Friday, November 18, 2005

Dear Pipay

Nakakaasar! Hindi kita makikita bukas sa YM. Lam mo ba, sa tuwing papasok ako sa umaga, ikaw at si Shaula ang unang hinahanap ko? Pano ba naman kapag nakita ko na kayong nakaonline dun, ibig sabihin ilang oras na lang at kulitan na naman tayo sa conference. Sa sobrang bitchy ko tuwing umaga, kayo lang ang nagpapasaya sa akin eh. Siguro naging trademark mo na ang "gandang umaga pare" at napabilang na yun sa routine ko kaya't hinahanap-hanap ko na sa tuwing nagkikita tayo sa YM.
Lam mo ba, sobrang flattered ako ng kaninang nalaman kong naninilip ka pala ng blog ko. Wala lang, sa sobrang angas mo, hindi ko inaasahan na lurker ka rin pala paminsan minsan (kahit na inookray mo rin naman ang mga entries ko). Salamat ha, taena, it means a lot pare.
Honga pala, tagal na kitang hindi nakakasama gumimik. Kelan ba yung last? Noon pa yatang nanood tayo ng Dungeons and Dragons hehe. Lam mo ba, sa tuwing nagkikita kami ni Ate Nate at ni Roy, laging napapagusapan ka namin. Wala lang, siguro dahil lagi naming naalala ang presence mo. Mula sa lantarang pagsasabi ng "gago" hanggang sa walang sawa mong pagtatanong tuwing nag ga-gayspeak kami, laging pinaguusapan namin yun kasabay ang pagpapasalamat at napabilang ka sa amin.
Swerte mo nga eh, ang bilis mong na-integrate kahit na aminin nating sobrang straight-curious mo pa para makarelate sa amin. Yung mga nauna sayo, mga hustler na pero dumaan pa rin sa karayom bago nakapasok sa grupo namin, karamihan sa kanila hindi rin na-integrate completely.
Naalala ko pa nung unang eyeball natin, tinanong ko pa si Roy kung mag-babakla-baklaan kami sa harap mo. Sabi ni Roy, mag Sprite daw kami kasi para kaming timang na nagpa-pare-pare pa kami sa harap mo eh sa totoo lang "ateh" ang tawag namin sa bawat isa. Buti nga hindi mo kami tinakbuhan eh, sa hitsura namin noon, ewan ko lang kung me tatagal saming barakong... katulad mo.
Ang bilis rin pala, parang kailan lang. Ilang lalaki na ba ang dumaan sa buhay mo? Tsk, lakas kasi ng alindog mo eh! Yun nga lang, masyado kang mapili. Naghahanap ka ng katulad ni ________ at ni ________ at ni _________ at pati na rin si Bunsoy ni Mami crush mo, pag kaharap mo naman, parang sino kang tameme na gusto mo kami rin ang kausap mo. Buti na nga lang at wala kami nung last date mo eh. Kung hindi, baka kami rin ang nag-entertain sa kausap mo kung meron saming nandun.
Pasensya ka na kung nabaling ang senti ko sayo ah! Taena, namiss ko lang talaga ang angas mo. O sha, hanggang dito na lang. Hayaan mo, hahanap kami ng bagong irereto sayo. Ikaw naman, wag ka na masyadong mapili ha. Kaya tuwang tuwa sayo ang mga bakla kasi naman kitang kita nila sayo ang sarili nila nung nagsisimula pa lamang sila.
Pustahan tayo tol, kapag ikaw na-devirginize, hahanap hanapin mo rin ang buhay na meron kami. Siguro sa unang pagkakataon, hindi ka magrereklamo kapag sex ang naging usapan namin. Yung mga kwento mo tungkol sa tsiks mo, balewala yun! Taena, kung nag-enjoy ako noon edi dapat hindi ako ganito ngayon. Basta ingat ka lang ha, at siguradong papadaanin mo muna sa meat inspection committee ang mga bagong date mo. Hanggang sa muli pare. Maging at home ka sana lagi sa barkada kahit na naka-sentro lagi sayo ang atensyon at pangtri-trip kapag kasama ka namin.
Pinatawad na rin kita sa pagbabasura mo ng mga mga M2M porn na pinahiram ko.
Ingat ka sana lagi pare... lalo na sa pangmamanyak ni Roy. Hehehe
Nagmamahal,
Ang iyong gurlalou,
Madonna

No comments: