Friday, October 24, 2008

The Not So Naughty Me

Pasado hatinggabi kanina, nagkamali ako ng sinakyan na jeep galing sa gym. Sa halip na ibaba ako ng aking sinasakyan sa mismong kanto patungo sa aming bahay, sumakay ako ng JRU na ang biyahe lamang ay hanggang Kalentong. Ang lugar na ito ay lubhang napakalayo pa sa bahay at isang napakalaking kahangalan kung susubukin ko man ang maglakad pauwi.

Habang nag-aabang ng jeep patungong Quiapo ay nakaramdam ako ng gutom. Naubos ko na nga pala ang reserba ko sa pagbubuhat at ang kumain ay dinidikta na ng aking sikmura. Naglakad ako hanggang maabot ang panulukan ng Shaw at Kalentong. Dito kasi ay may Banco De Oro na siya namang bangko ng ATM ko.

Akmang magwi-withdraw na sana ako nang makita ko ang isang karatula na nagsasabing offline ang bangko. Asar. Tatawid na naman ako upang magwithdraw sa isang ATM na nalampasan ko na sa aking paglalakad. Ayaw ko nang lumayo. Either magtitiis ako ng gutom magdamag o kaya naman ay iintaying mag-online ang BDO. Bahala na.

Lumapit ako sa ATM upang kilatisin ito. Ang karatula ay nakatakip sa screen subalit patuloy pa rin ang paglabas ng ads ng bangko dito. Mukhang may pasaway na nakaiwan ng karatula samantalang ang ATM naman ay online na.

Tiiiiiiinggg!!! Bigla akong nakaisip ng ideya.

Nakapaglabas ako ng P200 galing sa ATM. Nabusog ang aking tiyan matapos lumamon sa Bestfriends malapit sa aking tinitirhan. At bilang souvenir ng aking pagiging delinkwente, at reward sa pagiging loyal account holder ng Banco De Oro,

umuwi akong may pasalubong sa aking kuwarto.


---

Postcript: This post is not actually about my delinquent tendencies. The entry is for a friend who left the country yesterday to find his calling abroad. It might take years before his return, and his departure left a gaping hole, that, no matter how I try to fill will remain spaced out.

If he never found this blog two years ago, I wouldn't be able to introduce him to a new tripper friend who related to what he had written. From there, the friendship bloomed. New people joined our little alliance and despite not being able to see each other regularly, I know that our bond is strong.

The alliance reconvened two nights ago in Cubao to express our wishes before his flight. As a souvenir, I asked for his lighter.

I will keep it until he returns.

This is how we will remember Macoy

- club bath
- dial 911
- shishi-kitsune accords
- surprise visit at the enterprise para magyosi
- red mitsubshi lancer
- bisita iglesia
- enchanted kingdom
- inuman sa quatro with roy, centurion, dn and dodong.


No comments: