Pasado hatinggabi nang dumating ako sa bahay. Galing ako sa gym at bakas sa mukha ang pagdadalawang isip kung itutuloy ko ang aking balak gawin. Dala ang dalawang bigkis ng retasong basahan na binili ko malapit sa Town and Country, (sa Santa Mesa) dali-dali kong hinanap ang mga canister ng disinfectant na nakita kong nakakalat sa kusina noong umaga. Nakita ko ang mga ito na nakatago sa ilalim ng lababo.
Ubos na ang laman.
Kahit mabigat ang katawan, iika-ika akong tumawid ng isang boulevard marating lang ang 7-Eleven malapit sa aming lugar. Naghahanap kasi ako ng Lysol Spray na kapalit ng inubos ng aming kasambahay nang linisin niya ang kuwarto ng aking utol. Meron naman akong nakita subalit nang malaman na P200 pala ang presyo nito, dagli akong napaatras at kinuripot na lang ang kakarampot na pera.
Bumalik ako ng bahay na iba ang laman ng plastic bag. Bukod sa dark choco cookies na noong isang linggo pa kinaka-adikan ng aking tiyan, isang maliit na sachet ng powdered detergent ang pinili kong gamitin upang ipantanggal ng dumi at alikabok sa mga sulok-sulok ng aking kwarto.
Dala ang kalahating baldeng tubig, sinimulan kong padaudusin ang basahan sa ibabaw ng bookshelf.

1 am
6 am
Paliwanag ng isang kaibigan, ang pagkakaroon ng general cleaning ay maihahambing sa isang spiritual renewal. Sa bawat dampi at pahid ng basahan sa alikabok ay unti-unting lumilitaw ang tingkad ng isang patungan ng libro o kaya naman ay dingding ng aparador.
Inabot rin ng limang oras bago ako natapos. Para sa isang maliit na kuwarto na gaya ng sa akin, kaya ng dalawang oras ang paglilinis kung hindi ako humihinto at nagrereminsce sa mga bagay-bagay na pinapasadahan ng aking kamay.
Gaya ng isang liham na hindi ko tinapos basahin nang ito'y pinadala sa akin.
O kaya naman ay ang mga lumang folder na naglalaman ng mga essays na sinulat ko sa kolehiyo.
Matapos ang pangwakas na pagwawalis ng carpet at pagpapalit ng nanlilibag na kubre kama, tahimik akong kumuha ng shorts at tuwalya sa aparador. Pinatay ko ang ilaw at iniwan ang kwarto na para bang walang gumalaw rito. Sa banyo kung saan ang bawat buhos ng tubig ay nakakatanggal ng sabon na dumikit sa aking nanlilimahid na katawan,
Napaisip ako't napangiti.
Sa labas ng bahay ay padilat na ang araw.
Habang sa puso, kung saan direktang sumisimbolo ang aking taunang paglilinis ng kwarto, nakaramdam ako bigla ng isang panimula.
---
Kay Jasondoors na naging kakulitan ko sa Twitter buong magdamag. Salamat dude. Sa iyo ang kalahating bahagi ng aking kama.
11 comments:
**envious**
Panahaon, panahon... yan ang kailangan ko para magawa ko ring paliguan ang kwarto ko...
Hay, buti ka pa... :)
ano meron? hmmm...
may inuman ba ngayon dyan?
may mid-year bonus kang natanggap?
isunod mo na din ang kwarto ko ha? hehehe
pakisunod din ang kwarto ng mga engkantos hehehe.
pero teka, inspired maglinis, inabot 5 hrs. hmmmm.. bagong simula, therefore may inspiration.
may ganun?
Acrylique: Kung alam mo lang kung gaano ako tinatamad maglinis kanina. Imagine, bugbog na nga ako sa pagbubuhat, bubugbugin ko pa ang sarili ko sa pagpupunas ng mga dingding at surface ng mga furniture sa aking kuwarto.
Salamat sa pagbisita sa aking blog.
Gillboard: Malalaman mo rin sa mga susunod na araw. Hehehe.
Bloiggster: Pa-Bottom ka muna!
Jason: Akala ko kasi eh makikitulog ka sa bahay kaya pinaghandaan ko ang iyong pagdating. Hahaha.
Blagadag: Wala pa nga akong suweldo eh. Huhuhu.
Encanto: Baka naman kapag nilinis ko ang kuwarto ng mga encanto wala pang isang oras eh magulo na ulit ito?
Magdamagan talaga ako maglinis. Kahit nung college eh ganun na ako.
nainspire ako maglinis ah, linisin ko nga yung kwarto ko this weekend. siguro, oke na yung 15 minutes, hehehe.
word verif: deche. hahaha
Maxwell: Pretend that HE will sleep-over, ewan ko lang kung hindi ka sipagin maglinis. LOL.
joms usta na?
Post a Comment