10:20 PM
"Kapatid gising ka pa?" Text ko kay Dodong habang nakaupo sa isang bakanteng work cubicle. Matagal nang nakaalis ang mga katrabaho ko, subalit dahil hindi pa ako nakaka-recover sa shock mula sa mga pangyayari noong gabing iyon ay pinili ko munang magpaliban sa opisina.
"Gising pa pero patulog na rin ako in a while. Why?"
"I just want you to know that we broke up." Makalipas pa ang ilang minuto, tumawag si Dodong sa aking telepono.
Si Dodong ang isa sa mga kauna-unahang PLU na nakilala ko. Kakasimula ko pa lang sa ganitong buhay samantalang siya naman ay isa na sa mga founders ng samahang #Manhood na kilala sa pagscre-screen ng mga potential members galing MIRc. Paniwala kasi nila na kailangang magkaroon ng hiwalay at ekslusibong samahan ang mga discreet at closet sa pangambang maari silang ma-out kung tatanggap sila ng may sablay sa grupo. Palibhasa'y sa ibang paraan kami nagkakilala ni Dodong kaya't ang mapabilang sa kanyang mga kasama ay hindi na sumagi sa akin.
Kasikatan ng Wireless Journal noon. Ito ay isang exclusive service ng Pinoyexchange kung saan maari kang mag-update ng sarili mong thread gamit ang iyong cellphone. Halimbawa'y naglalakad ka sa Shangri-La nang makita mong sinampal ni Kris Aquino si Jobert Sucaldito. Isang text lang gamit ang iyong phone at maari mo nang ikalat sa PEx ang iyong nasaksihan.
Pareho kaming miyembro ni Dodong sa Wireless Journal. Straight man ang aming front sa mga tao roon subalit matapos naming mabasa ang update ng bawat isa, di naglaon ay nagkahulihan rin kami ng aming mga tinatago. Matapos ang isang biglaang eyeball na nauwi sa pagpapakilala ko pa sa aking mga bagong kaibigan ilang linggo ang lumipas, simula noon ay lagi nang nagkru-krus ang aming landas.
Marami na rin kaming pinagsamahan ng aking kaibigan. Naroon na naging maghouse-mate kami ng walong buwan. Nakapasok kami ng Mint (Malate) for the first time na halos manginig ang binti sa kaba. Nasaksihan ko ang kauna-unahan niyang high-profile na break-up, samantalang siya naman ang nakarinig sa akin na humagulgol sa cellphone nang makipag-split ang una kong buddy sa akin. Pitong taon na ang lumipas ngunit ang pagkakaibigan namin ay hindi kumukupas. Alang-alang sa napakatagal naming pinagsamahan, isa siya sa una kong pinagsabihan ng break-up.
"Kapatid, nandito na ako sa gate ng condo mo."
"Wait ka lang, baba ako."
Malamig ang gabing iyon at wala nang taong naglalakad sa kalsada. Palibhasa'y kabilang street lang ang condo ni Dodong mula opisina kaya't madali lang sa akin makipagkita sa aking kaibigan. Sa piling ng apat na bote ng San Mig Light na pinagsaluhan naming dalawa, inilahad ko sa kanya ang buong nangyari. Sabi niya, anticipated na niya ang break up ilang taon pa lang ang aming binibilang ni ex. Ang hindi lang niya ma-gets ay kung bakit ganun katagal ako nag-intay bago nakipaghiwalay.
---
Para akong nanalo sa jackpot noong gabing iyon. Sa aking harapan ay naroon si Dodong na kasa-kasama ko na bago ko pa man masubukan makipagtalik sa kapwa lalaki. Sa phone naman ay tuloy ang buhos ng text message mula sa mga kaibigang nakabalita ng aking paglaya.
"Hehehe. And i feel 4 d first time a smile of great relief from u. M happy 4 u." Ang text sa akin ni Kuya Trey. Sa totoo ay masayang masaya ako nang gabing iyon. Sa sobrang saya ko nga ay pati boss ko na walang alam sa aking sexual preference ay binalitaan ko ng break-up na may bahid ng ngiti sa aking mukha.
Sa kabila ng aking kagalakan, alam kong may isang tao na naghihinagpis sa mga nangyari. Hindi makakaila na putulin ko man ang aking koneksyon sa taong ito ay naroon pa rin ang pag-aalala sa kanyang kalagayan. Ang munting pagdiriwang sa bahay ni Dodong ay pampalubag-loob lamang sa aking mga haharapin sa susunod na mga araw. Hindi ko man sabihin sa aking mga kaibigan nang mga oras na iyon, ngunit ang assurance nila ay sapat na upang maitawid ang magdamag na buo at walang pagdududa sa aking ginawa.
Kay tagal kong inasam maging single at ngayong ito'y nagawa ko na, ang aking desisyon ay wala nang atrasan pa.
---
Mabilis ang mga pangyayari nang sumunod na araw. Upang makasiguro na walang makakahabol sa akin, pinapalitan ko ang aking cellphone number magbayad man ako ng malaki para dito. Kasabay nito ang pag-delete sa kanyang connection sa aking friendster at pati na rin ang pagpapalit ng aking profile picture at pangalan upang hindi niya ako mahanap sa website na iyon.
Sa tulong ni Mami Athena ay na-block ko ang kanyang email address sa aking Yahoo Account. Hangad man niya mag send sa akin ng e-mail upang pag-usapan ang mga bagay-bagay ay tiyak na mapupunta lamang ang kanyang mensahe sa spam folder. Desperate times need desperate measures sabi nga nila.
Marahil ay kung umuupa ako ng bahay ay naisipan ko rin lumipat ng matitirhan huwag lamang niya akong makita. Mabuti na lamang at hindi pa niya natutunton ang aking pinagtra-trabahuhan kaya't ito'y lagi kong magiging taguan sa tuwing hahanapin niya ako sa bahay. Sa ikalawang linggo ng aking kalayaan ay tinamaan naman ako ng isang matinding karamdaman. Marami ang nagsasabi na si Throatie ay bunga ng stress at paranoia na akin nang nararamdaman bago ko pa man maisipan humiwalay sa kanya at magsolo ng landas.
Malayo pa ang umaga sabi nga ni Rey Valera, at sa kaso naming dalawa, ang banta ng kanyang pagbabalik ay higit na napapatotohanan ngayong nasasanay na ako sa buhay mag-isa.
"Tumawag nga pala si Phanks kanina." Pahabol ng aming kasambahay nang mag-check ako sa bahay kanina.
"Ano sabi?" Mabilis kong tugon sa kanya.
"Kung pwede daw makitulog dito sa bahay sa Sabado, nag-iwan nga ng number sa akin eh."
"Pag tumawag ulit, sabihin mo wala ako sa bahay sa Sabado."
Lubhang masakit ang siya'y bitawan. Ngunit ang alaala na kanyang dala na tila isang bangungot na pilit ko mang kalimutan.
Ay maaring maging dahilan upang matagalan pa bago ko makita ang hinaharap na pagkatagal-tagal ko nang pinapangarap.
---
Don't call me
Don't write
Don't show up in the middle of the night
You know that
We needed
Some time and space to breathe
- Kim Sozzi, Letting Go

No comments:
Post a Comment