Thursday, November 9, 2006

Chatmate

Darkstar and Pulsar chatting in one computer:

---

Pulsar:
Nais kong magsenti ngayon tungkol sa makabago ngunit napaka-pamilyar na mundong pinakita sa akin ni Mami Athena kaninang hapon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ganun kalawak ang iniikutang space nung babaeng yun.

Darkstar: Ang alin? ang pagsama mo sa kanya sa radio station para manood kung paano mag-voice dub ang mga talents?


Pulsar: Oo. Astig diba? Sinong mag-aakala na makikilala natin ngayong hapon ang nag-dub kay Sailormoon nung unang season niya sa ABC-5.


Darkstar: Sabagay, paano naman ako, marami rin akong kwento ah!


Pulsar: Ang alin? Ang lagi niyong chat ni theTripper sa YM tuwing tanghali?


Darkstar: Oo. Dami akong natututunan sa kanya kahit na marami dun hindi ko pa naapply kahit noong kapanahunan ko pa. Diba, ang trabaho mo lang nuon ay makipagsentihan para mayakap mo yung taong kalaro ko?

Pulsar:
Oo. Masama ba? Buti nga ako nangyayakap, at least nagkakaroon ng attachment sa pagitan naming dalawa nung kalaro mo.

Darkstar:
Sabagay... nakakamiss no. Gusto kong maglaro ulit. Parang trip ko tanungin kay Macoy kung saan ang CB.

Pulsar: Wala akong balak sumama sa mga plano mo. Mas mabuti pang makipagkwentuhan na lang ako kay Redguy o kaya kay Tech Support.

Darkstar:
Okey, mahina ka nga pala. Ikaw ang naattach at naguiguilty sa pagitan nating dalawa.

Pulsar:
Anyway, wala lang. Ganun pala sa loob ng recording room. Dapat at ease ka para makapag-voice over ka ng maraming characters. Galing nila no? Para silang naglalaro lang. Mga matatandang babae, nagboboses batang lalaki. Yung mga lalaki naman, nagiging boses mayor, tatay at with matching paiyak-iyak pa. Nakita mo naman siguro yung isang audio compilation ng Gabi ng Lagim sa tabi ni Mugen diba?

Darkstar: Yep, at wala akong pakielam. Abala ako sa paghahanap ng date.

Pulsar: Oo, at ginagawa mong excuse yan para mas maging active sa G4M.

Darkstar:
Masama ba? Eh yun lang ang paraan para hindi mo ako pigilan eh. Tsaka ayaw kong maging utak domesticated katulad mo. Hindi ko balak maging pusa habambuhay.

Pulsar:
Sabagay, maganda naman ang hangarin mo eh... kahit alam kong pasimple kang lumalandi doon.

Darkstar: Paano ako lalandi, ginawa mong friendship ang hinahanap ko dun. Kung di ka ba naman siraulo eh!

Pulsar: Pero alam mo, miss ko na mag-clubbing.

Darkstar: Ako rin, miss ko na mag BED o kaya GOV. Lalo pa ngayon, buff na si Mugen.

Pulsar:
Di bale, sa birthday ni Badinggerzie, mamamakla tayo. Malay ba natin kung sino ang mane-network ni Mugen.

Darkstar:
Pwede makipaglandian? Sige na.

Pulsar:
Hindi. Mahiya ka naman, birthday party yun.

Darkstar: Paano, kung malasing ako? Sasabihin mo hindi natin ginawa eh ikaw itong hindi pumapalag pag nagwawala na si Mugen.

Pulsar: Lasing nga tayo, paano ako makakaresist. Pinaalala mo na naman si Euphoria Boy. Diba sabi ko sayo, walang may kasalanan sa kanya? Pareho tayong labas dun.

Darkstar:
Sabagay. Namimiss mo pa rin siya diba?

Pulsar:
Hindi. Pero nakatago pa rin sa akin ang number niya.

Darkstar:
Kitams.. Lambot mo, isang gabi lang yun...

Pulsar: ....

Pulsar:
Paano, hanggang dito na lang men. Kailangan pang mag-upload ng MP3 ni Mugen para mapalitan niya yung gym sounds niya para bukas. Maawa ka naman sa tao na isang linggo nang kulang sa tulog.

Darkstar:
Sige, sabi mo eh. Malakas ka sakin... pero, torrid mo naman ako. Wehehe.

Pulsar:
Gagu! Pati ako papatusin mo. Itigil mo na nga ang G4M mo. Tsaka maging good example ka kay Firekid ha. Bata ko yun.

Darkstar:
Opo master. Pero, aminin mo, gusto mo rin naman ako diba. Ilang beses mo sinabi kay Mugen na nababakla ka na sa picture na naka-post dun sa huling Bunny Interludes niya.

Pulsar: Biro lang yun. Naniwala ka naman...

Darkstar: Sabi mo eh. Basta wag kang kokontra pag nakakarelate ako sa storya ni Macoy at Tripper ha.

Pulsar: Magsama kayong tatlo pare. Log off na tayo.

Darkstar: Sure, inaantok na ako. Tama ng entry to.

Pulsar: Okay. Hanggang sa muling chat tol.

-- Log Off --

No comments: