Thursday, September 23, 2010

Ang Cheese Curls Ni Manong Potpot






Naging ruta na ni Manong Potpot ang eskinita sa labas ng aming lumang bahay. Tuwing alas tres ng hapon ang kanyang dating - tamang tama bago mag Batibot na kasunod naman ay Carebears na noon ay sa Channel 4 pinapalabas. Sa basketball court na ang tawag sa amin ay Badjao, maririnig ang busina ng paparating na kariton. Dali-daling magsisilabasan ang mga bata't mga tambay mula sa kanilang mga bahay na nag-uunahan sa snack na pinapalit ng magkakariton.

Palibhasa ay salat sa barya, pasimple akong kakaripas ng takbo patungong labahan. Masukal ang lugar at ang katabi noon ay ang bodega. Doon nakatago ang mga bote na ginagamit kong pamalit sa Cheese Curls na pang trade-in ni Manong Potpot sa halip na pera.

Makailang beses na akong sinabihan ng matatanda na marumi daw ang Cheese Curls. Maraming ulit na rin akong napalo dahil sa pagiging pasaway ko. Pero sino ba naman ang hindi makakapigil sa Cheese Curls ni Manong. Bukod sa lasa itong Chickadees, (na laging may libreng laruan na kasama ang bawat pack) ang tunay na selling point ng curls ay ang pagiging libre nito.

Nakalagay ang Cheese Curls sa isang dambuhalang transparent na supot katabi ng mga boteng nakoleta ni Manong Potpot sa buong araw na pag-iikot. Hindi ko alam kung ilang araw bago maubos ang laman ng plastic, pero anong silbi ng kaalamang ito sa batang laging gutom? Ang bawat boteng pamalit (na kadalasan ay Tanduay o kaya naman ay Silver Swan) ay katumbas ng isang takal na nilalagay ng magkakariton sa lumang diyaryo na binalot na parang cone. Ni minsan ay hindi sumakit ang tiyan ko dito. Nagkabulate man ako (sa kadahilanang hindi connected sa Cheese Curls) pero ayos lang, matamis naman ang Combatrin.




17 comments:

Gerardo said...

Natawa ako sa 'matamis naman ang Combatrin'.

Hindi ko na inabutan na nagpapapalit sila ng cheese curls, pera na ang naabutan ko...ang binebenta ko naman nun puro long neck at bote ng gin. Ü

casado said...

ahahhah nakakakita ako ng ganyan din dati bwahaha..kaso totoo nga, lagi sinasabi, naku wag yan, madumi yang chiz curls nila LOL...:P

Désolé Boy said...

parang nakuha ko yung mensahe mo kuya. at napangiti ako.
.
.
kaya lang hindi ako nakarelate sa Carebears at Chickadees. Sa Batibot lang. Hmpf! Ang problema kasi sa 'yo maaga kang pinanganak!
.
.
haha. uyy joke lang po yun =)

Master Clutter said...

ah. naalala ko ang carebears at batibot!

pero di ko naranasan ang mamang nagpapalit ng chiz curls para sa bote. sabagay, nakakulong lang ako sa bahay nun. haha!

MaginoongBulakenyo said...

Nakatikim din ako ng cheese curls na yan, di ba sir mugs masarap naman talaga? tapos dumidikit pa sa daliri mo yong powder chees..hehehe

Ganyan din sinabi ng nanay ko magkakabulate daw ako..hindi naman totoo, weh! Lolz

Ms. Chuniverse said...

masarap dati ang cheese curls... ngayon hindi na masyado. bakit nga ba?

at.... may combantrin pa ba?

naka-relate aketch.

red the mod said...

Because we need to go back to simpler times. When everything made sense, and happiness so attainable.

Thanks. Each one of the innocuous details you mentioned, I recall. I, too, am from that same era.

But more than the memories, are the emotions that it culls within. That anticipation, the euphoria of a simple snack. All reflections of a different time and place, preserved.

Cio said...

Mahilig ako mag-batibot.

Anonymous said...

ahahaha. nakakarelate ako!!!

mahilig din ako sa chiz carls na ito. nagiipon din kami ng bote ng mga pinsan at kalaro ko para tuwing darating itong si manong magbobote eh may maipampalit kami ng chiz carls.

nakakabulate pala itong chiz carls na ito? LOL

Mugen said...

