Thursday, May 8, 2008

Foreign Aid

Mayroon akong katrabaho at ang pangalan niya ay Cesario.

Sa unang tingin, malalaman mo kaagad na si Cesario ay isang sanggano. Pandak, moreno, maraming tatoo sa braso at ginagawang extension ng bahay ang trabaho sa pananamit nito. Laking kanto siya't madalas na ang isyu sa buhay ay kung sino ang huling gumago sa kanya noong isang linggo.

Noong una'y walang pumapansin masyado kay Cesario. Paano kasi'y puro problemang pamilya ang kwento niya sa amin at nasawa na rin kami sa walang katapusang on-off relationship niya sa kanyang girlfriend na dalawampung taon ang bata sa kanya.

Ngunit noong nakaraang linggo, bigla siyang naging spotlight sa opisina.

Paano kasi'y bumisita ang kasintahan niyang Amerikana.

---

Overnight, parang biglang nanalo sa lotto ang drama ni Cesario.

Noong huli ko siyang nakita, nakasando siya ng black, naka-jeans ng Dockers at tadtad ng alahas sa katawan. Ang kanyang girlfriend na puti naman ay namumula dahil sa init ng panahon noong mga araw na iyon. Mabait ang babae. Hindi lang si Cesario ang sustentado, kasama pati ang mga anak nito. Tingin ko, pati nanay at tatay ni Cesario ay naambunan rin ng grasyang dala ng kanyang Amerikanang girlfriend.

Bigla-bigla, naging ginto ang lahat ng earings ng aking katrabaho. May makapal na necklace siya na balot ng ginto. Ang kanyang bracelet ay ginto rin, at kulang na lang, magmuka siyang rapper na tadtad ng bling-bling sa katawan. Dati-rati'y naglalakad lang ito pauwi ng bahay, ngunit noong huli ko siyang nakasabayan palabas ng opisina.

Pumara ng cab si Cesario upang umuwi sa kanila.

Habang kasama ang mga katrabaho sa pagyoyosi kanina, topic nila ang biglang pag-overturn ng buhay ng aming kasama. Naroon at ramdam ko ang magkahalong inggit at pagtingala sa kanya ng karamihan. Ang iba naman ay natutuwa sa kanyang natatamong karangyaan sa buhay. Ngunit, kung may downside man ang kanyang biglang pagkakaroon ng pera, naroon ang pagbabago ng ugali ni Cesario mapa-trabaho man o kaya naman ay pakikitungo sa mga katrabaho.

"Binigyan nga ako ng M&M's na tsokolate noong dumating yung girlfriend niya eh," ang sabi ng katrabahong naming bungal na lalaki.

"Huwag ka, babawiin niya sa iyo yun sa isang linggo," hirit naman ng kasamahan namin na binatang ama.

"Kwento niya sa akin, binili daw ng sofa set ang mga anak." dagdag ng aming ka-yosi na kwarenta anyos na ina.

"Hindi ba dapat pag-aaral ng anak yung pinaghahandaan niya?" Sagot naman ng katrabaho naming isa pa.

"Balita ko inaayos ang visa papuntang States. Dun yata sila magpapakasal nung babae."

"Kaya pala pumapasok sa trabaho at nawawala ng tatlong oras pagka-time in nito."

"Dapat hindi siya masyadong umasa sa babae, paano kung bitawan siya nito?"

---

Minsan naiisip ko, ano kaya't nagkaroon rin ako ng foreign aid galing sa ibang bansa. Ano kaya ang magiging epekto nito sa buhay ko?

Magkakaroon kaya ako ng pad somewhere in Makati?

Makakapunta kaya ako't makakapagbakasyon sa iba't ibang dako ng Pilipinas at hindi lang sa Tagaytay?

Magkakaroon kaya ako ng mga materyal na bagay gaya ng SLR camera at Iphone na ni sa pangarap ay kinalimutan ko nang isipin?

Maiaahon ko kaya sa kahirapan ang pamilya ko?

Aaminin ko na minsan ay hindi ko mapigilang mainggit sa mga ganitong pagbabago ng buhay. Lahat naman tayo ay nangangailangan ng pera at nangangarap ng mas magandang buhay lalo pa't pataas ng pataas ang mga bilihin ngayon.

Ngunit kung ang karangyaang ito ang magiging kapalit ng aking kakaibang pagtingin sa mundo...

Nang aking gradual na pagtalikod sa mga materyal na bagay

At ang aking pagyakap sa Spiritualism at Environmentalism.

Tingin ko, sa kanila na ang karangyaan ng buhay.

Nang dahil sa kawalan, natuto na akong maging kuntento sa mga bagay na binigay sa akin.

Tama na siguro iyon para sa ikabubuti ng mundo.

---

On the other hand, it was reported on CNN that around 30,000 lives were feared lost in Myanmar in the aftermath of cyclone Nargis. From what I've heard in the news, relief efforts were taking too long to reach the victims.

With the rest of the world reeling from rising crude prices and the threat of a global food crisis looming over the horizon, I fear that a disaster of this magnitude in the future might go unheeded.

I do not know who's to blame or where should we start in order to solve these problems, but I feel that the more people gets hungry, the nations would see themselves on their own.

No comments: