Mataas na ang sikat ng araw ng ako'y magising kaninang umaga. Hubad man sa aking pagtulog, naroon pari't balot ng malagkit na pawis ang aking balingkinitang katawan. Gaya ng nakagawian na, ako'y tutungo sa kuwarto ng aking nanay upang batiin siya ng magandang tanghali. Matapos humalik sa kanyang pisngi'y ako naman ay bababa upang humarap sa salamin katapat ng aming sala.
"Flat tummy... I'm starved to death na naman."
Dahil hindi naman ako naghahapunan sa amin, madalas ay espesyal ang ulam namin tuwing tanghalian. Chicken Curry ang kinain ko kanina. Palibhasa'y tuloy pa rin ang pagpapakumpuni ng aking nanay sa aming bahay, magulo na ang kusina nang akin itong datnan. Ang mga karpintero ay naghahalo ng kanilang pintura sa garahe, samantalang ang kapatid ko naman na unang araw sa trabaho ay umaga pa lang ay nakaalis na ng bahay.
Matapos kumain, dagli akong naligo gamit ang tubig na ininit sa akin ng aming kasambahay. Ubos na ang aking Nivea Facial Wash kaya naman tiniis ko na lang na wala munang hilamos ngayong araw. Kadiri. Subali't dahil marami naman akong lakad sa aking paglabas, tiyak na sa pag-uwi ko kinagabihan ay may dala na akong toiletries para sa aking katawan.
---
Ang unang lakad ko ay sa PUP.
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng hikayatin ako ng aking inay na rumaket sa unibersidad na kanyang tinuturuan. Ito daw ay makakatulong sa aking Master's lalo pa't ako rin naman ang unang nakapansin na walang "human element" ang isang dokyumentaryo na ginawa ng mga estudyante galing sa kanilang Mass-Com Department. Kasama kasi sa documentary na ito ang aking ina. Palibhasa'y bahagi ng training ko ang kahalagahaan ng pagpukaw ng emosyon sa pagsusulat, kaya naman matindi ang aking batikos sa kanilang presentation.
"What's the purpose of statistical data if it cannot induce any emotions from the viewers?" Hirit ko sa aking nanay habang pinapanood namin ang documentary. Tuloy, nagresulta ito sa aking hangaring "ibahagi" ang aking nalalaman tungkol sa mga bagay na ito. Dala na rin ng matagumpay na reporting sa aking Middle Eastern Literature class noong isang semester, nagkaroon ako ng lakas ng loob sumabak sa mundo ng pagtuturo.
Sa kasamaang palad, nawawala ang aking application letter pati na rin ang resume na dineretso pa ng aking inay sa kanilang Presidente. Sa ikalawang pagkakataon, nabigo na naman ang pagbalik ko sa unibersidad kung saan ako nag-high school. Sayang. Handa ko na sanang isuko ang raket na ito na binansagan kong "Project Osiris" pero ang sabi ng aking nanay, siya daw mismo ang mag-fofollow up sa Presidente kung ano na ang nangyari sa aking application.
Bahala na si Batman kung ito ba'y maging bahagi ng aking hinaharap.
---
Ang ikalawang lakad ay sa aking gym.
"Grabe, kaharap ko ngayon si Ginoo. Mukhang mapapasubo ako sa work-out ko nito." Ang text ko kay Kuya Trip habang si Ginoo naman ay nakangiti sa akin.
Paano naman kasi, sa tinatagal-tagal kong pag-iwas sa gymmate kong ito'y siya namang biglang sabay ng aming pagbubuhat. Ang nakakailang pa sa aming pagtatagpo, magkatapat ang aming power cage kung saan siya ay gumagawa ng bicep curl samantalang ako naman ay nakahiga upang gawin ang aking bench press.
Matipuno pa rin ang morenong katawan at brusko pa rin sa kilos si Ginoo. Nakaka-distract man ang kanyang malaking tiyan, subalit sa pasimpleng pagtitig ko sa malaking braso niya ay pinanlalabutan na ako.
Bago ako magsimula ay napansin niya ang aking pagdating. Tumango siya upang ipaalam ang kanyang pagkilala sa aking presence. Gusto ko man magsalita at batiin siya, subalit ako'y inabutan na ng pagkabakla dahil na rin sa paghanga ko sa kanya.
Iba talaga ang dating sa akin ng lalaking ito.
Habang gumagawa ng sets sa aking Benchpress, kapansin-pansin ang pagtigas ng aking alaga sa tuwing siya'y tumatayo't pumapagitna sa aking mga binti upang magpahinga. Masyado kasing napupukaw ni Ginoo ang aking imahinasyon lalo pa't walang isang dipa ang lapit namin sa bawat isa. Grabe. Kaya naman kahit pinagbabawal sa amin ang madaliin ang exercise, nagawa at natapos ko ang Benchpress sa higit na maikling oras kumpara sa aking madalas na nagagawa.
Isang oras rin ang tinagal ko sa loob ng Eclipse. Sa tagal kong iyon, puro pagpapasikat yata kay Ginoo ang aking ginawa nang walang habas kong pinagsabay ang cardio at weightlifting. Isipin mo na lang, sa aking Squats na 150 lbs, kailangan kong makabuo ng 20 sets na may alternate na tatlo at isang reps at pahingang 30 seconds bawat interval. Tuwing naroon si Ginoo malapit sa akin, ang 30 seconds rest ay nagiging 20 seconds na lang kaya naman kahit tagaktak na ang pawis ko sa pagbubuhat, pakonswelo na lang na nagiging inspirasyon ko ang kanyang pang-kamang katawan.
---
Ikatlong lakad: Santa Clara Church.
Nais kong panindigan ang aking panata na magpakabuti, kahit ito pa'y nasira ko nitong nakaraang gabi. Upang humingi na rin ng kapatawaran sa aking kalokohang nagawa, bumalik ako sa simbahan ng Santa Clara para manalangin ng taimtim. Dito na rin kasi ako natutong kumuha ng lakas sa tuwing ako'y nagugulo ang isip at nababalutan ng takot sa dibdib.
Sandali lang naman ang aking itinagal. Ang mahalaga'y napagdasal ko ang mga taong importante sa akin at nakapagpasalamat ako sa mga biyayang natatanggap, ito man ay maliit at kadalasan ay hindi ko lubusang napapansin. Naroon rin at kasama sa aking dasal ang pangakong magiging mabuti sa kapwa, kahit na ako'y nabibigo na magpakabuti sa aking sarili.
Makulimlim na ang kalangitan nang ako ay lumabas ng chapel. Dala ko sa aking puso ang kapayapaan na lagi kong nakukuha, sa tuwing ako'y pumupunta sa kumbentong iyon.
---
Nagsimula ang aking lakad ilang oras matapos magtanghalian, at natapos ito ilang minuto bago mag TV-Patrol.
Sa lakad ko ngayong araw, sumakay ako ng isang tricycle, apat na biyaheng FX, isang LRT mula V. Mapa hanggang Katipunan at isang jeep mula Cubao hanggang Santa Mesa. Mahaba rin ang aking nilakad gamit ang mga paa, lalo na sa bahaging Katipunan mula Santa Clara hanggang P-Tuazon sa Cubao. Natagtag rin ako sa aking superintense workout salamat sa inspirasyong dala ni Ginoo na nakasabay ko sa pagbubuhat kanina.
Bukod sa aking tatlong malalaking lakad, nakapag-stop over pa ako sa Puregold Shaw upang bumili ng pang linis sa mukha, at pati na rin sa PS Bank upang magbayad ng aking credit bill. Namili rin ako ng itlog na iaalay kay Santa Clara, nagbigay ng bente pesos sa dalawang batang balak sana ako pagbentahan ng Sampaguita habang naglalakad patungong simbahan at nakabisita sa isang palengke sa Araneta Center, kung saan nabighani ako nang makita sa isang pasilyo ang mga binebentang palaka na sangkap sa mga exotic dish.
Sa buong maghapong lakad ko, ang talagang kasama ko lang ay ang I-pod na lagi kong pinapalitan ng istasyon sa tuwing magbabago ang mood ko. Naroon rin ang isang binata na hindi ko man personal na kilala, ngunit sa aming walang sawang pagpapalitan ng text messages upang kilalanin ang bawat isa ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na may kasama.
At gaya ng aking mga lakad simula kabataan ko pa lang, maituturing na isang soloflight ang lakwatsa na ito. Sa kabila noon, kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagiging looser, bagkus nagkakaroon pa ako ng sheer enjoyment sa aking pag-iisa. Paano ba naman, sa halip na meron akong aalalahanin at hindi papagurin, sarili ko lang ang dala ko. Matripan ko man maglakad pauwi ng bahay o kaya naman ay pumasok sa opisina ng may opisina upang matagpuan lamang ang istatwa ni Buddha, walang magsasabing naprapraning ako't malapit na ipasok sa mental hospital.
Natapos ang aking maghapon na puno ng fulfillment. Bumalik man ako sa trabaho bukas, buong pagmamalaki kong masasabi na solb ang day off ko. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa aking natamong di-maipaliwanag na kaligayahan.
Umuwi akong basa ng tubig ulan.
Paano kasi'y kahit malakas na ang buhos nito, hayun at mukha akong timang na sa gitna ng kalsada, naglalakad na parang escort sa isang sagala.
Ito ang tunay na kalayaan para sa akin.
---
"Ang boring pala talaga na tao. Loser pa! Boring at Loser. What a combination!
Pinarealize nya lang sa akin kung gaano "di kanormalan" ang lumabas ng magisa araw araw. Madalas ko pa naman syang katxtmate, kaya madalas alam nya kung anu ang mga pinaggagawa ko--lumabas magisa, kumain magisa, manuod ng sine magisa. Basta lahat ng bahay na ginagawa nyo ng may kasama ay ginagawa kong magisa."
- Itong entry na ito'y maging inspirasyon sana sa iyo, Kaibigang Shamasu.

No comments:
Post a Comment