Sunday, June 21, 2009

Brotherhood: Alliance

Matapos samahan ang aking nanay sa kanyang lakad sa Laguna, dali-dali akong lumuwas ng bahay upang magpakita sa isang birthday dinner kagabi. Naging taunan na rin ang pagkikitang ito simula nang buksan ng host ang pintuan ng kanyang apartment sa mga kaibigan sa blogspace.

---

Tatlong taon na rin ang nakaraan nang una kaming magtagpo sa G4M.

Headless picture na rin ang kanyang gamit na avatar noon. Palibhasa ay maganda ang katawan kaya naman kahit ako ay napahanga at naintimidate dito. Binasa ko ang kanyang profile. Ang nilalaman nito ay nagpatunay na may sense kausap ang may-ari ng account. Maangas man ang kanyang dating ngunit ramdam mong wala siyang hangin - sadyang confident lang siya't kaya niyang panindigan ito.

Dahil dito ay hinangad ko siyang maging kaibigan. Gusto kong matuto sa kanya.

Dinaan ko sa work-out at fitness ang pick-up lines upang makausap ang ginoo. Ito ay kung tama ang aking natatandaan. Maari rin kasing nag-usap kami tungkol sa kanyang kabubukas na blog na tungkol sa kanyang mga sex trippings. Nagkataon naman na may isang reader ng aking blog na trippings rin ang tema ng kanyang mga sinusulat. Akala ko pa nga ay iisang tao lang ang dalawa. Subalit nang malinawan akong iba ang gimik at writing styles nila, unti-unti kong inintroduce ang ginoo sa aking mundo sa blogspot.

Doon ay nakilala niya si Macoy.

Ang kanilang pagdating ay simula ng pagbabago ng pag-ikot ng mundo ng mga bloggers. Kung dati rati ay uso ang gay linggo sa pagsusulat ng mga entries at may reference sa Queer as Folk at Queer Eye for a Straight Guy ang tema ng mga blogs, ang mga tulad nila Macoy ang unang bumitaw sa stereotype. Ang pag-iintroduce rin ng aking kaibigan kay Macoy at ang sabayan nilang pagsusulat ng mga adventures ang nagbigay ng lakas ng loob sa ibang bloggers upang isulat ang kanilang trippings.

Dahil ako ang pinaka-maPR sa hanay nila, ako rin ang masipag makipag-eyeball upang itaas ang level ng aming samahan mula sa pagiging online barkada tungo sa mas higit na personal na pagkakaibigan. Una kong na meet si Hugh (paleground) at kasama si Hugh, kinita namin si Macoy. (darkbrokenredjars) Matapos ang matagumpay na eyeball, nagpasya kaming kitain ang taong bumuo ng grupo.

Observing their habits individually, there is indeed much more to M's mysterious appeal to H's boyish charms. T's wisdom, warmth and compassion can be compared to those of a sage. They may never reveal these traits, especially in their respective blog pages, but for a moment there, I felt a sense of brotherhood among the four of us.

- Faith, Hope Love (Act Three) April 6, 2007

Buwan ng Agosto nang una akong magpadala ng private message kay Kuya Trip. Dala ng pagiging pormal sa aking pakikitungo sa kanya, hinayaan kong tumagal ang aming ugnayang blogger hangga't hindi ko nakikita ang iba naming mga kasama. Marami na ang nagbago at dumami pa ang mga taong tumitingala sa kanyang kontribusyon sa blogspace.

At silang lahat ay dumating, naki-party at nagbigay pugay sa kanyang kaarawan kagabi.

---

Souljacker: Weeh! Tagal naman ni Macoy. May despedida pa kaming pupuntahan ni Smoke Dancer eh.

The Tripper: Nandiyan na daw siya, naliligaw lang. Nakalimutan ulit yung kalye namin.

Souljacker: Saan ba nanggaling yun. May dinate ba muna bago magpunta rito?

---

Mainit sa unit ni Tripper kaya't sa Deck Access namin napagpasyahang tumambay at magkuwentuhan. Matapos pa ang ilang minutong pag-iintay, nakita namin si Macoy na papaakyat na ng hagdan.

Souljacker: Naks ang hunk naman!! Ba't ang tagal mo?

Macoy: Galing pa akong Glorietta, ah Greenbelt pala. May kinita lang.

Souljacker: Wushoo!! May date ka lang eh.

Todo denial ang Macoy. Kaibigan lang daw yung mineet niya.

Nag-abot ng San Mig Light si Trip sa bagong dating, habang ako naman ay panay ang amoy ng t-shirt na suot ko pa kinaumagahan.

Souljacker: Kuya Trip ang baho ko na, pahiram naman ng damit.

Sa loob-loob ko, himala na lang kung magkasya sa akin ang damit ng aking pinaghihiraman.

Dumiretso ako ng banyo upang maghilamos ng mukha. Hawak ang itim na t-shirt na inabot sa akin pagkadating sa unit, pilit ko itong sinuot gaano man ito kaliit sa akin. Yun na daw ang pinakamalaki niyang small shirt, paalala niya sa akin.

"Swerte na lang kung hindi ako magmukhang suman dito." Matapos unatin pababa ang damit. Nagkasya ito sa akin.

Lumabas ako ng banyo na may ngiti sa mukha.



"Nagkasya ba?"

"Oo! At may blog entry na ako bukas!"

Nagpaalam kami ni Smoke Dancer na may dalang maliit na plastic bag sa aking kamay. Ang balikbayang si Macoy ay nag-abala pa pala ng isang Cadbury at Banana Republic na pabango upang ipasalubong sa akin.