Friday, March 19, 2010

Bones Under The Work Station





A repost:

Pasado alas-diyes ng gabi.

Umalis kami sa bahay ni Moosh na kapwa lasing. Palibhasa'y napagkasunduan na magkasabay kaming uuwi, pumara ako ng taxi na magdadala sa aming kanya- kanyang bahay. Ang plano ko ay i-drop off muna siya sa kanyang bahay sa Mandaluyong bago dumiretso sa amin. Tutal, magkatropa naman kami. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, iba pala ang magiging takbo ng gabing iyon para sa akin.

Habang binabagtas ng taxi ang kahabaan ng Bonny Serrano, muli niyang nabanggit ang naging drama noong inuman. Isang kasamahan ang nagsabing ang first impression daw niya sa akin ay isang "girl," na kunwari namang ikinagalit ko at ipinakita sa pamamagitan ng pagsuntok sa lamesa sabay walk-out sa mga kasama ko. Ngunit ang totoo, iyon ay isang pag-tritrip lamang. Alam naman ng host kung ano talaga ang sexual preference ko.

Ang usapang iyon ay nauwi sa munting confession sa kanyang bahagi. Noong una, may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi ng diretso sa akin. "What will you feel if you have a dark secret and a friend of yours spilled it to everyone?" bungad niya. Ako nama'y nagpatay-malisya lang. Sa kanyang tanong, ang tanging naitugon ko lang ay "What do you mean dude?"

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan naming dalawa habang patuloy pa rin ang andar ng taxi. Kinulit ko siya sa ikalawang pagkakataon upang linawin ang kanyang sinabi, siya nama'y nagtikom bibig lang.

Nang naramdaman niya na hindi na ako magsasalita at magtatanong tungkol sa kanyang naunang nabanggit, kinuha niya ang aking kamay at idinantay sa kanyang harapan. "Does this mean something to you?" Tanong niya. Ako nama'y natameme sa kanyang napaka-agresibong galaw. Isa yun sa mga classic na-korner moments na hinding hindi ko makakalimutan.

"It feels good, don't take your hand away," pakiusap niya sa akin.

Pinisil ko ito upang malaman niya na gusto ko ang kanyang ginawa. "Saan tayo ngayon?" Tanong niya. "Trip mo ba?" bato ko kanya. Nang hindi siya makapagdesisyon para sa ginawa niyang pangkokorner, inulit ko ang aking tanong.

"Trip mo ba tol?"

"Ikaw ang bahala," ang tanging naitugon niya sa akin.

Pinara ko ang taxi sa may tabi ng PS Bank upang mag-withdraw ng extra cash. Noong mga oras na iyon, hindi na mahalaga kung saan kami makarating o kung ano man ang mangyari sa amin. Pagbalik ko sa taxi, siya naman ang pumisil sa aking harapan, upang siguro ay makumbinsi ako na ang kanyang mga galaw ay hindi basta trip-trip lang.

Kumbaga sa term ni mga bading, isa siyang Gen-Txt. He is one of us.

Habang nakahinto ang taxi sa panulukan ng Araneta Avenue at N. Domingo, sumandal siya sa balikat ko upang umidlip sandali. Ako naman ay tumawag sa bahay upang ipaalam na magpapa-umaga ako sa bahay nila Moosh. Ang dahilan ko ay upang higit na maka-bond ang mga katrabaho ko.

Hindi nila alam na isang tao lang ang gusto kong maka-bond noong gabing iyon.

Patuloy ang takbo ng taxi. Sa wakas ay natawid na namin ang V. Mapa at nasa lugar na kami kung saan naroon ang mga motel. Balak ko sana na sa isang motel malapit sa Crossing ko siya dadalhin. Ngunit, habang pakanan kami patungong Shaw, namataan ko sa aking kanan ang Anito. Marahil na rin sa thrill at excitement na makaniig ang tinuturing kong best-bud sa trabaho, bigla kong inutos sa taxi driver na lumiko sa makipot na daanan papasok ng motel.

The rest is history.






Many years later, the colleague fated to be my sole affair in the workplace has a very good chance of becoming my junior officer.




14 comments:

ang bidang ungas said...

Well wala akong masabi, pero in fairness, happy ako sa achievements niya ay lalo na sa achievement mo!

Ito lang ang masasabi ko.. subukan niya akong kantiin..haha joke!

Congrats sa achievement mo sis" Ur such a winner!! : )

Galen said...

Jerjer

Do well in the account, ilalakad ko na ikaw maging kasama ko sa training department. Hehehe.

Yaan mo siyang mabulok sa QA. Lol.

JR said...

ang landi mo!...damn, to have sex with my boss is one of my fantasy that will forever remain as such..kasi straight sya..pero binigyan mo ako ng hope...konting landi ko pa siguro nyahaha...

Galen said...

JR:

Hindi ako ang may sala. Nagpaubaya lang ako. Malas ko lang, tinamaan ako sa kanya. Hays those were the days.

Boss mo lalandiin mo? Hahahaha!

Mac Callister said...

interesting!dakmaan ever!cute hahhaa

gauxves said...

"Many years later, the colleague fated to be my sole affair in the workplace has a very good chance of becoming my junior officer."

is it.... does it mean may chapter 2?

Galen said...

Mac:

Kaya pagkatapos ng insidente na yun, asar na asar ako sa mga lalaking nagpapadakma.

Taena, ako muna dakmain nila. Lol

Gauxves

Pman? No way!

soltero said...

damn! sarap hehe ;)

Anonymous said...

ay matry nga yan ng lol.......


xoxo

iurico said...

hahaha - classic taxi moments indeed.

wv: ganyan

Galen said...

Soltero:

Di pa nga ako graphic niyan eh. Hahaha!

Markh:

San mo i-try sa b***o? Hahaha!

Iurico:

First and last taxt moment. The next eh puro FX na! Lol :)

PILYO said...

ang saya nyan ! kung junior officer mo na sya, eh lagi kayong magkasama sa office.

dakmaang bonggang bongga na yan hahahahaha.

~Carrie~ said...

Sing juicy ng purefoods tender juicy hotdogs! Pero di singmahal, dahil Ito ay priceless!

Galen said...

Pilyo:

Strictly professional na lang ang turing namin sa isa't isa kung ganun. Anyway, paki ko sa kanya. Mas masarap na ako ngayon kesa nun.

Carrie:

Hahahaha!