December 22, 2007
A Repost
Alas-Onse ng gabi.
Habang nakatayo sa tabi ng kalsada isang kanto mula sa Timog Avenue, nagkaroon kami ng mainit na harapan ng straight kong katropa.
Ako: Gaano mo ako kakilala ‘tol?
Tropa: Kilala in what sense? What do you mean?
Ang aming pag-uusap ay nabalot ng katahimikan matapos siyang tanungin tungkol sa aking pagkatao. Hindi ko sigurado kung itutuloy ang aking sasabihin.
Ako: Teka lang. Bili akong yosi.
Sinundan niya ako hanggang makatawid ng kalsada. Talagang gusto niyang malaman kung ano ang aking rebelasyon. Ang kuwento kasi ay may balak ang aking grupo na banatan ang iba naming ka-batchmate. Ito ay bilang ganti sa babaeng kaklase na napahiya sa isang hot seat noong huli naming reunion. Alam kong maaring gumanti ang mga tatamaan, at dahil nauna akong nagladlad sa kanila sa halip na sa aking tropa, tiyak na malaking gusot kapag nalaman ng barkada ang katotohanan sa iba.
Habang nagyoyosi, patuloy na nananaig sa aming dalawa ang katahimikan. Sa pagdaan ng mga sasakyan sa aming harapan at sa bawat paghihithit-buga ng sigarilyo ay naglalaban sa aking damdamin ang desisyon kung aaminin ko ba sa kanya o hindi ang pinakatatago kong sikreto. Ang pag-amin ko ay maaring mag-resulta sa paglaglag sa akin sa barkada. Maari rin itong maging daan upang buo at walang pag-aalinlangan kong matanggap ang aking pagiging bakla.
Ilang segundong katahimikan pa ang aking pinadaan. Sa loob-loob ko, patuloy kong pinag-iisipan kung tama ang aking gagawin o ito’y isang malaking kahangalan. Naroon kasi ang takot na baka hindi nila ako tanggapin. Naroon rin kasi ang posibilidad na hindi pa sila handang malaman ang katotohanan tungkol sa akin.
Sa anim na taong pagiging PLU ko, naniwala akong hindi normal ang malayang makisama sa grupo na ang kinabibilangan ay puro straight na lalaki. Birds of the same feathers flock together, ang kasabihan nga sa ingles. Sa loob ng mahabang panahon, nanatili akong tago sa barkada, samantalang unti-unting namang dumarami ang mga kaibigan kong lalaki na tinanggap na sa sarili ang kanilang paghanga sa kapwa lalaki.
Ang sabi nga namin, walang masama sa pagiging bading.
Sa barkada kong mga gay-bashers, alam kong isang malaking kahihiyan ang malaman na ang isa sa mga sandigan ng tropa ay hindi pala straight. Sa takot kong isipin nila kung paano ko tinago ang pagkagusto sa lalaki sa kabila ng sabay-sabay naming pagligo ng nakahubad at pagtulog ng magkakatabi sa iisang kama, nagdesisyon akong manahimik tungkol sa aking sekswalidad. Pinili ko ring itago ang tungkol sa akin sapagkat sa buong panahong ako ay in-denial, sila ang huling natitirang barkada ko sa mundo ng mga straight. Putulin ko ito't hindi lamang maaring mabura ang dalawang taong puno ng matatamis na alaala sa kolehiyo, magiging buo na rin ang pagiging bakla ko.
Alam kong nag-iintay siya ng kasagutan sa kabila ng aking pananahimik. Sa kanyang matalim na pagtingin, ramdam kong gusto niyang pangunahan ang balak kong sabihin. Upang maiwasan ang tuluyang pagtupi, nagdesisyon akong sa akin na manggaling ang pag-amin sa kung sino ang totoong ako.
I'm not straight pare.
Isang buntong hininga sabay tingin sa maliliwanag at kumikislap na ilaw sa malayo.
Hindi ko man alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon, naisip kong hinog na ang panahon para ako ay lumantad at maging totoo sa kanila. Sa haba ng pinagsamahan namin bilang magkatropa, marahil ay matatanggap rin naman nila ako. Yun nga lang, ngayong wala na akong tinatago, para bang hindi na rin ako karapat-dapat tawaging discreet sa mata ng mga closeted na aking nakilala.
Habang nakatitig sa kawalan at pinag-aaralan kung tama ang aking desisyon. Nagsalita ang aking kaibigan, ang tinuturing na pinuno ng aming grupo.
"Matagal ko nang alam Mugs. Matagal ka na namin tinanggap na ganyan ka." Malumanay ang tono ng kanyang boses. "Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit kami ang huli mong pinagaminan."
Sa bawat pagbagsak ng kanyang salita, muling bumalik ang alaala ng isang sentihan sa pagitan ko at isa pang katropa ilang buwan ang nakakaraan. Pauwi kami galing sa burol ng isa naming kabarkadang sumakabilang-buhay na. Habang nagkuwekwentuhan sa loob ng kanyang sasakyan, nasabi niya sa akin na masyado nang malalim ang samahan namin na kahit ano pa ako, kaibigan pa rin ang turing niya sa akin. Itong kaibigan ito ang nangungunang gay-basher noong kami ay mga estudyante pa at ang marinig sa kanya ang mga salitang iyon ay tunay na nakakataba ng puso. Subalit nang mga oras na iyon, hindi ko sineryoso ang kanyang pahiwatig.
Ang buong akala ko ay wala siyang alam tungkol sa tinatagong kong pagkatao.
Bumalik kami sa bar kung saan naroon ang iba pa naming mga kasama. Hindi na niya ako pinagpaliwanag sa aking pag-amin, at sa halip, nagtuloy ang aming inuman na puro buhay pag-ibig ang pinagusapan.
Natapos ang gabi na kami-kami pa rin ang magkakasama. Naroon ang tawanan, ang walang katapusan at paulit-ulit na pagbabalik tanaw sa mga babaeng naging bahagi ng aming buhay kolehiyo at pati na rin ang mga lakad namin sa mga probinsya na sunuong namin sa ngalan ng paggawa ng de-kalidad na school projects sa Journalism. Naroon rin na inalala namin ang kabarkadang pumanaw na. Sa pagpupumilit na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, kalusugan ang kabayaran ng kanyang mga sakripisyo.
Sa kabila ng aking pag-amin ay hindi na ito pinagusapan noong gabing iyon. Hindi ko na rin ipinaalam sa iba ang naging kaganapan sa labas ng bar. Sa halip, binigyang kalayaan ko ang aming lider na magpaliwanag tungkol sa aking desisyong itago ang aking pagkatao. Tatlong taon na ang nakakaraan, tinanong rin nila ako tungkol sa kumakalat na tsismis na may nakakita sa akin sa Malate, ito'y pinagkibit balikat ko lang habang mabangis pala ang naging pagtatanggol nila sa akin.
Ngayong nabawasan na ang aking mga sikreto, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik na matagal nang nakabaon sa aking lalamunan. Mayroon man akong mga pag-aalinlangan sa aking pag-amin, sa huli ay ito rin ang naging daan upang buo kong matanggap ang aking pagiging PLU.
-
-
-
-
-
Taon na ang lumipas mula nang mag-usap kami ng aking tropa sa tabing daan at aminin sa kanya na ako ay bading. Sa tuwing maalala ko kung paano tinanggap ng straight kong barkada ang tungkol sa akin, ang sisig na dati rati’y malansa sa aking pang-amoy tuwing kami ay magkakasama ay biglang nagiging mabango at nakakapaglaway ng labi. Ang San Miguel Light, na kadalasan ay mapait sa aking panlasa ay nagiging matamis, tanggalan man ito ng yelo.
Nang sumunod na taon ay muli kaming nag reunion. Ako ay naging hot seat ulit matapos ipaalam ng aming pinuno ang ginawa kong pag-amin noong nakaraang pagkikita. Sa halip na layuan ay buong lugod nilang tinanggap ang aking pagkatao. Nagkaroon man ng tampuhan sa aking pagtatago, malinaw na ang aming samahan ay hindi na mababali pa.
"Sigurado ka ba Mugs diyan, baka phase lang yan..."
"Hindi ah! Wala ng atrasan pa."
"Bahala ka, basta andito lang kami para sumuporta."
Simula noon ay hindi na naging issue kung ako ba ay straight o PLU. Madalas ay sila pa ang nagpapaubaya sa tuwing malalagay ako sa alanganin, lalo pa't trip pambababae ang kanilang balak gawin. Hindi nakapagtataka, ilang buwan matapos ikasal ang isa naming barkada, tropapics pa rin ang unang litrato sa Facebook account ko. Minsan minsan na lang kami magkita ngayon. Nalimot na rin marahil ang nangyaring aminan noong gabing iyon. Subalit para sa aking taon ang hinintay bago tuluyang tanggapin ang sarili,
Ang kalayaan sa Timog Avenue ang isa sa mga alaalang lagi kong dadalhin sa tuwing magbubukas ng closet ng iba.
15 comments:
hahahah. may mas thrill yung pagkakakwento mo sakin noon kasi kita ko ang reaction mo sa mukha.
Pilyo:
Second round na yun! Yung tanungin nila ako anong feeling ng binobottom. Hahahaha. Taragis yun, parang hinahamon ako sa gangbang. Nyahahaha!
at pwede ng magcomment-- nyehehehe
balik blogging na uli
teka, may gangbang ba na nangyari later?
Mandaya Moore:
Yup, wala na sigurong babanat sa akin dahil sa post ko last week. Hehehe.
Wala no. Pero yung isa yata sa kanila, sinubukan yata tirahin sa puwet yung FUBU niyang babae. Lolz.
payakap beb!!! mahigpit. ingat ka palagi ha.
Second round na yun! Yung tanungin nila ako anong feeling ng binobottom. Hahahaha. Taragis yun, parang hinahamon ako sa gangbang. Nyahahaha!
ay Sis! naloka ako sa statement na ito hahaha
Umamin na din kaya ako bhawahahaha
para di na rin kami ng pupunta sa strip club sa C5!
xoxo
Sana kasing tapang mo rin ako, sana.
nice naman pala! kala ko sad ang ending e.teka pano daw nila nalaman na matagal ka ng iba?share naman!
Mac:
Medyo awkward pa rin kapag pinag-uusapan ang tungkol sa preference ko, pero dahil wala naman nagbago pagdating sa kilos at pakikitungo ko sa kanila so madalas, cool pa rin.
Di ko rin alam paano nila nalaman. Siguro gut feeling yun. Ako lang kasi hindi mahilig sa basketball sa kanila.
MB:
No need kapag hindi ka pa handa. Puwede ka naman mabuhay ng hindi pinapaalam sa iba.
Marhk:
Naku huwag, malulungkot sina Papa P at si Papa T kapag kumanta ka na! Lolz.
Blagadag:
Salamat Mommy Blag.
Im coming out but not to flaunt that I am GAY, I will come out so that the people will not that I am a man with struggles. Change is not Impossible. I dont want to be GAY forever. IM OUT because I WANT CHANGE...
if you cannot come out to your family, your friends are there. that's why we choose them. =)
Mu[g]en
We took the kalayaan of creating a link at the theorgy blog for this post of your.
One of us personally loves this post, aside from the fact that he likes you too.
Theorgy Sisters
http://theorg-y.blogspot.com
this is nice. i wish i could do the same.
anyway, ignorante na kung ignorante, pero any ung PLU? ^^
Nice blog entry :) Ganda ng flow ng story... wish i could arrange my thoughts like you. You're so brave to come out like that, to straight guys pa! Natatakot ako sa ganyan, baka masapak pa ko haha
www.whensakurametsasuke.blogspot.com
Post a Comment