12, 2010

House Party






Kasunduan ay inuman. Subalit dahil salat sa pera ay bahay ang naging tagpuan. Isang tao ang taya sa lugar samantalang chip-in naman ang mga dayo sa bibilhin. Gilbey's at Ginebra ang madalas pang-toma. Minsan ay Tanduay na bilog para masaya. Bihira ang beer noon, unless Red Horse o kaya Colt ang babanatan. Okay lang kahit Tortillos o Chippy ang handa. Naranasan ko nga na mag Skyflakes na dinurog sa Spicy Century Tuna na pulutan. Kapag birthday party ng kasamang babae, asahan mo ang Jose Cuervo sa lamesa. Roundhouse sa isang kuwarto. Madalas ay sa sala para iwas sala sa mga mahilig magsuka at gumawa ng eksena. Shot glass na umiikot, pasa-pasa sa bawat labi ng katabi. Sounds sa stereo ay RnB. "Do You Believe In Me?" tanong nga ni Eric Gadd. Minsan ay may sumasayaw sa tabi ng speaker. Madalas may lumalabas na scoop. "Crush ko si kuwan," "Naging kami niyan," "Binasted ako ni Miss Arts and Letters," "Nagdate kami nung ex mo nung kayo pa."

"Mahal mo ba ako?"

Kanya kanyang storya. Kanya kanyang suray patungo sa banyo para umihi at mag-ayos ng hitsura. Habang lumalalim ang gabi, patuloy ang tagay ng bangkero. May ilan na magpapahangin sa labas. Nagpapausok ng Marlboro sa paligid. Sa kapayapaan ng gabi; sa katahimikan ng mga bituin; minsan ay hindi mapigilan mangarap saksi ang piping langit. Ilan ang maglalakas loob maglakad papuntang 7-Eleven. Short na sa yelo. Ubos na ang chaser. Kelangan pa ng dagdag pulutan. Sa totoo lang ay gusto mag-angas. Mang-inggit sa sinumang nakakalat pa sa lansangan.






At kapag nagsimula na ang tumbahan, isa isang mawawala ang mga kasalo sa round table. May mahihiga sa sofa, may mauupo sa tabi ng telepono. Makikipagtelebabad sa crush. Magtatawag ng kaibigan para ipakausap sa iniibig. Ang iba ay susuka, ang iba ay maghahanap ng hahaplusin. Ang mga patawa ay mang-aasar. Ang kupal, tumatahimik sa tabi. Ang sinumang last man standing ang tigalinis. Tigabuhat ng sumalampak sa tabi. Ang bantay ng grupo habang ang lahat ay bangenge sa paligid.

Pagsikat ng araw. Kapag ang mga ibon ay humuni na sa paligid. Kapag ang mga lasing ay nagsibangon na at nagsiuwi sa kanilang mga bahay baon ang hangover. Kapag lipas na ang mga araw at ang mga eskandalong nangyari dahil sa impluwensya ng alkohol ay kumalat na. Kapag dumaan na ang mga taon at muli, isang Sabado, isang tropa sa isang grupong di gaanong kakaiba sa mga tropang pinakisamahan mo noong iyong kabataan ang biglang nagtawag ng house party

sa kanyang munting espasyo.

Hindi mo maiiwasan hukayin ang baul ng nakaraan at tanggapin ng buong lugod ang katotohanang sa ganitong inuman nagiging malalim ang samahan.




18 comments:

Canonista said...

Namimiss ko tuloy yung HS inuman namin at mga HS tropa ko. Kinse anyos pa lang ako eh naglalasing na at nagyoyosi pa ako.

Saan na nga ba ang barkada ngayon?

Napatugtog ko tuloy ang baby, baby, baby ng TLC. :-p

Mugen said...

Canonista:

Kaya bihira akong mag-enjoy sa kape-kape lang. Napapalapit lang ako sa mga tao kapag may beer o alak na katapat.

Nimmy said...

inuman session to the max. sa bayan namin, hindi kumpleto ang inuman kapag walang ghost stories. hahaha

Guyrony said...

The wonderful, intoxicating and euphoria-hyped feeling alcohol brings.

Everyone has their stories to tell when one gets drunk.

What about you Mu[g]en? ;)

MaginoongBulakenyo said...

once ko pa lang naranasan malasing at hindi na naulit pa, kasi hindi ako makahinga. Sabi ng doctor mahina daw yong tolerance ko sa alcohol, kaya pag may inuman ang barkada ako'y dakilang serbedora..hehehe

Mugen said...

MB:

Nako pang iced tea ka pala. Hehehe.

Guyrony:

I will tell you when we get to drink.

One on one.

Nimmy:

Kanya kanyang trip yan. Ahehehehe.

red the mod said...

I miss that. Sharing stories, forging bonds, strengthening friendships, reestablishing connections. The looseness of the tongue, the audacity of inebriation. The honesty of abandon.

I agree with canonista. The song "San Na Nga Ba?" of the A.P.O. Hiking Society comes to mind.

Bilib ako sa panulat mo ng Tagalog. I wish I had the same vulnerable honesty you have in writing. I sense a shift in perspective. That's always a welcomed change. Welcome back, solitary sputnik.

To loosely paraphrase Boy Abunda; Halika kaibigan, inuman tayo.

Mac Callister said...

yes taray na ng san miguel beer!parang commercial lang ha!hehe

naranasan ko yang ganyn nun college internship,kaso sa kanya kanyang dorms kami nag iinuman!saya!

Désolé Boy said...

hayy sarap nga naman ng in-house inuman with friends. tapos yung isa-isa kayong magigising in the morning at pilit aalalahanin ang mga katarantaduhan ng nagdaang gabi..hehe
.
.
.
ang cool talaga ng mga Engkantos!!

kris said...

nakaka-miss ngang talaga ang mga inuman kasama ang mga taong kilalang-kilala mo. :D

RainDarwin said...

Teka, alam ko ang place na yan, hahahaha. Sobrang ma-mimiss ko yan kapag tumanda na ako. Ganda ng pagka-shot mo, napaka-artistic.

Copy paste ko yan, gagawan ko din ng kwento.

Blakrabit said...

Uy! inuman! sayang bawal nako nyan. although pag napilit, 3 shots lang ng hard or 1 bote ng beer hehe.

I only enjoy drinking with friends. iba kasi. pwede nyo pag-usapan ang halos kahit ano at okay lang maging wild. unlike with family and colleagues na may restrictions.

MkSurf8 said...

masarap ang house party! tumbahan kung tumbahan. bangengehan kung bangengehan.

hassle lang yung uwian na sa umaga. kaya dapat round 2 na lang para marathon na. hahhaha

inuman tayo next time =)

dario the jagged little egg said...

Ang saya ng mga ganyang moments..I can relate, nakakamiss! Bonding naman tayo nila mami paminsan sis"

Mugen said...

Daniel:

Oo ba. Nako hinahanap ka sa akin ni Mami kanina. Pumasok na siya ulit sa work. :)

MkSurf8:

Ikaw lang naman iniintay eh. Alam mo naman, naglilitawan lang ang mga engkanto kapag may alkohol sa lamesa.

Blakrabit:

Que bata bata mo pa bawal ka na sa cervesa. Anu nangyari? Yup, iba pa rin pag tropa ang kasama. Nasubukan ko umattend ng house party na open sa lahat ang tomahan, hayun, ibang level ng wildness ang nangyari dun.

Mugen said...

Pilyo:

Isang typical kanto kung saan nagaganap ang house party ng mga kabataan.

Ungas! Senyo kaya yan. Lolz.

Kris:

Uu naman. Kahit na magkalat ka the following day, okay lang. (basta walang suntukang magaganap) hahaha!

Desole Boy:

Malay ko nga ba sa mga yan! Ewan kung ano pang mga scoop ang lalabas bago matapos ang linggo. Hehehe.

Mugen said...

MacCallister:

Dorm o pad, ayos lang yun! Hehe. Ang mahalaga ay kung may samahang nabuo ba pagkatapos magkaroon ng hangover ang lahat.

RedtheMod:

We all have our times. Who would forget Kuya J's birthday last year. Straight ako nun from work-wedding-birthday tapos work ulit. But I must say the bonding was priceless. Never will I see Pala pala with the same set of eyes again.

The satellite is still in orbit but it detects only radio waves coming from outer space.

soltero said...

isang araw, makakasama din ako jan sa inumang yan, makikigate crash ako like bianca! bwahahha :P