Jepoy D:

Nah! Baka nakuha ko yung bulate kung saan. Pero ganun pala, habang tumatanda ka ay nag-iiba rin ang taste mo sa pagkain. Nung nag-grade 2 ako, graduate na ako sa Cheese Curls ni Manong Potpot.

Cio:

Anu yung Batibot. Dali! Paturo
naman kami. :D

Miss Chuniverse:

Yung Cheese Curls kasi ng Jack & Jill ngayon ay masyado na-commercialized. Tinipid na sa ingredients. Saka meron kasing imported na talagang mas malasa.

Mugen said...

Maginoong B:

Mas malabnaw yung kulay ng Cheese Curls ni Manong Potpot kesa dun sa gawa ng Jack and Jill. Pero yup, madikit nga siya sa daliri.

Sino kaya ang gumagawa nung curls na yun.

Master Clutter:

Hula ko, nakatira ka sa isang magarang subdivision noong bata ka no? Heheh

RedtheMod:

As we enter a new stage in our life, we tend to look back at the things that remind us of the simpler times.

It is in longing for the past that we become aware of our journey, and the truth that we all grow old, like the generations before us.

Mugen said...

Desole Boy:

Huy bulong mo naman kung anong mensahe ang nakuha mo? Ang alam ko nagre reminiscence lang ako kaninang madaling araw.

Okay lang kahit tumatanda. Mas lumalaki at tumataba naman yung *toot* ko Wahahaha!

Soltero:

Weh, high school ka na nung na-uso yung Cheese Curls eh! Ikaw yung pati yung nagsasabi sa mga bata na "Huuuuy! Wag kang bumili niyan, susumbong kita kay Mommy pag pinalit mo yang bote natin dun sa magkakariton!!" Lolz

Gerardo:

Totoo naman eh. Kaya wala akong paki kahit may worm yung uu ko Sasabihin ko lang sa mom ko, "Ma bili tayo Combatrin!" Tapos yun, masaya na ako. Nyahahaha!

Master Clutter said...

ah. hindi naman.
ahm, sabihin na lang natin na mashadong maarte ang aking ina at ayaw niya kaming nagalalro mashado sa labas-- kasi me nangunguha daw ng bata dun! ahaha.

tama, when we reminisce, memories bring us back to the time when everything was still so simple. unlike now, with modernity and haste on our heels, everything seems to be so complicated.

kiel estrella said...

ayus ang pagkakasulat, ah!

na-insecure akong bigla dahil marami sa readers mo di na alam ang care bears. eh ako, a generation earlier with voltez v and mazinger z. yaiks!

pero sa valenzuela noon, mataas na level yang chizcurlz, hindi naka-abot. ang naglalako pa noon, yung binatog (ng mamang naka bike) tsaka valenciang pinipig (ng long hair bading na naka pek2 shorts). tsaka walang free, lahat may bayad!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

bakit walang ganyan sa amin?

sa amin e mga manok isa-swap sa mga lumang damit.

ay alam ko na, wala gaanong naiipong bote. sachet kasi ang mabenta dito

Mugen said...

Mandaya Moore:

Yun ang mas masaya! Tandang ni Lolo Berto eh iswa swap sa lumang F & H. Wahaha!

Kiel:

Isang napakalaking karangalan ang pagdaan at pagcomment mo sa aking blog. :) Asus! Subukan mong mag-kuwento tungkol sa Mazinger Z at tiyak na lalabas ang tunay na edad ng mga blogger dito. Wahaha!

Meron rin sa amin na binatog. Nakabisikleta siya at nasa plastic na timba ang kanyang paninda. Dun ako sumakit ng todo ang tiyan.

Master Clutter:

Uy sobrang protektado pala kayo ni Mama. May ganyan akong mga kaibigan dati. Hindi sila lumalabas sa kanilang compound kaya hayun, pag makikipaglaro ako eh dumadayo ako sa kanila.

Yup. I love writing entries like these. It reminds me na hindi lahat ng nangyari sa buhay natin eh puro pacute lang. Wahahaha!

the geek said...

this is for the neophyte post:

when i started blogging, i asked myself if magkakaroon din ako ng readers. but aside from followers, bloggers and their comments, the most unexpected thing that happened, i found friends here...

and yes, lovers, too. :D


all of us were once a neophyte.