Grade School pupil pa lang ay pasaway na ako pagdating sa tardiness. Naroon na kailangan bumangon ng 5:30 ng umaga para sa pasok na 6:45 pero alas sais na subalit ako ay nakahiga pa rin. Kasambahay ang madalas gumigising sa akin - na lagi ko pang inaaway kapag hindi ako binibigyan ng time extension. Talo pa ako ng pusa sa pagiging hygienic. Ayaw na ayaw kong nabubuhusan ng nagyeyelong tubig kapag bagong gising. Kaya sa halip na pumasok ng walang ligo, katulong rin ang nagpapaligo sa akin.
Kahit ako ay Grade 5 na.
Araw-araw ang flag ceremony sa aming school. Meron kaming isang malaking quadrangle kung saan sama-samang nakatayo sa pila ang mga elementary at high school students. Sa gitna ng quad matatagpuan ang flagpole. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagtataas ng bandila noon, pero may hinala ako na hindi yun manggagaling sa hanay ng highschool sapagkat lahat sila ay mga babae.
Dumarating ako ng school pasado alas-siyete na. Manggaling ka ba naman ng Santa Mesa patungong E. Rodriguez sa Quezon City at tiyak na kulang pa ang isang oras na travel time para makaabot sa iyong paroroonan. Kabilang ako sa mga pugante na hina-hunting at dinadala sa Office of Student Affairs. Sermon lang naman kay Mr. Jose Dela Cruz at pag-confiscate ng ID ang parusa sa hindi pag-attend ng flag ceremony. Pero ang trauma ng pakikipaghabulan (na minsan ay umaabot pa sa Nun's Quarters habang naririnig sa buong paligid ang favorite anthem ng mga madre na Salve Regina sa movie na Sister Act) lalo na sa isang pupil na kagaya ko, kasunod ng pagdakip ng mga Boys Scout at pagtinginan ng ibang mga estudyante na nagmamartsa patungo sa kani-kanilang mga classroom ay tiyak na dadapuan ka ng kahihiyan anumang denial ang iyong ipakita.
Kinalaunan ay natuto rin akong dumating sa school ng mas maaga - kahit pa madalas ay humahawi ang mga bata kapag ako ay nasa pila at nagsisipagliparan ang mga langaw kung saan ako naroon. Namemorize ko rin ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan, pati na rin ang school hymn na ngayon ay hindi ko na halos ma-recall. Nakatapos ako ng elementary na nasa puso at isipan ang halaga ng flag ceremony, subalit pagdating ng high school,
mga cadet naman ng CAT ang kalaro ko ng mataya-taya tuwing umaga.
Dekada na ang lumipas at sa huli kong tanda, muli akong tumayo upang magbigay respeto sa watawat ng bansa at kantahin ang national anthem noong nanood kami ng sine ng ka-eyeball ko galing Planet Romeo. Wala na ang sidhi ng damdamin na aking nararamdaman tuwing may flag ceremony, at ang bandila, pati na rin ang Lupang Hinirang na hindi ko na saulado ang lyrics ay lipas na sa aking diwa.
Subalit habang naglalakad pauwi galing sa trabaho nitong umaga, muling dumapo sa aking alaala ang mga flag ceremony namin noon. Marahil ay dahil Independence Day ngayon at naghahanap lang ako ng masusulat sa blog. Maari rin namang hindi, sapagkat ilang araw na akong may nakakasalubong na school bus sa daan at ang mga pangitaing iyon ay siyang nagpapa-senti sa akin nitong mga nakaraan.
-
Then and now are two different timelines. If I learned anything at all, it is that freedom has a price. I maybe a delinquent pupil before but I eventually recognized the presence of authority. Responsibility is a spirit still unknown to me. But now that I'm older; now that I am free to make my own choices - without running away and hiding like what I did during the flag ceremonies of my childhood.
Real freedom, as I have experienced, happens only when the flames of self-determination licks and burns the heart.
6 comments:
favorite kong memory yung june 12, 1998. required lahat mag filipiana. hehehe!!!
miss you kuya joms!
Wiwik:
That was when we trooped to Quirino Grandstand to watch the floats, and saw the fighter jets do a flypast in Luneta. :)
the high school days kung baga..
i have my share of "pakikipaghabulan" with the CATs and the guards hahaha
and to think that i came from the cream of the crop section..imagine my embarrassment..
so ayun unti-unti din akong natuto.. i'll add you to my blogroll if that's okay?thanks!
Nuelenegallos:
Looking back, nakakatawa na lang siya ngayon. Pero dati eh kabadong kabado tayo. Hahah!
Sure. Thanks for adding me.
ang kulit naman nito, hehe.. naalala ko din tuloy nung minsan ma-late ako ng school at hinahabol ng madre.. lol
joms, how's u? what happen to pulsar? nyways, got my new domain too.. bounce back ;)
hahaha! Ako ung CAT officer na nag hahabol ng late students!
I had my share of push ups din when I am late.
Anywaay, I like your blog. I hope you don't mind if I add yours to my blogroll :)
Post a Comment